KABANATA 17

12 1 0
                                        

-LUNA-

ANG lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang tagal naming hindi nakita si Josh ay nakalimutan ko nang nag-eexist pa pala siya. Nilibot ko ang paningin ko. Wala masyadong tao sa labas dahil nga umuulan.

Hindi naman ako 'yung tipo ng sumisigaw ng saklolo dahil may hiya rin ako 'no!

"J-Josh?"

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't bawal kang lumapit sa amin?" Paalala ko.

Nabigla ako nang may kamay na humila sa akin palayo kay Abby. Tsaka ko napansin na may iba pa pala siyang kasama. Nabitawan ko na ang payong ko kaya diretso nang tumatama sa amin ang patak ng ulan.

"Abby... love... mag-usap tayo please. Ayusin na'tin 'to... Mahal na mahal kita."

Sa bawat hakbang palapit ni Josh sa kaniya ay siyang bawat hakba ng palayo ni Abby sa kaniya.

"Abby, tumakbo ka na sa dorm. Iwan mo na ako dito." Utos ko.

"B-Baliw ka ba? Hindi kita iiwan dito!"

Pinilit kong magpumiglas sa dalawang lalaking may hawak sa akin pero obvious naman lugi ako. May kung anong sinenyas siya sa dalawang lalaki. Hindi ako agad nakapag-react ng bigla akong sampalin ng makalas ng isa sa kanila.

Sa sobrang lakas non ay natumba na ako sa kalsada. Member ba 'to ng boxing club?!

Nalasahan ko ang dugo mula sa pumutok kong labi. Sa inis ko ay mabilis ko itong sinugod at binalak na ibalibag pero hindi ko kinaya. Malakas lang ulit ako nitong tinulak palayo.

Napangiwi ako dahil gumasgas ang palad ko sa semento. Para naman akong action star nito?

Bago pa ako tuluyang makatayo ay hinila na nila si Abby pasakay ng sasakyang dala nila. Nanumbalik sa akin ang kaba. Sinubukan kong habulin sila kahit alam ko namang imposibleng maabutan ko sila.

Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit naming nalaglag at tumakbo pabalik sa dorm.

"Ang tagal niy--- ANONG NANGYARI SA'YO?!" Gulat na sigaw ni Timmy.

Bigla ay lumitaw sa likod niya sila Baste at Kenji.

"Anong nangyari Luna? Sinong may gawa sa'yo niyan?" Halata ang pag-aalala ni Baste habang pinapasadahan ako ng tingin.

"S-Si Abby..." Naiiyak kong sabi. "Baste... si Abby."

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko hindi dahil sa lamig... kundi dahil sa takot sa kung anong pwedeng gawin ni Josh kay Abby.

Si Timmy ang tumulong sa akin na ayusin ang sarili ko. Nakaabang lang siya sa labas ng banyo ko habang ang dalawa naman ay tumawag na ng pulis.

"Bakit kasi kayo pa ang lumabas?! Tatlo kaming lalaki dito oh!" Inis na sabi ni Timmy.

Seryoso siya pero natawa pa rin ako. "Sure sa lalaki?"

Pinitik niya ang noo ko. "Bading ako pero marunong akong lumaban ano!"

"Nahanap na nila si Abby..." Sabi ni Kenji.

"Nasan sila? Si Josh? May dalawa pa siyang kasama..." Sunod sunod kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin ako. "She's okay... We'll go to her, hmm? Don't cry now." Sabay pahid sa gilid ng mata ko.

Alam rin ni Ate Lora ang nangyari. Binigay niya sa akin ang spare key ng gate nila para kung sakaling medyo late kaming maka-uwi. Gusto pa sana niyang sumama pero sinabi ko nalang na magpahinga na siya.

Pagkarating namin sa police station ay hinanap ko agad si Abby. Naroon siya kasama ang isang babaeng pulis.

"Abby!" Tawag ko sabay takbo at yakap sa kaniya ng mahigpit. "Sorry... wala akong nagawa."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon