KABANATA 28

4 1 0
                                    

-LUNA-

GABI na nang makarating kami sa ENHS. Ilang oras din ang biyahe namin kaya naman ang lahat sa amin ay pagod na pagod na. Habang pinapanood kong mag-uwian ang ibang estudyanteng kasama namin, ako naman ay inaayos ang class list namin.

"Hngg." Nag-unat unat muna ako ng katawan matapos kong magsulat.

"Hatid na kita."

"Ba't nandito ka pa?" Akala ko ay sumabay na siyang umuwi kila Abby. Pina-una ko kasi sila dahil tatapusin ko pa itong list.

"Nandito ka pa eh." Ngisi nito.

"Uuwi na kayo, Luna?" Tanong ni Ayessa, ang class president namin.

"Hmm, kayo?"

Si VP Gabriel naman ang sumagot. "Kami na bahala rito... ang dami mo na ginawa eh."

"Sige, thank you." Ngiti ko. "See you next week."

Bago ko pa makuha ang gamit ko ay inunahan na ako ni Kenji na hawakan iyon. Taka ko naman siyang tiningnan.

"'Yung gamit mo?"

"Dumaan si Kuya kanina."

Dahil pareho na kaming pagod ay pumara nalang kami ng tricycle para magpahatid sa dorm namin. Ilang minuto lang ay nakarating na kami.

"Thank you sa pagbuhat 'nung gamit." Saad ko ng makarating na kami sa tapat ng unit namin.

"Malakas ka sa'kin eh." Tawa nito.

Natawa rin ako. "Gusto mong pumasok?"

"You should rest... isang linggo naman kitang nakasama eh."

Nakagat ko ang ibabang labi. Muntik na naman akong mapangiti sa simpleng banat nito.

"A-Ah, oo nga. Haha." Hinawakan ko na ang maleta ko. "Ikaw rin... alam kong pagod ka na."

"Bakit naman ako mapapagod... kung kasama naman kita?"

Natulala ako sa nakangiti niyang mukha. May kung anong kakaibang pakiramdam na naman ang nangyayari sa sikmura ko. Ito ba 'yung butterflies in my stomach ng feeling?

"G-Gabi na... baka hinahanap ka na ng Kuya mo."

Mabilis akong tumalikod para itago ang mukha ko. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko pa mapindot ng maayos ang passcode ng unit namin.

"Luna." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Hmm?" Lingon ko. Pinilit kong ngumiti kahit kabang kaba na ako.

Lalo akong nabato sa kinatatayuan ko ng unti unti itong lumapit sa akin. Ito na ba 'yon? Awtomatikong pumikit ang mata ko habang hinihintay ang mga susunod nitong gagawin.

Ang ilang segundo ay tila naging oras.

Hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa noo ko.

"Good night, Luna." Paalam nito.

Habang ako ay naiwan lang na nakatulala doon.

-

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon.

Parang nawala ata lahat ng pagod sa katawan ko dahil sa halik niyang iyon. Si Abby lang ang nasabihan ko tungkol doon pero parang pinagsisisihan ko na dahil lagi nalang niyang pinapaalala sa akin ang araw na 'yon.

"Good morning." Bati nito pagkalabas ko ng kwarto.

Mabilis lang lumipas ang araw at Lunes na naman. Balik na naman kami sa realidad na may pasok na naman. Naupo na ako at kumain ng agahan.

Naalala ko na naman!

"Oh, ba't namumula ka?" Nakangising tanong nito. Mukha namang alam niya kung bakit, tss.

"Wala."

"Normal lang 'yan." Natatawang sabi niya sabay tapik sa akin.

"Ganon ka rin ba 'non?"

Na-guilty naman ako ng mag-iwas siya ng tingin. Nagmmove on nga 'yung tao. Baliw ka talaga, Luna!

"Hindi namin nagawa 'yon..."

"Eh?" Gulat kong sabi. "Totoo? Sa tagal niyo?"

Natawa naman ito. "Umaatras kasi ako bago siya makalapit hehe. Nahihiya ako 'no!"

Pati ako ay natawa nalang rin. Matapos kaming kumain ay sabay na rin kaming pumasok. Sakto pa nga at nakasabay namin si Baste sa may gate. Nakita kong nakalagay sa bag niya ang keychain na binigay ko sa kaniya.

"Baste!" Tawag ko rito.

Kumurba ang labi nito at ginulo ang buhok ko. "'Di ka naligo?"

Sinuntok ko siya. "Loko! Anong hindi?!"

"Tuyo kasi buhok mo." Halakhak nito.

"Bawal maligo ng maaga, ha?" Singhal ko rito.

"Kayong dalawa ang aga aga pa." Saway ni Abby sa amin.

Pagkarating namin sa classroom ay nandoon na sila Timmy at Kenji. Hindi ko masalubong ang tingin ni Kenji dahil naaalala ko na naman 'yung ginawa niya.

"Good morning, Luna." Bati nito ng makalapit na ako.

"G-Good morning din." Usal ko.

Naging maayos naman ang klase namin. May mga quiz at activities ulit syempre kaya naman jam-packed sa gawain ang araw namin ngayon. Kahit sa major namin ay ganon rin dahil may paper na kaming sinisimulan.

"Ms. Bautista, hanap ka ni Coach Joy." Tawag ng major advisor namin na si Sir Ced. "Excused ka na."

"Thank you po." Sagot ko sabay ayos na ng nga gamit ko.

"Sana ol." Ngiwi ni Timmy. Antok na antok na ang itsura nito.

Tinawanan ko nalang siya at tsaka na ako lumabas ng classroom namin.

Agad akong dumiretso sa locker room namin para magpalit ng pang training na damit ko punta sa sa gym.

"Hello, Luna!" Bati ni Lucille.

Nginitian ko naman siya at sinabayan na mag-warm up.

"Kumusta retreat? Balita ko sa Baguio raw kayo ah?"

"Okay naman... masaya."

"Excited na rin tuloy ako."

Doon rin ay inanunsyo na ni Coach kung kailan ang tournament namin. Next month na iyon. Mabuti na nga lang at sa first week ng September iyon gaganapin kaya naman mahaba pa ang oras ko para maghanda para sa debut ko.

After ng warm-up ay nagkaroon kami ng practice match. Naka-ilang set rin kami hanggang sa sumapit na ang alas-sais. Kanina pa nag-uwian ang mga estudyante.

Nahiga ako sa sahig dahil sa pagod.

Nabanggit rin ni Coach na mula bukas pagkatapos ng klase ay tuloy tuloy na ang training namin ulit.

Matapos ang practice namin ay nagsi-uwian na rin kami. Pagkarating ko sa dorm ay wala si Abby pero nag-iwan ito ng text sa akin na uuwi rin siya bago ang curfew.

Nagpalit muna ulit ako ng pambahay bago lumabas para pumunta sa convenience store. Tinatamad na kasi akong magluto kaya bibili nalang ako.

Habang nakatambay ako sa tapat ng microwave ay napansin ko ang isang babae na nakatayo sa may dulong aisle. Sa itsura nito ay mukhang hindi siya taga-rito.

Nagtama ang paningin namin at nabigla ako ng bigla niya akong ngitian. Ang ganda niya! Parang si Mama Mary.

Nabalik ang atensyon ko sa microwave dahil sa pagtunog nito. Agad ko namang kinuha ang cup noodles na nilagay ko sa loob at naupo sa may upuan.

Muli kong binalingan ng tingin 'yung babae kanina pero nakita ko na papalabas na siya sa store.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon