-LUNA-
POSIBLE kayang si Abby talaga ang gusto niya?
Ilang araw na nasa isip ko ang tanong na 'yan. Pero tuwing babantayan ko naman ang reaksyion ni Baste tuwing kasama namin si Pres ay parang wala itong pake. Or deep inside nagseselos siya?
"Oh, ba't naka-upo ka pa diyan? Akala ko aalis kayo nila Abby?" Tanong ni Mama sa akin pagpasok niya sa kwarto ko.
"Mamaya pa naman. Tsaka nakaligo na ako kaya magbibihis nalang ako."
"O siya sige. Bukas ba may lakad ka?"
Napa-isip naman ako. Linggo bukas. Hindi naman na namin kailangan mag-grocery dahil si Mama na madalas ang gumagawa 'non.
"Wala naman. Bakit, Ma?"
"Bukas kasi ang appointment ko sa catering para sa debut mo. Magpapasama sana ako dahil para sa'yo naman iyon."
"Perahin mo nalang kaya, Ma?" Biro ko.
Pinitik nito ang noo ko. "Hindi pwede! Pinag-ipunan ko nga 'yan dahil hindi ko naman naranasan ang magkaron ng bonggang debut. Afford naman namin ng Papa mo ano."
Napangiti nalang ako. "Si Papa pala, Ma? Tumatawag ba?"
Tumalikod ito at lumapit sa cabinet ko. "O-Oo, kahapon. Busy kasi siya pero nagtatanong rin siya tungkol sa paghahanda sa birthday mo."
"Tsk, sabihin mo bumawi siya sa pasko ah." Paalala ko.
Ngumiti naman ito. "Sige na. Pupunta lang ako kila Mel."
"Ano na naman gagawin mo doon?"
"Eh ano pa ba? Chichika syempre!" Sabay tawa nito.
-
Tanghali ng umalis si Mama para bumisita kila Baste. Nagkasalubong pa nga sila dahil papunta rito si Baste dahil sabay sabay kaming pupunta sa bahay nila Kenji. Syempre nandito rin si Timmy... at ang bagong salta sa grupo naming si Pres.
"Luna, wala ka bang dress?" Tanong ni Abby.
"Meron... may dinala si Mama para sa akin. Susuotin ko ba?"
"Malamang teh? Alangan isakal mo sa akin?" Asar ni Timmy.
"Pwede naman." Ganti ko rito.
"Asus, kinakabahan kasi meet the parents!" Tudyo nito sabay sundot sa bewang ko.
"Ano ba! Hindi kaya." Hinampas ko ito.
"Ilabas mo na teh tapos suotin mo. Bilisan mo at aayusan pa kita." Utos ni Abby.
Mabilis naman akong sumunod sa inutos niya. Mamaya pagalitan na naman nila ako sa tagal kong kumilos eh.
Sandali lang rin silang natapos sa pag-aayos sa akin. Sinabi ko kasing ayokong masyadong maglagay ng make-up dahil party lang naman iyon. At dahil medyo malayo rito ang talagang bahay nila ay nagbook nalang kami ng sasakyan para mabilis na makarating doon.
Saktong nagsisimula na ang party pagkarating namin.
"Oh, kaibigan kayo ni Kenji 'di ba?" Bati ni Kuya Allen sa amin. "Hi, Luna. Ganda na'tin ah."
"T-Thank you po." Nahihiyang sagot ko.
Siniko ako ni Timmy. "Kuya ni Kenji?" Tumango naman ako. "Pogi!"
"May girlfriend 'yan." Pambabasag ko sa pantasya niya.
Nawala ang ngiti nito. "Ayun lang."
Sinabi ni Kuya Allen sa amin na magpunta nalang sa garden dahil doon ang party nila. Agad kaming sinalubong ni Kenji ng makita niya kami.

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...