-LUNA-
MULA noong nabanggit ko sa mga kaibigan ko ang muling pagkaka-ayos namin ni Kenji ay alam kong na-disappoint sa akin si Baste. Alam kong inaalala lang niya na baka pinaglalaruan lang ako ni Kenji.
Never naman siyang nagsabi ng masama tungkol sa amin. Pero alam ko at ramdam ko na hindi ito palagay sa nagawa ni Kenji noong inimbitahan niya kami sa kanila.
Naabutan ko si Abby sa sala na nanonood sa phone niya. Nakapag-ayos na ito pero naghihintay lang na lumipas ang oras bago siya tuluyang umalis. Si Mama naman ay nagluluto sa kusina ng babaunin ko.
"Good morning." Bati ko rito.
Ngumiti naman siya. "Morning. Dadaan ka pa sa school?"
Tumango ako. "Oo, doon kasi 'yung bus namin eh."
"Anong oras ka aalis? Sabay na tayo?"
"Sige, kunin ko lang gamit ko."
Sakto naman rin at naibalot na ni Mama ang baon ko.
"First game niyo mamaya 'di ba?" Tanong ni Mama habang tinutulungan akong ayusin ang gamit ko.
"Opo, may 11 AM tsaka 6 PM." Sagot ko naman. "Pupunta kayo?"
"Malamang! Kaya nga nandito ako eh."
Napangiti naman ako. "Sige po. See you mamaya, Ma." Paalam ko.
Pumara na rin kami ni Abby dahil nga rin sa mga gamit na dala ko. Pang-isang linggong gamit kasi ang dala ko dahil ganon kami katagal doon. Buti nga at sa Manila lang ang host school ng inter-high kaya hindi mahihirapan sila Mama na magpunta.
"Nakapag-usap na ba kayo ni Baste?" Biglang tanong ni Abby.
Napabuntong hininga naman ako. "Hindi nga eh."
"Alam mo, nainis rin ako 'nung nalaman ko na okay na kayo ulit ni Kenji." Tipid lang ang ngiti nito. "Kaming dalawa ni Timmy, actually. Pero nakikita kasi namin na ang saya mo kapag kasama mo siya eh."
Hindi naman ako nakapagsalita.
"Kaya nagegets ko rin si Baste. At alam kong ikaw rin dahil mas matagal mo naman siyang kilala."
Bigla naman akong may naalala. "Tungkol nga pala ulit sa gusto ni Baste..."
Nabanggit ko kasi sa kaniya na siya ang iniisip kong babaeng gusto ni Baste. Siyang siya kasi talaga ang pumapasok sa isip ko base sa sinabi ni Baste noon eh.
"Iniisip mo pa rin pala 'yon?" Humalakhak ito sabay umiling. "Hindi ako 'yon. Sure ako, 100%."
Nanlaki ang mata ko. "Hindi ikaw? Kilala mo? Sino?"
Ngumisi ito. "Feeling ko lang, pero ayokong sabihin sa'yo."
"Tsk, bakit naman! Hindi ko siya aasarin pramis!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Kung gusto mong malaman..." Tinapik niya ako. "... siya mismo ang tanungin mo, Luna." Makahulugan ang ngiti nito.
Bumaba na kami at pumasok sa school. Nakita pa namin si Andrei sa may school grounds. Ihahatid niya pala si Abby sa classroom namin. Habang ako naman ay naiwan kasama ang teammates ko. Nakatambay rin dito ang iba pang sports team ng ENHS.
"Luna!" Masayang bati sa akin ni Lucille. "Kinuha ko na rin 'yung raketa mo oh." Sabay abot nito sa akin.
"Thank you."
Muntik ko pang makalimutan ito dahil sa kaba at excitement ko.
"Good morning, Luna."
Pinigilan kong mapangiti at hinarap tsaka hinarap siya. "Good morning din sa'yo, Kenji."
BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...