KABANATA 20

5 1 0
                                        

-LUNA-

DALAWANG beses kaming nanalo at dalawang beses rin kaming natalo sa practice match namin. Actually, expected ko nga na hindi kami mananalo kahit isang beses dahil malalakas talaga ang mga school na nakalaro namin. Natalo namin ang PSH at Collins Academy, ang dating school ni Kenji.

Overall, it was a great experience. Kung school ang basehan, outsider pa ang ENHS sa larangan badminton pero kung skills? 'Wag na na'tin alamin. Joke. Magagaling ang teammates ko at confident ako doon!

Hindi rin mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Baste sa akin. Ewan ko kung double meaning iyon or masyado ko lang ino-overthink 'yung sinabi niya. Siguro ang ibig niyang sabihin ay ayaw nilang malatakan ang friendship namin.

Kenji:
Are you coming back now?

Me:
yepp, naghihintay lang sa service.

Kenji:
Good to know. Tell me when you get home. Take care.

Me:
oks po!


Dahil wala naman kaming hinahabol na klase maaga agad kaming nakaalis... hindi kami inabot ng traffic. Sa school kami bumaba dahil doon ipaparada ang service na ginamit namin. May mga ilang notes and reminders lang si Coach Joy sa amin tapos pinalarga na niya kami.

Sabay sabay kaming nagpunta sa locker namin para magtabi ng mga gamit namin.

"Luna, may naghahanap sa'yo sa labas." Tawag sa akin ni Lucille. Ngiti palang niya ay alam ko na kung sinong tinutukoy niya.

Naalala ko kahapon na halos magmakaawa pa ako para hindi na siya pumunta sa akin. Loko kasi... 'pag alis sa klase doon agad didiretso. Sinabi kong uuwi naman na kasi kami sa susunod na araw kaya 'wag niya sana ako masyadong ma-miss.

"Hey."

Ba't kapag sa bibig niya galing 'yung 'hey' may ibang epekto. Parang leading man sa romantic film tapos na-love at first sight sa leading lady niya.

"Wala kayong class?" Tanong ko. "Ba't hinihingal ka?"

"I saw you sa taas and then I ran so I could see you."

Hindi rin nakaka-cringe pakinggan 'yung pagiging conyo niya.

"Makikita mo naman ako bukas sa class." Natatawang sabi ko.

"I just want to see you... now."

"LUNA! Ilolock na namin 'tong locker... may naiwan ka bang gamit?" Tawag ni Sullie, isa pang teammate ko.

"W-Wala na... okay na ko. Bye, ingat kayo!" Kaway ko.

Nang-aasar na ngiti pa ang binigay sa akin ni Lucille bago niya kami tuluyang talikuran.

"Free ka ba after class?" Lingon ko kay Kenji.

"Are you asking me out on a date?"

Pinigilan kong matawa dahil sa gulat niyang itsura. "Ililibre sana kita eh... hindi ko pa natutupad 'yung sinabi ko sa'yo noon. Tsaka... baka na-miss mo ako kaya babawi naman ako."

Nakita ko ang patagong ngiti at pagkagat niya sa ibabang labi niya. Gosh, ang hot!

"S-Sure... I'll see you later?"

"Hmm, balik ka na sa class mo." Sabay tulak sa kaniya.

Mahina lang itong natawa pero sumunod rin naman.

Mabilis akong tumalikod para tampalin ang noo ko. Sinabi ko ba 'yon?! Ako pa mismo ang nag-declare na miss niya ako?

Sana walang nakarinig na estudyante sa amin! Huhu.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon