KABANATA 33

5 1 0
                                        

-LUNA-

SINADYA kong magpalate kinabukasan papasok ng school. Sinabi ko kay Mama na medyo masama ang pakiramdam ko pero papasok pa rin ako. Inasar na naman nga ako ni Kuya Toni kasi baka babalik na raw ako sa pagiging late.

"Bautista, late ka ngayon ah?" Bati sa akin ni Ma'am Richel pagkarating ko sa may pintuan ng klase namin.

"Sorry po. Na-late lang ng gising." Umakma na akong papasok. Pilit kong iniiwasan na magawi ang tingin ko sa kaniya.

"Ay huwag ka na pumasok."

Nanlaki ang mata ko. "P-Po? Bakit, Ma'am?" Sobrang dami ko bang late?! Huhu.

"Dumaan kanina 'yung SSG President niyo, hinahanap ka at may meeting raw kayo. Pumunta ka na at kanina lang naman siya dumaan."

"Opo. Thank you po." Sabay alis ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mukhang maiiwasan ko siya ngayong araw. Hindi ko naman siya totally iiwasan... hindi ko lang alam kung paano siya kakausapin ulit.

"Luna, finally nandito ka na." Bati ni Pres pagkapasok ko.

Ako nalang pala ang hinihintay nila. Wala na kasi akong oras kanina para buksan ang phone ko dahil nagmamadali na rin akong makarating sa school. Ilang beses na pala nila akong minention sa group chat namin.

Kaya pala kami nagmeeting para sa election ng bagong SSG officers next year. Dalawang school year kasing namumuno ang SSG officers dito sa ENHS. Kaya every 2 years ang election namin for new officers.

Kailangan na pala namin maghanap ng mga gustong maging officers. May ilang buwan sila para mangampanya at sa simulang buwan ng susunod na taon ay gaganapin na ang elections. Excited ako and at the same time ay nakaramdam ako ng lungkot dahil last term na pala namin.

"Hindi ba busy ka rin sa training mo Luna?" Tanong sa akin ng VP namin.

"Oo eh." Sagot ko.

"Grabe super busy mong taong 'no? Hindi ko kinakaya ang energy mo." Komento ng isa pa.

Natawa naman ako. "Na-eenjoy ko naman kaya kahit nakakapagog eh okay lang."

"Ay, kailan pala ang laro mo?"

"Next month na."

"Manonood kami ah."

"Dapat lang 'no!"

Matapos naming pag-usapan kung anong mga gagawin naming paghahanda ay tinapos na rin namin ang meeting. Sinara na ni Pres ang pinto ng office namin kaya naman nagpunta na kami sa kaniya kaniya naming silid.

"Oy, Luna."

"Bakit, Pres?"

Inabot nito ang paperbag sa akin. "Para sa inyo. My sister came back from her vacation sa Japan."

"Wow! Thank you, Pres! May good review ka sa akin kay Abby."

Natawa ito. "Ayusin mo ah. Sige na. See you around."

"Salamat ulit!"

Pagkabalik ko sa classroom namin ay iba na ang teacher namin. Sinabi ko kung saan ako nanggaling at pinapasok naman na ako nito.

Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko nalang pinansin. Dumiretso lang ako sa pwesto ko at naupo doon.

"Good morning, Luna."

Hindi ako agad naka-react. Hindi ko naman kasi ini-expect na babatiin niya pa rin ako matapos ang kagabi.

"Hmm, sa'yo rin."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sabay labas ng notebook ko mula sa bag.

"Ano 'yan teh?" Nguso ni Abby sa dala ko.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon