KABANATA 30

1 1 0
                                    

-LUNA-

KINABUKASAN.

Wala sa aming dalawa ni Kenji ang nagbukas ng usapan tungkol sa kahapon. Normal pa rin naman siyang umakto kaya nagdesisyon akong alisin nalang sa isip ko iyon.

"Teh, pa-check nga nito. Please lang." Tawag ni Timmy sa akin.

Kinuha ko naman ang papel niya at mabilisang sinipat iyon. "Okay naman 'to."

"Sure ka?"

"At talagang tinanong mo pa siya ah?" Asar ni Abby.

"Sabi ko nga."

Ilang oras pa ay tumunog na ang bell. Hinintay na rin nila akong mai-sara ang pinto ng classroom bago kami bumaba para mag-lunch.

"Nasa bahay si Tita." Sabi sa akin ni Baste.

"Alam ko, sinabi niya kanina." Ngiwi ko. "Libre mo naman ako."

"Ano ka? Asa!" Sabay layo nito sa akin.

"Tch, damot!" Inirapan ko ito kaya tumawa nalang siya.

Natigil ako sa paglalakad nang hawakan ni Kenji ang pulso ko.

"About yesterday..."

"Hmm?"

"Tungkol kahapon..."

"Tinagalog mo lang eh."

Natawa ito. "I came there with my Mom. Sorry kung hindi kita pinansin..."

"Okay lang. Hindi naman ako nagdamdam. Ano ka ba!" Tapik ko rito.

"That's good to hear." Masayang sabi nito. "Ayoko kasing doon ang first meet niyo."

"Huh?"

"Remember what I told you? I want you to meet my parents... I also learned that your Mom came back from abroad yesterday. Ayokong agawin ang oras niyo sa isa't isa dahil halos araw araw naman kitang nakikita."

Para akong tinutunaw sa sinabi niya. Hindi pumasok sa isip ko na ako para ang iniisip niya sa mga oras na iyon.

"Luna?" Pukaw nito sa atensyon ko.

"Hm? Ah, sorry." Kinalma ko ang sarili. "May sinabi ka?"

"Let's go eat. Baka hinahanap na nila tayo."

"Ah! Oo. T-Tara na."

Bukod sa pagtatago ko ng obvious kong kilig, isa ko pang concern ang magkahawak naming kamay! Pa'no kung may makakita sa amin? Baka isipin na may relasyon kami.

Pero hindi ba doon rin kami papunta?

-

Ngayon ay nasa major class na kami. Kanina habang kumakain kami ng lunch ay nagbigay ng invitations si Kenji sa amin para sa wedding anniversary ng parents niya ngayong darating na Sabado.

Obviously, ayon rin ang araw kung kailan niya ako ipapakilala sa parents niya.

Hindi ko maiwasang kabahan kahit na ilang araw pa naman iyon. Nape-pressure tuloy ako kung dapat ko na din ba siyang ipakilala kay Mama.

Matapos ang klase namin ay nauna na akong umalis dahil nga may training pa kami. Buti nalang nga at nandoon si Mama sa dorm kaya uuwi kami na may pagkain na.

"Oy."

Natigil ako sa pagwa-warm-up dahil sa pagtawag ni Baste sa akin. Tumayo naman ako at lumapit rito.

"Bakit? Hindi ka pa uuwi?"

"Oh." Sabay abot nito ng plastic bag.

Pagkasilip ko sa loob 'non ay may energy drink doon at pagkain. Meron din nung paborito kong yoghurt drink.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon