-LUNA-
MABILIS lang na lumipas ang mga araw. Hindi ko na nga halos namalayan.
Naging busy ako at ang SSG officers sa paghahanda para sa mga bagong mamumuno next school year. Bukod pa roon ay ang after class trainings namin sa badminton. Idagdag mo pa ang preparasyon ko para sa aking debut.
But I'm surprised na hindi ako nakaramdam ng pagod sa mga araw na iyon. Siguro dahil sa presensya ni Kenji. Masaya akong naayos namin agad ang misunderstanding namin. Tila umaayos na ulit ang ikot ng mundo ko.
"Luna, kailan raw kayo aalis?" Tanong ni Abby sa akin.
"Bukas. Maaga kami kaya hindi na ako makakapasok." Sagot ko naman.
Linggo ngayon at kasalukuyan kaming nasa bahay nila Timmy ngayon para ayusin ang report namin sa isang subject namin.
Bukas na kasi ang simula ng inter-high. Ang mga mananalong team sa mga kasaling school ang magrerepresenta ng region namin para sa nationals.
At dahil hindi ako makakapasok ay ginagawa ko na ang mga dapat kong gawin sa report namin para naman may participation pa rin ako. Ayoko namang maging pabuhat lang 'no.
"Tsk, may class pa kasi eh. Hindi tuloy kami makakanood." Si Timmy.
"Sus, maghuhunting ka lang ng gwapo 'don eh." Asar ko.
"Siyempre! Focus lang sa goal 'no!" Tumawa ito.
"Uy, may lakad ba kayo mamaya?" Tanong ni Abby habang nakatungo sa phone niya. "Nag-aya kasi si Andrei."
"Gala ba teh? Saan ba 'yan?" Si Timmy naman.
"Sa may riverbanks lang. 'Di ba kakabukas lang nung perya doon?"
"Ay, oo nga! Go lang ako. Kayong tatlo?" Baling ni Timmy sa akin.
Saglit akong nag-isip. Mukhang may time naman ako para doon.
"Okay lang sa akin." Sagot ko.
"If Luna's coming, I'll go too."
"Pak, ganda oh!" Asar ni Timmy. Inismiran ko lang ito. "Ikaw Baste? Sama ka na para may partner ako."
"Sige." Payag ni Baste.
Pagkatapos namin sa report namin ay pinaalala ko na ulit sa kanila ang nga gagawin nila sa presentation. Naturingan kasing ako ang leader ng grupo pero ako ang wala sa presentation. Mabuti nalang at hindi naman big deal iyon sa teacher namin. Ang mahalaga lang ay nagawa namin ang part namin.
Noong sumapit na ang alas-kwatro ay nagpasya na kaming umalis. Nag-jeep lang din kami dahil hindi naman kalayuan ang pupuntahan namin.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami kaya pumara na kami at bumaba ng jeep.
"Hello, Pres!" Kumakaway kong bati rito. Nauna kasi siyang dumating dito dahil iba ang way niya sa amin.
"I'm glad you all came." Bati nito.
Dinala niya naman kami sa kakabukas lang na korean restaurant. Doon namin nalaman na sa pamilya pala nila iyon at ngayon ang opening nila.
"Wow, Pres. Libre ba kami rito for life?" Biro ko.
Natawa ito. "Discount muna, tsaka na 'yung libre."
"May poging staff ba kayo?" Pasilip silip pa si Timmy sa may counter.
"Teh, ikalma mo nga. Kahit ata sa burol hahanap ka pa ng pogi eh." Saway ni Abby.
"Ay, ganiyan! Porket kasama na si Andrei." Pumalakpak si Timmy. "Iyan na nga lang ang kasiyahan ko. Hmp!"
Na-meet rin namin ang parents ni Pres. Super babait nga nila at hindi mo makikitaan ng kaartehan kahit na mayaman sila.
Dahil opening palang naman ay kakaunti palang ang mga customers nila. Swerte pa ay libre lang itong kinakain namin ngayon. Sa libre lang naman talaga nabubuhay ang dugo ko.
"Oy, try tayo ng rides after nito. Sayang naman pinunta na'tin." Aya ni Timmy.
Sumang-ayon naman kaming lahat. Sandali pa kaming nagpalipas ng kinain namin bago kami nagpaalam na pupunta na sa may perya.
Simula palang ng ber-months pero aakalain mong pasko na. Malimig rin ang simoy ng hangin kahit maraming tao.
"Nilalamig ka?" Tanong sa akin ni Kenji.
"Ha? Hindi naman."
Sa vikings kami unang nagpunta. At dahil nga hindi para sa akin ang ganitong rides ay nag-back out na ako. Baka kasi iyon na ang una at huling sakay ko kung sakali.
"Sure kang hindi ka sasakay?" Alalang tanong ni Abby sa akin.
"Sure na sure. Hindi ko talaga kaya."
"Eh sinong kasama mo?" Tanong naman ni Andrei.
"I'll stay---"
"Hep hep!" Pigil ko sa balak sabihin ni Kenji. "Okay lang ako, promise. Sumakay na kayo. Hindi naman kayo buong araw nandiyan ano!"
"But---"
"Tsk, sige na. Kawawa naman si Timmy at walang makakapitan." Tinulak ko na siya kila Abby.
"Tama! Maawa ka naman sa akin, Kenji!" Sambit ni Timmy.
"Ikaw rin. Akala mo hindi kita nakikita ah." Lingon ko kay Baste sabay tulak rin dito.
Natatawa ako habang kumakaway sa kanila. Pareho kasing hindi maipinta ang mukha nila Kenji at Baste. Si Timmy naman ay hindi pa umaandar ang rides ay sumisigaw na.
Ilang minuto rin ang duration ng sinasakyan nila kaya naman umalis muna ako para bumili ng maiinom. Mabilis naman akong nakahanap ng stall at bumili ng buko shake nila.
"Magkano po ulit?" Tanong ko kay Ateng tindera.
"100 po."
Yumuko ako para kunin ang wallet sa bag ko.
"Babe!"
Hindi ako kaagad nakagalaw. Masyadong akong nabigla sa kung sinong humawak sa bewang ko.
Mabilis kong tinulak kung sino humawak sa akin. Iisipin ko sana na napagkamalan niya lang ako pero nakangisi ito ng lingunin ko siya... sila.
"Sorry, Miss. Kamukha mo kasi 'yung magiging girlfriend ko eh."
Nagtawanan ang mga kasama nito.
"Luna! Anong nangyari dito?" Tumatakbong tanong sa akin ni Abby. Kasunod na rin nito ang iba na mukhang agad akong hinanap pagkababa nila.
"Ay, sayang. May boyfriend ata eh." Saad ng isa.
"Okay ka lang?" Pinasadahan ni Abby ang katawan ko.
"Anong ginawa niyo sa kaibigan ko ha?" Sigaw ni Timmy sa kanila.
Hinila ko naman agad si Timmy para pakalmahin ito. Masyado na kasing maraming nakatingin.
"Ito nalang bakla. Magkano? 150?" Nang-iinis nitong sabi.
Napapintig ang tenga ko sa sinabi niya. Binitawan ko si Timmy para harapin ang lalaki pero nabigla ako ng maunang sumunggab si Baste sa lalaki.
"Pre!" Tawag ng mga kasama niya.
"Baste." Pigil ko rito.
Kumalma naman ito nang makita niya ako sa tabi niya.
"Nagbibiro lang kami, Pre." Saad ng isa.
"Galing mo mag-joke ah? Mas nakakatawa pa nga mukha mo kaysa sa sinabi mo eh." Balik na sagot ni Timmy.
"Bumalik na tayo." Aya ko kay Baste.
Humiwalay ito sa pagkakahawak ko at lumapit naman kay Kenji. Walang salitang lumabas sa bibig ni Baste pero seryoso ang tingin nito sa isa.
"Uuwi na ko." Paalam ni Baste.
"Teka, hindi ka na sasabay sa amin?" Takang tanong ko.
Muli niyang nilingon si Kenji.
"Kung manonood ka lang na binabastos si Luna at mga kaibigan mo... umalis ka nalang." Sabay alis nito ng walang lingon lingon sa amin.
BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romans'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...