KABANATA 25

5 1 0
                                        

-LUNA-

HINDI ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang na may tumutusok sa pisngi ko kaya naman napadilat na ako.

"Wake up, sleepy head." Bulong nito.

Mabilis akong napabangon at gulat na napatingin sa kaniya.

"K-Kenji, bakit nandito ka?"

"Gusto lang kitang makita... tsaka naghihintay na sila sa labas. Aalis tayo 'di ba?"

Oo nga pala. Dahil wala naman kaming gagawin ngayong hapon ay napag-usapan namin kanina na mag-ikot ikot muna dito sa Baguio.

Bumaba na ako sa kama ko at kumuha ng pampalit ko. Si Kenji naman ay nagpaalam na lalabas na para sabihan ang mga kaibigan namin na gising na ako. Hindi na ako naligo dahil nagawa ko naman na 'yon kanina kaya nagpalit nalang ako ng pang-alis na damit. Sinuklay ko nalang rin ang buhok ko at hinayaang nakaladlad iyon.

"Sorry... nakatulog ako eh." Hinging paumanhin ko ng makalapit na ako sa kanila.

Ngumiwi lang si Baste sabay kurot sa pisngi ko.

"Tss, aray ah." Tapik ko sa kamay niya.

"O siya. Tara na habang maaga pa." Excited na sabi ni Timmy.

Since nasa loob kami ng farm ay kinailangan pa namin sumakay ng tricycle para makalabas dito. Pagkasilip ko sa relo ko ay nasa alas-tres palang pala. Pagkarating namin sa labas ay bumaba na rin kami at nagbayad sa tricycle. Sakto naman ay parang may bazaar dito sa may labas. Hindi na kami masyadong lalayo.

"Uy, picture tayo!" Aya ni Abby sabay hila kay Pres sa tabi niya.

Mabuti nalang at makapal ang mukha ni Timmy kaya hindi siya nahihiyang makisuyo sa mga tao para kunan kami ng picture. Nagpasalamat naman kami sa babaeng kumuha ng picture namin.

"What do you want?" Tanong ni Kenji sa tabi ko.

Kasalukuyan kaming nasa stall ng mga handmade cups. Ang cu-cute 'nung mga design kaya naman bibili talaga ako!

"Meron po kaming couple design, Miss. Ito po oh, tag-isa po kayo ng boyfriend niyo." Sabi ng tindera sabay turo sa pares ng heart shaped na tasa.

Kahit malamig ay ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang tawa ni Kenji.

"I'll take that, Miss." Sabay abot ni Kenji sa bayad niya.

Mabilis akong tumalikod para itago ang pamumula ng mukha ko. Nakita ko sila Timmy sa kabilang stall kaya agad akong naglakad papunta sa kanila.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Friendship bracelets... bili tayo." Suhestyon ni Abby.

"Ew, ayoko nga!" Asar naman ni Timmy pero pumipili rin naman ng design.

Bumili kami ng anim na piraso para sa aming anim. Sige na naman si Timmy sa pang-aasar dahil si Abby pa ang nagsuot ng bracelet kay Andrei.

"Grabe, araw araw nalang akong sinusubok ng diyos!"

Natawa naman kami.

Nag-ikot ikot pa kami hanggang sa umabot kami sa may nagbebenta ng mga padlocks. Parang ito 'yung kagaya sa nakikita ko sa mga k-drama ah?

"Miss, bili na kayo. Sure na forever na kayo kapag bumili kayo nito." Sabi nung tindero.

"Magkaka-jowa ba ako diyan, Kuya?" Si Timmy.

"Hindi... pang may jowa lang 'to eh." Asar nito.

"Tsk, ayoko na!" Singhal ni Timmy na ikinatawa naming lahat.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon