KABANATA 36

2 1 0
                                    

-LUNA-

DUMATING sila Mama at Tita Mel sa pangalawang game namin ng araw na iyon. Nasurpresa pa nga ako dahil sumunod rin pala ang mga kaibigan ko para panoorin ang laro ko. Nahiya pa nga ako kasi naka-uniform pa sila 'nung dumating sila. Meaning dito agad sila dumiretso matapos ang klase namin.

Naipakilala ko na rin si Kenji kay Mama at alam na nito na siya ang manliligaw ko. Ayaw ko pa sanang magkita sila dahil ang balak ko ay sa debut ko pa siya ipapakilala pero iba ata ang plano ng tadhana.

Si Kenji ay nandito pa rin. Iba nga lang ang hotel nila dahil hindi naman sila kasama sa badminton team. Iniisip ko kung nakita o naka-usap niya kaya sila Argus at Angel. Imposible naman kasi na hindi sila magkita.

Ngayon ay nasa ikatlong araw na kami ng inter-high. Bukas pa ang sunod na laro namin ni Lucille pero nasa gym kami ngayon para suportahan sila Mark sa laro nila. Hindi ko alam kung swerte lang o talagang gumaling na ang team namin dahil isang beses palang kaming natatalo overall. Panay tuloy ang libre sa amin ni Coach dahil tuwang tuwa siya sa amin.

"Can I sit here?"

Nginiwian ko ito. "Naka-upo ka na eh."

Natawa naman ito sabay abot sa akin ng inumin na binili niya.

"Thanks."

"Uy, Kenji. Pwedeng picturan mo kami?" Tanong ni Lucille.

"Yeah, sure." Tumayo naman ito at lumapit sa kanila.

Hindi ko mapigilang matawa dahil gusto pa ata ni Lucille na gawing photoshoot niya ito.

"Tama ka na nga, tsk. Para sa school paper na'tin 'yan." Saway ni Luke, teammate rin namin.

"Sus, nagagandahan ka lang sa akin eh."

"Ano ka baliw?"

Inirapan nalang niya ito. Sunod naman siyang bumaling sa amin.

"Uy, tara. Kunan ko kayong dalawa ng picture." Aya nito.

"Huwag na." Tanggi ko.

"Tsk, dali na!" Hinila ako nito pababa sa bleachers. Tinawag na rin nito si Kenji. "Ikaw rin Kenji, dito kayo."

"Nakakahiya, Lucille." Bulong ko rito.

"Asus, talagang ngayon ka pa tinamaan ng hiya ah? Hindi nga kayo mapaghiwalay."

"Tsk, marinig ka!" Pabulong na sigaw ko rito.

"Dali na kasi." Tinabi niya kami sa may gilid. "Ayan... tayo kayo diyan." Utos niya.

Nahihiya akong ngumiti kay Kenji na nakatayo ngayon sa tabi ko.

"Smile!" Anito sabay pindot ng shutter.

"Okay na?" Tanong ko.

Umiling ito. "Magtabi naman kayo. Parang hindi nagliligawan eh."

Pinanlidatan ko ito ng mata. Parang kamatis na ako dito sa hiya!

"Come here." Nakangiting sabi ni Kenji sabay alalay sa akin palapit sa kaniya.

Mas lalo kong naamoy ang pabango niya.

"Ayan!" Sinipat nito ang camera. "Konting usog pa, Luna." Sumilip ulit ito. "Perfect! Ngiti kayo ah. In three... two... one... smile!"

Smile.

Ang sumunod na ginawa ni Kenji ay talaga namang yumanig sa mundo ko. Matapos kasing magbilang ni Lucille ay biglang humawak si Kenji sa bewang ko at hinila pa lalo ako palapit sa kaniya.

"OMG!" Tili ni Lucille habang nakatingin sa camera. "Ang ganda. Bagay na bagay kayo oh!"

Pinakita nito ang kuha niya sa amin. Medyo awkward ang itsura ko dahil nagulat ako sa ginawa ni Kenji pero nakangiti pa rin naman ako. Habang si Kenji naman... tipid lang ang ngiti nito pero nagniningning ang mata nito.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon