KABANATA 8

5 1 0
                                    

-LUNA-

FEEL ko pinagtritripan lang talaga ako nitong si Kenji eh. OA naman kasi sa declaration niya na mula ngayon ay liligawan niya na ako. Kulang nalang gawin niyang holiday ang araw na 'to eh.

What if hindi ulit ako pumasok ngayon?

Tapos isa pa 'tong si Baste. Badtrip na mula kahapon bago sila umalis dito sa dorm. Kapag tinatanong ko naman kung anong problema, hindi sumasagot. Mga lalaki talaga oh!

"Luna," Narinig ko ang katok no Abby sa labas ng kwarto ko. "... tara na? Nakabihis ka na ba?"

Inayos ko ang ang butones ng uniform ko at lumabas na rin ako. Ako na ang nagpumilit sa kaniya sa sabay na kaming uuwi at papasok mula ngayon. Mahirap na at baka maabutan pa siya sa daan ni Josh.

Feel ko rin masisira ko na ang record ko ng pagiging late dahil need ko gumising ng maaga para makasabay kay Abby. Yay!

Sa may gate ng school ay nakasabay namin si Rodney na pumasok. Binati ko siya pero hindi niya ako pinansin. Aba parang nung nakaraan lang close pa kami ah?

"Tss, problema non?" Bulong ko.

Natawa si Abby sa gilid ko. "Clueless ka ba talaga o ayaw mo lang aminin sa sarili mo?"

"Dahil lang don?" Kumunot ang noo ko.

"Iba iba naman kasi tumanggap ng rejection ang mga tao 'no. Si Josh non, ilang beses kong hinidian 'di ba? Pero hindi tumigil."

Napangiwi ako. "'Wag mo na ngang banggitin 'yon."

"Anong chika niyo diyan?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Ito namang si Timmy! Bigla biglang sumusulpot sa likod namin!

"Gaga ka. Nagulat ako." Saway ko.

"Mas nagulat ako dahil ang aga mo!" Namangha siya. "Bagong buhay na ba teh? O para ikaw ang unang makikita ni Kenji pagpasok niya sa room?"

Hinampas ko ang kamay niya dahil sinundot niya ang tagiliran ko.

"Sira! Hindi 'no." Tanggi ko. "Ba't pinagtutulakan mo sa akin 'yon? Akala ko ba crush mo si Kenji?"

"Napogian lang teh! Marami akong crush 'no. Tsaka, mas invested ako sa magiging lovestory niyong dalawa."

"Tss, huwag ka na umasa."

Sumimangot siya. "Ay, bakit naman teh? Hindi mo bet? Lakas mo ah? Gwapo kaya non."

"Ah basta! Hindi ako interesado sa ganon." Iniba ko ang usapan. "Nagawa niyo na 'yung sa PerDev?"

"Ako hindi." Si Abby. Confident pa nga.

"Me rin. Hindi ko gets eh. Ituro mo nga sa amin teh."

"Hmm, mamaya."

Pagkarating namin sa classroom ay halos kalahtai ng classmates namin ay naroon na. Nang tumingin ako sa upuan ni Baste ay wala siya roon. Dapat nandito na 'yon ah?

Nanigas naman ako sa may pinto. Si Abby at Timmy ay nasa mga upuan na nila habang ako... nandito... hindi makagalaw. Hindi ko alam kung paano haharapin si Kenji... kahit nasa gilid ko lang naman siya.

"Uy, Luna? Hindi ka papasok?" Tanong ni Aimee sa akin.

"Huh? Ah. Heto na nga eh." Naiilang kong sabi.

"Good morning." Bati ni Kenji nang maka-upo na ako.

"Hmm... good morning din." Inayos ko ang bag ko.

"First meet?" Asar ni Timmy. "Ang awkward mo Luna. Hindi bagay sa'yo."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon