KABANATA 19

3 1 0
                                    

-LUNA-

PARA akong binagsakan ng elepante sa sinabi ni Argus sa akin. Dumaan na rin sa isip ko ang possibility na iyan. Sa palabas kasi 'di ba? Kung gustong mag-move on nung main character sa heartbreak aalis siya sa lugar nila at magpapakalayo layo.

Dinismiss ko rin ang ideya na iyon dahil iniisip ko na OA ako mag-isip. Baka naman gusto lang ni Kenji ng change of environment. Pero dahil sa sinabi ni Argus... na-confirm ko na ang hinala ko.

"Baka naman naka-move on na? Ang red flag naman niya kung manliligaw siya agad tapos hindi pa pala nakaka-get over sa girl?" Sabi ni Abby mula sa kabilang linya.

Siya ang una kong tinawagan para hingan ng opinyon tungkol doon.

"Hindi ko na rin alam... patigilin ko nalang kaya siya? Mas maigi pa na tumigil nalang siya habang hindi pa ganon kalalim 'yung feelings namin sa isa't isa. 'Di ba?"

"Kaya mo ba? Eh mukhang gusto mo na rin siya eh..."

Napahinga ako ng malalim. Nang hindi ako nagsalita ay nagsalita ulit siya.

"Kahit anong desisyon mo... support lang ako. Pero hindi ba magandang pag-usapan niyo muna?"

"Hmm, kakausapin ko nalang siya pagbalik namin."

Binaba ko na ang tawag at binulsa ang cellphone ko. Dumukdok ako sa lamesa at pinilit na kalmahin ang sarili ko.

"Luna, eto na. Kain na tayo." Tawag sa akin ni Lucille sabay lapag ng tray ng orders namin.

Nagpaalam kasi kami kay Coach na kakain nalang kami sa labas dahil may fastfood na malapit. Tsaka ayoko ring sumabay kila Argus na kumain. Feeling ko kasi pinag-uusapan nila ako ng mga teammates niya. Malamang ay kilala rin nila si Kenji dahil dati nga silang schoolmate.

"Okay ka lang? Kanina ka pa balisa eh." Si Lucille.

Nilunok ko muna ang spaghetti sa bibig ko bago nagsalita. "Wala lang 'to..."

"Luna..."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Kahit hindi ko lumingon ay alam na alam ko kung sino ang tumawag sa akin.

"Lipat lang ako sa kabilang table." Nakangising sabi ni Lucille sabay kuha ng pagkain niya at alis.

Nang maupo siya sa tapat ko ay napansin ko ang paghahabol niya ng hininga. Tinulak ko sa harap niya ang softdrink ko at tinuloy ang pagkain ko.

"I've missed you..."

Para akong nabulunan. Ano daw? Na-miss niya ako? Eh wala pang isang araw kaming hindi nagkikita ah?

"B-Bakit naparito ka? Nag-cutting ka?"

"No... umalis ako agad after class to see you."

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ayan na naman ang mga banat niya. Natural lang na lumalabas sa bibig niya 'yon pero iba ang epekto sa akin 'non.

"Nakita mo na ako... you should go home, Kenji. May klase ka pa bukas."

"Are you mad at me?" Nag-aalalang sabi nito. "May nagawa ba ako?"

"W-Wala 'no... pagod lang sa practice." Tipid kong sabi.

"Did Argus say anything to you?"

Hindi ako nagsalita. Mukhang na-gets naman niya mula sa pananahimik ko. Sa sobrang awkward ay pinaglalaruan ko nang itong spaghetti sa harap ko.

"I sincerely like you, Luna..." Simula niya. "Kung anuman ang sinabi ni Argus sa'yo... I'll admit that those are true... and so as my feelings for you..."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon