-LUNA-
LORD please help me, guide me, protect me.
Hindi na ako magkanda-ugaga rito sa labas ng dorm nila Kenji. Okay lang 'yan Luna. Parang sleepover lang 'to!
Pwede ko naman tawagan si Timmy para sa kanila nalang makitulog kaso alam na alam ko ang sched non at beauty rest na niya sa ganitong oras. Si Baste mukhang wala pa sa kanila kasi kakakita lang namin sa kanila kanina sa Divi, baka nasa date pa 'yon.
At tsaka, hindi naman kami sa iisang kwarto matutulog. Okay lang 'yan!
"Luna? Come on."
Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Isang gabi lang 'to. Aagahan ko nalang gumising para makabalik ako agad sa dorm bukas.
Ibinaba ni Kenji ang mga pinamili namin sa sala nila. Tsaka lang ako nagkaron ng pagkakataon na pagmasdan ang loob ng dorm niya. Iisipin kong babae ang nakatira dito dahil sa linis ng dorm nila.
Naupo muna ako sa sala habang si Kenji naman ay pumasok sa malamang ay kwarto niya. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa pagkalam nito. Hindi pa pala kami nagddinner. Mag-order kaya ako?
"I already ordered us food." Sabi ni Kenji paglabas niya. "Here... I haven't use these. Magpalit ka na muna."
"S-Salamat."
Tinuro naman niya sa akin ang banyo nila. Mabilis akong pumasok doon para magbihis na. Nanlalagkit na rin ako sa pawis. Naghilamos muna ako at tsaka kinuha na ang damit na binigay ni Kenji.
Totoo ngang hindi pa niya nagagamit 'yon dahil may tag pa. Ang mahal naman nito! Huhuhu. Baon ko na 'to sa isang linggo eh. Sinuot ko na ang pajama at t-shirt niya. Nanghihinayang pa ako dahil ako pa ang unang gumamit non. Dinampot ko naman ang paperbag na kasama non at nilagay roon ang hinubad kong uniform.
Pagkalabas ko ay wala si Kenji sa sala. Kumatok ako sa kwarto niya pero mukhang wala rin siya roon.
Habang inaayos ko ang mga pinamili ko sa sala ay biglang bumukas ang pinto ng dorm nila. OMG! Nagmamadali akong dumapa sa sahig para magtago sa kung sino mang pumasok.
Sana hindi niya ako makita huhuhu.
"Luna? Anong ginagawa mo diyan?"
Gulat akong napatingala kay Kenji. Tsaka ko naman napansin ang pagkain sa kamay niya. Nag-iwas ako ng tingin at dahan dahang itinayo sa sarili ko.
Lalo akong nahiya ng makita kong nagpipigil ng tawa si Kenji habang inaayos ang pagkain sa mesa nila.
"A-Akala ko ibang tao 'yung pumasok. Hehe."
Hindi naman na niya napigilan ang sarili na tumawa. Nakahawak pa siya sa tiyan habang tumatawa.
"HAHAHAHAHAHA!"
"Huy! Namumula ka na! Huminga ka, Kenji!" Tinapik ko ang balikat niya.
Pinunasan niya ang mata niya. Naluha pa nga kakatawa. "Sorry... hahaha. Kung nakita mo lang ang sarili mo kanina... Hahaha."
"Happy pill mo na naman ako. Tama na, baka hindi ka na makahinga."
Mabuti nalang at nakinig itong si Kenji. Sasakalin ko na sana eh. Tumulong na rin ako sa paglabas ng pagkain mula sa plastic. Baka isipin pa nito feeling prinsesa ako eh.
Bigla naman akong napatayo nang maalala ko na hindi ko pala nasabihan si Abby kung nasaan ako. Mula kasi nung umalis kami ni Kenji ay hindi na ako nakapag-update sa kaniya. Agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko at saktong pagbukas ko ay namatay rin iyon.
"Lagot ako nito kay Abby eh." Mahina kong sabi.
"Bakit? May problema ba?"
Nasstress akong tumingin sa kaniya. "Hindi ko natawagan si Abby."

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...