-LUNA-
SABADO ngayon, ang dapat araw ng pahinga ko ay nauwi sa trabaho. Kasalukuyan kong kasama ang mga co-officers ko sa school namin dahil ngayon namin napagpasyahan na ayusin ang decors para sa Nutrition Month na mag-uumpisa ngayong darating na linggo.
Ang alam ko ay nasa practice rin sila Timmy para sa jingle making contest kaya hindi ko rin sila maimbita rito.
"Luna..."
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Pres pala 'yon.
"Bakit Pres? May iibahin ba?" Tanong ko sabay tigil sa pagkabit ng decor.
Umiling ito. "Come with me."
Dahan dahan akong bumaba sa foldable stair na inakyatan ko. Napansin niya ang marahang pag-alog nito kaya mabilis niyang hinawakan iyon para suportahan ako sa pagbaba.
"Thank you... san tayo? May kulang bang materials?"
"Bibili tayong lunch..."
Eh bakit hindi nalang nagpa-deliver? Sabagay, dagdag gastos pa ang delivery. Kuripot pa naman 'tong si Pres at ayaw na malaki ang nababawas sa fund namin.
"Hmm, sige."
Kinuha ko lang ang phone at wallet ko sabay nagpaalam na rin sa mga kasama namin na aalis lang kami saglit. Napa-isip naman ako kung bakit ako ng inaya ni Pres. Hindi naman kasi kami super close. Bihira nga lang kaming kausapin nito eh.
"Pres, anong plan mo after grad? May napupusuan ka na bang university?"
Nag-isip naman ito. "Baka sa Manila ako mag-aral."
Na-amaze naman ako. "Wow, feel ko kayang kaya mo makapasok 'don. Matalino ka eh."
Tipid itong ngumiti.
Tama ba ang nakikita ko? Ngumiti si Pres?!
"Ikaw rin naman... matalino."
"Sus, bolero..." Marahan ko itong nahampas. "Ay, sorry!"
Natawa naman siya. "Ikaw?"
"Ako? Anong ako?"
"A-Anong plano mo?"
"Hmm, hindi ko pa sure eh. Depende siguro kila Mama at Papa."
"Strict ba sila sa choices mo?"
Mabilis akong humindi. "Hindi 'no! Malaya akong kunin ang kahit anong kursong gusto ko... pero sila pa'rin ang magdedesisyon kung saang university ako papasok... Alam mo na... mas magandang university... mas maraming opportunity 'pag graduate."
Tumango naman ito. "That's good to hear. You have a very supportive parents."
Natuwa naman ako sa narinig. Proud na proud ako sa parents ko 'no. Siguro dahil solong anak nila ako kaya lahat ng kailangan ko nabibigay nila agad. Maswerte akong hindi namin naging problema ang pera dahil maalam sila parehas sa pag-manage ng pera. Nasabi nga nila sa akin na baby palang ako ay nag-open na sila ng bank account para sa akin at makukuha ko lang iyon kapag nag-18 na ako.
Pumasok na kami sa café kung saan kami bibili ng pagkain namin. Habang umo-order si Andrei sa counter ay naupo naman ako malapit sa may glass window nila. Naalala ko bigla si Rodney... dito rin kasi 'yung café kung saan siya nag-confess kuno sa akin.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Pres sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Kaibigan mo 'yon 'di ba?"
Madaldal din pala itong si Pres. Tumingin ako sa tinuro niya at nakita si Baste... na may kasamang babae. Siya rin 'yung nakikita kong madalas na kasama ni Baste.

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...