KABANATA 18

3 1 0
                                    

-LUNA-

GAYA nga ng inaasahan ko ay hindi naman na lumala ang sinat ko noon. Siguro dahil sa binigay na gamot ni Kenji.

Mabilis lang rin lumipas ang mga araw. Isang linggo nalang matatapos na ang buwan. Meaning next week ay retreat na namin. Naghuhum pa ako ng kanta habang pabalik sa classroom namin.

May mga times na nakikita ko rin na magkausap sila Baste at Lesley. Ewan... parang mas naging close sila? Simulan ko na kaya siyang asarin dahil may nagkakagusto na naman sa kaniya? Hehehe.

Anyway, hindi na ako kinausap ni Lesley after 'nung unang pag-uusap namin. Kinausap niya kaya si Baste?

"Oh!" Gulat ko.

Naramdaman kong may humawak sa bewang ko at iniwas ako sa tumatakbo palabas naming classmate.

"You okay?" Tanong ni Kenji.

"Ha? Ah, oo." Inayos ko ang sarili ko.

Hindi nakawala sa paningin ko ang nanunudyong tingin nila Abby at Timmy. Ang talas talaga ng paningin nitong dalawa.

Tungkol kay Kenji... medyo... hmm... pa'no ko ba sasabihin? Mas nagiging close kami? Hindi rin siya pumapalya na pakabahin ako... in a good way ah? Medyo nagiging madikit na rin siya sa akin. Lagi na nga siyang nakabuntot sa akin huhu.

"Luna?"

"Hmm?"

"Hindi ka papasok?"

"Ah, eto na. Hehe, sorry."

Nilagay ko na ang bag sa upuan ko at naupo.

"Muntik ka na ma-late. Dapat sinabay na kita eh." Si Abby.

"Maaga ako 'no! Dumaan lang ako sa office ni Coach." Totoo naman! 30-minutes bago ang class nandito na ako. Hmp.

"Oh? Kailan ulit tournament niyo?"

"Next next month... pero may practice match daw kami ngayon. Baka doon rin kami mag-stay."

"Aalis ka?" Tanong ni Kenji sabay abot ng chocolate drink sa akin. Nilapag niya rin sa desk ko ang isang tinapay. "Drink this."

"Hmm, para sa training naman 'yon. Tsaka babalik rin naman kami agad. May retreat pa next week 'di ba?"

Hindi na natuloy ang usapan namin dahil dumating na ang subject teacher namin. OralComm naman ang class namin ngayon. Nagkaroon lang kami ng group activity na agad rin naming napasa. Pagkatapos 'non ay maaga kaming dinismiss ni Sir Romeo.

Tumunog na ang bell kaya nagsibabaan na kami para magbreak. Matapos kong i-lock ang pinto ng classroom namin ay may tumawag sa akin.

"Oy, Luna."

Napangiti ako. "Pres! Sasabay ka?"

"Oo sana eh... si Abby?"

"Nasa baba na... baka mawalan kami ng pwesto eh."

Tumango lang ito at sumabay na sa akin na maglakad.

"N-Nabalitaan ko 'yung nangyari sa inyo..."

Napahawak naman ako sa sugat sa labi ko. Papagaling naman na iyon pero naiirita pa rin ako tuwing maaalala kong nasugatan ako dahil doon. Tsk.

"Sinabi ni Abby?"

"Hmm, hindi ko ma-imagine na ganon ang ex niya."

"Ako nga rin... eh kayo? Kumusta? May progress ba ang panliligaw mo?"

Napahawak ito sa batok. "Actually... sinabi niyang 'wag akong umasa."

"Eh? Totoo?" Gulat kong sabi. Ni-reject siya ni Abby?

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon