-THIRD PERSON'S POV-
NAGISING si Baste mula sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone niya. Inaantok niyang kinuha iyon sa at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino iyon.
"Sino 'to?"
"Si Abby 'to. Nagising ba kita?"
"Bakit?"
"Si Luna kasi..."
Iyon palang ang nasasabi ng kaibigan niya ay napa-upo na agad si Baste sa kama niya.
"Anong nangyari sa kaniya?"
"Hindi pa siya umuuwi... hindi niya rin sinasagot 'yung tawag ko. Nag-aalala ako baka may nangyari na sa kaniya."
Binaba na ni Baste ang tawag at nagmamadaling lumabas ng bahay nila. Agad niyang sinuot ang helmet niya at sumakay sa motor niya.
Dahil maghahating gabi na ay wala na masyadong traffic kaya mabilis lang rin siyang nakarating sa Divi kung saan nagpunta sila Luna. Halos lahat ng mga tindahan doon ay papasara na. Inikot niya ang buong lugar hanggang sa inabot na rin siya ng ilang oras kaka-ikot roon.
Tumigil siya sandali para kunin ang cellphone niya at para tawagan si Luna. Hindi rin siya sinasagot nito. Binalot ng kaba ang dibdib niya sa kung anong pwedeng nangyari kay Luna.
'Nasan ka ba, Luna?' Pag-iisip niya.
Sinubukan niya ring magtanong tanong sa mga motel/hotel na nadaraanan niya. Dumaan na rin siya sa bahay nila Timmy para tingnan kung nandoon ang pakay niya.
"Oh, Baste! Tulog pa si Timmy." Sabi ni Ate Angel na mukha papasok na sa trabaho niya.
"Si Luna? Dito ba siya natulog?"
Kumunot ang noo ng dalaga. "Si Luna? Hindi... bakit?"
Umiling nalang si Baste at nagpaalam na. Huli niyang pinuntahan ang dorm nila Luna. Napatigil siya sa pagmamaneho nang makita niya si Luna sa hindi kalayuan... kasama si Kenji. Base sa suot ng dalaga ay mukhang sa kasama nito ang damit na suot niya.
Puno ng tanong ang isip ni Baste habang nakatingin sa kanila.
Nais niyang puntahan ang kaibigan para tanungin ito tungkol doon pero pinigilan nalang niya ang sarili.
Sa huli ay nagpasya na siyang umuwi. Nagulat pa nga ang Mama niya dahil ang aga nitong nagising at galing pa ito sa labas.
Pagkabalik niya sa kwarto ay napansin niya ang gitarang niregalo sa kaniya ng dalaga. Bumalik sa alaala niya ang araw na ibinigay ni Luna iyon sa kaniya.
[Flashback]
Halos isang linggo silang hindi nagka-usap dahil sa isang hindi pagkaka-intindihan. Dumagdag pa na naging busy sila sa school kaya hindi na rin sila gaanong nagkaroon gn pagkakataon na mag-usap.
Pero noong sumapit ang gabi ng araw ng kapanganakan ni Baste ay nabigla siya sa katok sa labas ng kaniyang pinto. Ayaw na niya sanang lumabas dahil baka bisita lang nila 'yon na balak magpaalam.
"Si Luna 'to..." Rinig niya sa labas ng kwarto niya.
Agad siyang napabangon at inayos ang sarili. Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang niyakap ng mahigpit ng dalaga.
"Sorry..." Humihikbing bulong nito. "Bati na tayo... please."
Tila hinaplos ang puso nito sa ginawa ng kaibigan.
"Nag-away ba tayo? Hindi ko maalala." Pagkukunwari nito.
Humiwalay sa yakap ang dalaga at napanguso.
"Gusto mo talaga sinusuyo ka pa eh... tss."
"Ako ba ang nang-away?" Tumaas ang kilay nito.
Binalot ng pag-aalala ang mukha ng dalaga. "H-Hindi... kaya nga sorry eh. Hmm?"
Tumango ito at tinapik ang ulo niya. "Umuwi ka na. Baka abutan ka ng curfew niyo."
