-LUNA-
KAHIT sa panaginip ko ay naroon din si Kenji... pero hindi malaswa ang panaginip ko ah! Paulit ulit roon ang sinabi niya sa akin kahapon bago kami maghiwalay. Ang bilis naman ng pangyayari? Gusto niya agad ako?
Alam kong maganda ako pero sure ba 'to Lord? O baka isa na naman 'to sa pagsubok mo sa akin?
Ay! Hindi naman niya sinabi na gusto niya ako. Interesado lang. Pero kasi...
What if ako ang dahilan kung bakit siya nag-transfer?! Luna, delusyon mo lang 'yan. Feeling main character ang atake ko 'don ah.
Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi, kaya alas singko palang ng umaga gising na gising na ang diwa ko. Nagulat pa nga si Abby nung makita niya ako sa sala na nakahiga at nakatulala sa kisame.
Akala niya raw ay sinapian na ako ng kung anong masamang elemento.
Nagdesisyon na akong bumangon sa sala at mag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina para mag-agahan. Kasabay ko pa rin si Abby na kumain.
"Oh pak! Naka-cardigan pa. Ang init kaya sa classroom." Puna ko.
"W-Wala lang."
Natahimik na kami. Habang kumakain kami ay nagtanong ako sa kaniya.
"Okay na kayo ni Josh?" Usisa ko.
Nakayuko lang siya sa kinakain niya. Napapansin ko kasi na hindi na siya sinusundo at hatid ng boyfriend niya mula noong mag-eskandalo siya rito, kaya baka hindi pa sila okay.
"Luna..."
Nabigla ako ng magsimula siyang humikbi. Tumayo naman ako para himasin ang likod niya. Gusto kong sakalin ang sarili ko dahil pinaalala ko pa sa kaniya ang away nila.
"Abby... ano bang problema? Please, magsabi ka na." Nag-aalalang sabi ko.
Tumaas ang dulo ng sleeve ng cardigan niya at napansin ko ang pasa sa braso niya.
"Abby!" Inagaw ko ang kamay niya at tinaas ang manggas ng suot niya. "Sinong may gawa nito sa'yo?"
"L-Luna..." Umiiyak niyang tawag. "Hindi ko na kaya. Natatakot na ko."
"Si Josh ang may gawa nito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang tumango siya.
"Kailan pa?" Pati tuloy ako ay naiiyak na.
"M-Matagal na..." Yumuko siya. "Tinatago ko lang sa inyo. Ayokong ma-disappoint kayo sa akin."
"Anong madidisappoint? Dahil sinasaktan ka ng boyfriend mo? Galit ang mararamdaman namin Abby... hindi pagkadismaya."
"Sorry... kung tinago ko sa inyo. A-Akala ko kasi mababago ko pa si Josh."
Niyakap ko siya. "Ang gago ay gago na talaga, Abby. Hangga't hindi nila narerealize 'yon sa sarili nila... walang pagbabagong mangyayari."
Nabanggit rin niya na inaabangan siya lagi ni Josh sa school para makipag-usap. Feeling ko... I failed as a friend. Nasa harap ko na ang clue... hindi ko pa pinapansin. Pa'no nalang kung hindi ko napansin 'yung mga pasa niya?
"Anong plano mo? Pa'no kung hindi ka tigilan non? Hindi kaya maganda na ipa-blotter na na'tin siya?"
Sumang-ayon naman siya.
Nagpasya kaming hindi muna pumasok ngayon. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Abby. Agad ko siyang sinamahan sa malapit na ospital para ipa-check ang mga pasa niya.
Grabe... Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Josh kay Abby 'to. All those times na nakikita kong umiiyak siya hindi ko pa rin na-figure out 'yon?
"Sorry, Abby. Kung napansin ko lang agad hindi na sana kayo aabot sa ganito."

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romansa'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...