-LUNA-
Retreat: 2nd Day.
MAAGA akong nagising ngayon. Habang natutulog pa sila Abby at mga kasama ko ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Nabasa ko sa text ni Andrei na nasa open garden sila... kung saan kami nag-photoshoot kagabi.
Pagkarating ko doon ay nandon na rin ang officers ng ibang section pati ang mga advisers ng bawat class. Katulong kasi nila kami ngayon na maghanda ng activity namin ngayon araw.
"Good morning, Luna." Bati sa akin ni Pres.
"Good morning din," Mahina kong tinapik ang braso niya. "Bakit late mo na hinatid sa kwarto namin si Abby ah?"
Pinigilan nitong mapangiti dahilan para lumabas ang dimple niya.
"Nag-usap lang... medyo napahaba."
Nanliit ang mata ko. "Sure ka... usap lang?"
"Of course. Wala pa kami sa ganong stage."
"Asus!" Tawa ko.
Mayamaya lang ay nagsimula na kaming mag-ayos. Ang activity kasi namin ngayon ay Amazing Race. Pinagsamasama kaming mga class officers sabay hinati sa limang grupo. May limang station kasi kaming hinanda bago ang finish line.
Mabuti nalang at kasama ko si Andrei sa grupo at dito lang kami sa retreat centre naka-assign na mag-ayos. 'Yung ibang group kasi ay kinailangan pang lumabas dahil doon ang assigned station nila.
Habang nag-aayos kami ay isa isa na rin nagdatingan ang mga estudyante. Since hindi pa naman simula ng activity ay nag-ikot ikot nalang muna sila at nag-picture taking.
"Luna, tawag ka." Kalabit sa akin ni Carmie, isa sa kasama ko.
Nilingon ko kung sinong tinuturo niya. Ngumiti nalang ito at kumaway sa akin.
"Did you have a good sleep?" Tanong niya.
"Oo, ikaw?"
Tumango lang ito sabay abot sa akin ng chocolate drink at tinapay. Galing 'yon sa staff nitong retreat house.
"Si Andrei?" Tanong sa akin ng kadarating lang na si Abby. "Ibibigay ko sana 'to." Sabay angat niya sa pagkaing dala.
Tinuro ko ang pinanggalingan ko. "Nag-aayos... puntahan mo nalang kaya?"
Iniwas nito ang tingin. "Nahihiya ako."
"Ako na kaya teh? Para sa akin ma-fall 'yan." Biro ni Timmy.
Natigilan naman ako ng may maramdaman akong malamig sa ulo ko. Si Baste pala iyon na ipinatong sa ulo ko ang inumin na hawak niya.
"Tsk! Akin na." Sabay kuha noon.
"Iyo talaga 'yan."
"San mo nakuha 'to? Iba 'yung binibigay nila ah?" Napansin ko kasi na strawberry yoghurt drink iyong dala niya. Favorite ko 'to eh.
"Binili ko sa labas."
Matapos ang quick break namin ay naghanap na sila Ma'am Richel ng mga representatives per class. Hindi naman kasi kami lahat makakalaro. Pang-moral support nalang siguro 'yung iba... kagaya ko.
"Kulang pa ng dalawa!" Sigaw ni Sir Diaz, adviser nila Pres.
Tumayo ako agad at hinila ang mga braso nila Baste at Kenji.
"Sila daw po sasali, Sir!"
"Ayoko nga." Inarte ni Baste.
"Tsk, isa! Naghirap kami dito ah." Nilingon ko naman si Kenji. "Okay lang? Masaya naman 'to."

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romantizm'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...