KABANATA 2

9 1 0
                                    

-LUNA-

KAHIT tapos na ang klase ay nasa school pa rin ako. Bukod kasi sa pagiging member ko ng school government ay kasali rin ako sa badminton team ng ENHS.

Hobby ko lang sana 'to eh. Kaso 'yung PE teacher namin nung Grade 8 kami ay mukhang nadiscover ang hidden talent ko na dapat hidden lang talaga. Eh 'di ngayon laging pagod ang ate mo.

"Break muna." Saad ko kay Mark, training partner ko.

Natigilan ako nang mapansin ko si Kenji sa may hagdan. Naka-upo lang siya don habang pinapanood kami.

Ba't nandito pa 'to?

Naalala ko 'yung kanina. Kaya pala niya ako hinahanap dahil may itatanong siya. Nandon naman ang ibang classmates namin, bakit ako pa ang hinahanap niya 'di ba?

Ayoko pa naman ng ganyan ganyan. Naffall ako sa ganiyan eh.

"Ba't hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko pagkalapit sa kaniya.

Inayos naman niya ang sarili niya. "Uuwi ka na ba?"

"Hmm, malapit na. Bakit?"

"Okay lang sumabay?"

Stop! OMG! Wala bang preno 'to? Banat agad? Huhu. What if I fall?

Grabe naman 'to kakakilala palang na'tin eh.

"Uh, okaay ?"

Halos ipaligo ko na sa sarili ko ang pabango ko noong magpalit ako. Baka kasi amoy pawis na ako. Buti nalang pwedeng maligo dito. May sariling shower room kasi ang mga athlete sa amin. Aba, kahit public school 'to, malaki 'to 'no! Lalaban sa private ang facilities namin.

Hindi nga lang naka-aircon kada room. Hehe.

Agad naman siyang tumayo noong makita niyang papalapit na ako.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Naisipan ko namang pumasok muna sa convenience store na nadaanan namin. Bibili lang ako ng kakainin ko mamayang hapunan. Tinatamad na naman kasi akong magluto.

"Hindi mo talaga ako natatandaan?" Biglang tanong niya.

"Ha?" Taka ko. "Nagkakilala na ba tayo dati?"

Halos pigain ko na ang utak ko kaka-isip kung saan kami nagkita. Jusko, itong ganito kagwapo imposible na makalimutan ko 'no. Baka naman nagkakamali lang 'tong lalaking 'to.

"Ahh.." Natawa siya. ".. akala ko iniiwasan mo ko."

Sus, clingy naman.

"'Di nga? Nagkita na ba tayo dati? Sorry kung hindi ko maalala ah."

"Sa tulay? Remember? Noong nahulog mo 'yung salamin mo..."

OMG!

Nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig sa gulat. Hindi ko masyadong natandaan ang mukha niya non dahil nga wala akong salamin.

Ngumiti ito. "Naalala mo na?"

Tumango ako. "Kenji! Oo nga..." Napabuga ako ng hangin. "What a small world 'no? Talaga ngang magkikita at magkikita tayo."

"Do you remember what you said bago ka umalis?"

"Oo naman! Ililibre kita 'di ba? Ngayon na ba? Baka naman nagtransfer ka para don ah?"

Natawa naman siya. "You don't have to. I'm just glad that we met again."

"Sus, ano ka ba. Ang promise ay promise 'no..." Natigilan ako ng muntik ko siyang tapikin. Nakalimutan kong hindi pa pala kami close. "Anyway... it's nice to meet you again, Kenji."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon