-KENJI-
I waited for Luna outside their major room. Habang naghihintay ako ay napadaan si Sebastian kasama ang isang babae. Nang mapansin niya ako ay tumigil siya sa paglalakad.
"Sinong hinihintay mo?"
"Si Luna," Sagot ko. "May lakad kami."
Sandali siyang natigilan. "Ah... ingat."
"Girlfriend mo?" Habol ko.
Nilingon niya ang babaeng kasama niya. "Pwede na..." Sagot niya sabay alis.
Hindi na ako nakasagot. Anong pwede na? Is he playing with that girl's feelings? If he treats girls like that, how could I trust him with Luna?
"Kenji..."
Napatingin ako kay Luna na tumawag sa akin. Nauna siyang nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Cute.
"Tara na?"
Tumango naman siya.
"Oy, Kenji. Ingatan mo 'yan ah! Nag-iisa lang 'yang pabebe naming friend." Paalala ni Timmy.
"Loko ka ah." Natatawang saway ni Luna.
"Paki-uwi si Luna bago ang curfew namin. Lagot kayo sa akin parehas." Banta naman ni Abby.
Sasagot pa sana ako pero hinila na ako ni Luna paalis. Pa'no kasi ay nakatingin na sa amin ang mga classmates nila. Nang mapansin niyang medyo matagal na siyang nakahawak sa akin ay kusa na rin siyang bumitaw.
"Na-enjoy ko pa naman." Saad ko habang nakatingin sa kamay ko.
"Loko." Sabay tawa niya.
Habang nasa jeep kami ay panay ang check niya sa listahan niya ng bibilhin. Ito ang unang beses na ganito kami kalapit sa isa't isa. Mapapansin mo agad sa malapitan ang mahabang pilik mata niya.
"Kenji?"
"Hmm? May sinabi ka?"
"Sure ka ba kako na sasama ka. Kapag ganitong oras siksikan don dahil maraming tao eh."
Tumango naman ako. "Okay lang, basta kasama ka."
Nanliit ang mata niya. "Naks, si pick-up boy ka 'to eh."
"Anong pick-up boy?"
Umiling siya at natawa. "Secret."
Pagkarating namin ay pinaalalahanan niya ako dahil first time ko lang sa lugar na 'to. Madalas sila Mom at Yaya ang pumupunta rito sa Divi para mamili eh.
"Tapos iharap mo 'yang bag mo. Mahirap na baka madukutan ka pa."
Ginawa ko naman ang sinabi niya. "Eh ikaw? Hindi ka ba nadudukutan niyan?"
"Hindi. Boss nila ako eh."
"Huh?"
Tumawa siya sa reaksiyon ko. "Biro lang. Dito ka humawak sa bag ko... para hindi ka mawala."
"Eh bakit hindi sa kamay mo?"
Natigilan naman siya. "Hindi pa pwede 'no!"
Tumaas ang gilid ng labi ko. "Hindi pa?" Natawa ako ng mamula ang pisngi niya. "Joke lang."
"T-Tara na. Kapag nawala ka, iiwan kita dito."
Kumapit naman ako sa bag niya gaya ng sabi niya. Ilang tindahan siguro ang dinaanan namin para sa mga bibilhin niya. Kanina pa kami naglalakad at mukhang wala pa sa kalahati si Luna sa mga pinamili niya. Medyo nanginginig na ang paa ko dahil siguro sa gutom pero hindi ko naman masabi.
"Diyan ka muna. Hintayin mo ko." Utos niya.
"San ka pupunta? Sasama na ko." Baka mawala ako rito.
"Saglit lang. Umupo ka muna."

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romansa'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...