KABANATA 3

10 1 0
                                    

-LUNA-

NASA ibang class kami ngayon. Since senior high na kami may mga strands kaming kinukuha. Sa mga general subjects ay magkakasama ang section namin. Pagdating naman sa mga majors namin ay hiwa-hiwalay na kami unless same strand lang kami.

Sa aming magkakaibigan si Baste lang ang nahiwalay. Ang alam ko ay kasama niya rin si Kenji at iba pa naming classmate na STEM rin ang kinukuha. Habang ako, si Timmy at si Abby naman ay HUMSS.

At dahil section A kami hindi maiiwasan na makipag kumpetensiya sa amin ang ibang 'strandmates' namin. Active kasi ang section namin sa mga extracurricular activities, contest at madalas ay sa amin galing ang mga nasa honors per quarter.

"Teh, diyan na 'yung mga Class C. Lista mo 'na." Bulong ni Timmy.

Kinuha ko naman ang class list namin at chineck na ang attendance nila. Kahit kasi dito ay nkasa officers rin ako.

"Uy, Luna. May poging transferee daw sa inyo ah? Ilakad mo naman ako, please." Maarteng saad ni Natasha.

Kilalang kontesera 'tong si Natasha eh. Mahilig rin makipag kumpetensya sa mga in a relationship. Naalala ko last year, pumutok sa buong ENHS ang chika na nakita si Natasha na kasama sa mall ang isang teacher sa school namin.

Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung sinong teacher ang kasama niya non. Pero bali balitang si Mr. Moreno daw 'yon, ang Filipino teacher nila.

"Hindi pwede. Nauna na ako!" si Timmy.

Inirapan siya nito. "As if naman na papatulan ka non? Asa ka."

Sasagot pa sana si Timmy pero pinigilan ko na siya. Kakasimula palang ng school year. Baka masira pa ang huling taon namin kung papatulan pa namin siya.

"Sure ka? Single 'yon eh." Inosenteng sagot ko.

"Anong connect?" tanong niya.

"Walang thrill. 'Di ba pumapatol ka lang sa mga may jowa na?" Nginitian ko siya.

"Anong sabi mo?!" sigaw niya.

Sakto naman na dumating na si Ms. Nica, ang HUMSS adviser namin. Sinamaan muna ako ni Natasha ng tingin bago siya bumalik sa upuan nila.

Tinapik naman ako ni Abby. "Akala ko ba huwag patulan? Ikaw 'tong hindi nakapagtimpi eh."

"Eh totoo naman sinabi ko? Mabuti sana kung hindi."

"Bruha ka. 'Pag ikaw inabangan niyan, labas na kami ah." Biro ni Timmy.

"Aabangan lang pala eh. Gusto mo sabay pa kaming umuwi."

Matapos ang mga major class namin ay bumalik na kami sa room namin para sa next class. Mabuti nalang at Biyernes na. Makakapag-grocery na rin kami ni Abby.

"Class, I want you to group yourselves into five. Magkakaroon tayo ng first activity niyo." Anunsiyo ni Sir Topas.

Siyempre matik na na magkakasama kami nila Timmy, Abby at Baste. Hindi naman strict si Sir pagdating sa pagbuo ng grupo kaya okay lang sa kaniya na by friends ang groupings as long as lahat ay may grupo.

"Ikaw Kenji? Gusto mo sa amin ka nalang? Sakto kulang pa kami ng isa." Suhestyon ko.

"Okay." Sagot niya.

"Perfect! A-add ko na kayo sa magiging gc na'tin ah!" si Timmy.

Ang task ni Sir sa amin ay pumili ng element sa periodic table at gawan ng video ang gamit nito. After ng class ay nagpasya kaming pumunta muna sa library para pag-usapan ang magiging plano bukas.

"Kaninong bahay tayo gagawa? Hindi pwede sa amin ah." Paalala ni Abby.

Tumango naman ako. "Sa inyo Timmy pwede?"

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon