-LUNA-
BALIK na ulit kami sa dati ni Baste. Madalas niya paring nakakasama 'yung babae na hindi niya pa rin sa akin nachichika. Sayang at kating kati pa naman akong malaman ang real score sa pagitan nilang dalawa. Para naman may bago na akong ipang-aasar sa kaniya.
Masaya naman si Principal Paternos sa kinalabasan ng ginawa namin. Aba dapat lang! Nagkanda takot takot pa ako sa multo rito sa school 'no!
"Luna!"
Nakangiti si Kenji habang naglalakad papalapit sa akin. Kasunod rin niya sila Timmy, Abby, at Baste.
Ngayon nga pala ang jingle making contest nila. Masaya ako dahil ako lang ang normal ang suot sa kanila. May mga gulay kasi sa damit nila at may face paint naman ang mga mukha nila. Ngayon lang ako naging thankful na hindi ako nabiyayaan ng talent sa pagsayaw!
"Tawang tawa? Ipahid ko sa'yo 'tong paint eh!" Reklamo ni Timmy.
"Sus, parang hindi ka naman kinikilig dahil ka-partner mo si Xavier." Hirit ko.
Nawala naman ang inis niya at napalitan ng excitement.
"Luna, paki-ayos nga." Si Baste.
Nagbuhol kasi 'yung mga pompoms niya. Kinuha ko naman iyon at ginawa ang utos niya. Mayamaya ay sinabit na ni Abby ang camera niya sa leeg ko.
"Ayusin mo ang kuha ah? Pang-blackmail ko 'to kay Timmy kapag nababadtrip ako sa kaniya."
"Bakit ako? Dapat ang bina-blackmail mo si Josh."
"Sabunutan kita riyan eh!"
"Do I look okay?" Alalang tanong ni Kenji sa akin.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Kahit anong effort nila na takpan ang features ng mukha niya ay ang gwapo pa rin niya.
"O-Okay naman... gwapo pa rin."
"Dalaga na ang Luna ambunching bunching namin ah. Marunong na bumanat." Sabay dutdot ni Abby sa tagiliran mo.
"Isa! Magtigil!" Saway ko rito.
"Eh ako?"
Kaming apat ay napalingon kay Baste. Nakapamewang ito habang pini-flex ang sarili niya.
"Keri lang..." Asar ko.
Ngumisi ito at tumakbo papalapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang ipitin ang mukha ko at tsaka niya kiniskis ang pisngi niyang may face paint sa pisngi ko.
"Ano ba! Kadiri!" Hinampas hampas ko siya hanggang itaas na niya ang parehong kamay niya.
"Tama na! Hahaha."
"Hoy, Baste! Ang hirap kaya maglagay ng paint! Uling na gagamitin ko sa'yo. Sige ka!" Banta ng classmate namin na si Abel.
Nagtawanan naman kami.
Mayamaya ay tinawag na sila sa pwesto nila. Bago nila ako tuluyang iwan ay lumapit ulit si Kenji para may iabot sa akin.
"For your face..." Sabay bigay ng panyo sa akin.
"T-Thank you." Nahihiyang sabi ko. "Good luck. Enjoy lang."
"Hmm," masayang tango nito sabay takbo papunta sa pila nila.
"Manliligaw mo 'yon 'di ba?"
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Pres! Nagulat naman ako sa'yo."
Natawa ito. "Sorry... anong nangyari sa mukha mo?"
Napa-irap ako. "Loko kasi si Baste." Sabay punas non gamit ang panyo ni Kenji.

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...