Umiling ang dalaga. "Nagpaalam ako kay Tita Mel. Dito ako matutulog."
"S-Sa kwarto ko?"
Nagsaubong ang kilay ng babae. "Ano ka chix? Doon sa bakanteng kwarto 'no."
"Tss... makikikain ka lang ng handa ko eh."
Ngumiti ang dalaga. "Aba syempre... papanisin niyo lang 'yon?"
"Bumaba ka na. Susunod ako."
"Sandali..." Pigil ng kaibigan niya. "Happy birthday, panget." Sabay abot nito ng napakalaking box.
"Hindi ka na dapat nag-abala..."
"So, ayaw mo?" Pagtataray ng dalaga.
Mabilis niyang kinuha ang regalo niya. "Joke lang. Akin na."
"Baba na ko." Paalam ni Luna.
Hindi naman na nakapaghintay si Baste na buksan ang regalo ng dalaga para sa kaniya. May idea na siya kung ano iyon dahil bukambibig na niya na iyon ang gusto niyang makuhang regalo sa birthday niya.
Lumawak ang ngiti sa mga mukha nito nang makita niya ang eksaktong modelo ng gitara na pangarap niyang mabili. Sigurado siya na hindi basta basta ang ginastos nitong pera para maibili ang pangarap niyang regalo.
Pagkababa niya sa sala nila ay naabutan niya si Luna na naka-upo sa sofa habang kumakain. Dahan dahan siyang lumapit rito at kinulong ang dalaga sa mga bisig niya sabay gulp ng mahabang buhok nito.
"Baste! Ano ba!... Tita oh!" Sigaw nito.
Mula sa kusina ay lumabas ang Mama niya. Naka-apron pa ito at mukhang may tinatapos pang cake.
"Baste! Kukurutin ko 'yang itlog mo! Tigilan mo nga si Luna." Saway nito.
Natatawa naman ang lalaki at tsaka binitawan ang kaibigan.
"Ganyan ka ba mag-thank you?" Pagtataray ng dalaga. "Bawiin ko nalang kaya 'yon... tsk."
"Thank you, Luna... sa regalo mo."
"Dahil diyan 'wag mo akong aasarin sa loob ng isang buwan."
Ngumiwi ang lalaki. "Babayaran ko nalang 'yung regalo mo."
Umirap ang babae at bahagyang natawa. "Mag-girlfriend ka na nga Baste. Lagi nalang akong nachichismis na jowa mo."
"Parang lugi ka pa ah."
"Lugi talaga... ganda ko eh."
"Kwento mo sa pagong."
[End of Flashback]
Natawa si Baste habang inaalala iyon. Mayamaya ay nag-ayos na rin siya para pumasok. Pagkarating niya sa classroom nila ay napansin niya agad si Luna na nakayuko sa desk nito at mukhang natutulog.
Si Kenji naman ay nakasandal ang ulo sa braso habang nakatunghay sa natutulog na katabi.
May kung anong lungkot sa loob ng binata habang nakatingin sa dalawa. Pakiramdam nito ay unti unti nang lumalayo ang loob sa kaniya ng kaibigan at anumang oras ay mapapalitan sa siya sa buhay ng dalaga.
"Baste..."
Nabalik siya sa reyalidad dahil sa pagtawag ng kaklase niya.
"Ha?... Ah, sorry." Sabay alis nito sa may pinto. Hindi niya namalayan na nakaharang na pala siya roon.
Nilapag na niya ang gamit niya at aakmang uupo na sana nang may tumawag ulit sa kaniya.
"Uy, Baste may naghahanap sa'yo sa labas."
"Okay." Sagot nito.
"Jowa mo?"
"Yiee!" Naghiyawan ang mga classmate nila.
Agad naman siyang napatingin sa tulog na kaibigan. Nagising na rin ito dahil sa hiyawan ng mga kaklase nila. Alam niyang lilingunin siya ng dalaga kaya nauna na siyang nag-iwas ng tingin.
Sorry, Luna.

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Dragoste'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...