KABANTA 40

8 0 0
                                        

-LUNA-

INIYAK ko ng gabing iyon ang sakit sa dibdib ko. Doon na rin nalaman nila Abby at Baste ang nangyari. Mabuti nalang at wala si Mama rito. Hindi ko alam ang idadahilan ko sa kaniya kung bakit ganon nalang ako umiyak.

Kasama ko sa kwarto ko na natulog si Abby noong gabing iyon. Si Baste naman ay sa sala na rin nag-stay. Gusto ko sanang mapag-isa pero hindi ako aalisan ng mata nung dalawa.

Pagtingin ko sa orasan ay nasa alas sais palang ng umaga. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kahit umiyak na ako, tsk. Dahan dahan akong bumangon at dinampot ang saklay ko sabay labas ng kwarto. Nakita ko agad si Baste na bumangon pagkabukas ko ng pinto.

"Aalis ka?" Inaantok nitong tanong.

Umiling ako. "Iinom lang."

"Ako na." Tumayo naman ito at dumiretso sa kusina. Habang ako ay naupo sa bakanteng sofa.

Nagpasalamat ako pagka-abot niya sa akin ng baso. Siya naman ay naupo sa tapat ko. Dapat ay nag-aasaran na kami sa mga oras na 'to eh.

"Kailan uuwi si Tita?" Tanong nito.

Sinipat ko naman ang kalendaryo namin. "Baka bukas."

Tumango lang ito. "Papasok ka na ba sa lunes?"

Napa-isip naman ako. "Siguro? Nailalakad ko na 'to eh." Sabay angat sa isang paa ko.

"Magpalit nalang tayo ng upuan."

Ngumiwi ako. "Tangek, hindi pwede. Gusto mo pang ma-absent tayong dalawa."

Absent kasi kami kapag wala kami sa tamang upuan namin. Pero hindi naman lahat ng teacher namin ay strikto pagdating sa seating arrangement. Nakasanayan nalang siguro namin na hindi palipat lipat ng upuan.

"Ikulong ko kaya sa cr 'yon?" Hindi niya binanggit ang pangalan ni Kenji.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? Baliw ka ba?"

Nagkibit balikat ito. "Eh titiisin mo?"

"Tingin mo sa'kin? Mahina? Tsk tsk tsk." Umiling iling ako.

Sabay kaming natawa.

Monday.

'Tingin mo sa'kin? Mahina?'

Ang tapang ko pang sabihin iyon eh halos mangalay na nga ang kalahati ng katawan ko para lang hindi ko aksidenteng makita si Kenji sa tabi ko.

Si Baste ang umalalay sa akin kanina para makapanik ako sa classroom namin. Sumasabay na siya sa amin ni Abby papasok. Si Timmy naman ay parehong wala pang ideya sa mga nangyari noong nakaraan kaya pagpasok ko sa room ay todo asar siya sa amin ni Kenji.

"Oh, andiyan na inspirasyon mo Kenji. Tapos ang ang serbisyo ko sa'yo ah." Asar nito.

"Timmy!" Saway ni Abby. "Ang ganda mo today. Paki-close muna ang mouth ah?"

"Sige dahil pinuri mo ko." Tiningnan niya ako. "Welcome back, Luna!"

Hindi ako nagsalita. Tahimik ko lang na ibinaba ang mga gamit ko sa pwesto ko at tsaka na ako naupo. Ramdam ko ang mata ni Kenji na nakabantay sa akin.

Pinasa ko na rin ang mga modules ko na ginawa ko noong nagpapahinga ako. Buti nalang talaga at mababait ang teachers ko kaya nakahabol pa rin ako.

Nagsitayuan na kami ng tumunog ang bell. Morning break na namin. Kinuha ko ang bag ko dahil may mga exams pa akong hahabulin na ngayong break ko lang pwedeng kunin.

"Hindi ka kakain?" Tanong ni Timmy sa akin.

Tinuro ko ang bag ko. "May baon ako, tsaka need kong ihabol 'yung exams ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon