-LUNA-
Sa kwarto ko.
gc kasoho
Me:
elo, guys! tapos na q sa vid hehe. send q link later.Abby:
Perfect naman. Magtira ka naman ng talent teh?Timmy Ganda:
jwu, sakit ulo ko.kiss mo nga [@]Kenji
Abby:
Wow, kapal ah?Me:
tara dito, untog kitaTimmy Ganda:
grabe, walang support ah?!Natawa naman ako. Matapos kong i-send sa kanila ang link ng video namin ay pinatay ko na ang laptop ko. You can rest now... my laptop.
Lumabas na ako ng kwarto at kumuha ng eco bag sa cabinet sa kusina. Ako kasi ang naka-assign na mag-grocery ngayong linggo. Naabutan ko naman si Abby na paalis rin.
"Date?"
Kinilig siya. "Hmm." Talande!
"Ingat!"
Pagkababa ko ay pumara na rin ako agad ng tricycle. Nagpababa ako sa may grocery sa bayan. Agad naman akong kumuha ng cart at sinumulan na ang pamimili.
"Ah!" Aray ko ng may tumama sa likod ko. Ano ba naman 'tong tao na 't---
"Sorry, nasaktan ka ba?"
Ready na sana ako para awayin ang bumungo sa akin. Ay, bakit kaboses ni Kenji 'to? Agad akong lumingon.
Si Kenji nga! Bakit ba lagi kong nakikita 'to?
"Hindi." Tanggi ko. "Lagi tayong nagkikita. Hindi kaya destiny na 'to?" Biro ko.
"I wish." Ngumisi siya.
Tinapik ko ang balikat niya. "Biro lang, uy!"
Ang ending, sabay na rin kaming nag-grocery. Namimili rin pala siya para pang stock sa dorm niya. Hindi ko naman malaman kung paano ko ilalabas 'tong mga pinamili ko. Medyo marami kasi dahil halos naubos na talaga ang stock namin sa unit. Buti nalang pwedeng ilabas 'yung cart nila.
"Kaya mo ba lahat 'yan?"
"Syempre hindi." Natawa ako. "Pero pwede naman ako magpatulong sa tao sa dorm namin."
"Tulungan na kita."
"Huh? Hindi na!"
"I insist. Mas mabilis naman kung maraming tutulong sa'yo."
Hindi na ako nakatanggi... parang deep inside kasi gusto ko rin naman. Buti nalang nagkasya sa loob ng tricycle 'yung mga pinamili ko. Dahil hindi na kami kasya sa loob ay sa likod nalang kami ng driver naupo. Napailing ako ng makita ko ang uupuan ni Kenji.
Goodluck sa alaga mo, Kenji!
Buti nalang at sementado ang kalsada sa amin kaya wala kaming lubak na nadaanan. Bye, bye boyhood sana siya. Hahaha.
Pagkarating namin sa dorm ay saktong naroon rin ang asawa ni Ate Lora kaya nagpatulong na rin ako. Mabait naman si Kuya Rudy eh.

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Roman d'amour'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...