KABANATA 39

0 0 0
                                    

-LUNA-

HINDI rin ako kaagad nakabalik sa school dahil nga sa injury ko. Nahihiya nga ako dahil nag-adjust pa ang mga teachers namin para makahabol pa rin ako. Gusto ko pa sanang ipilit na pumasok kasi malapit lang naman ako sa school. Kaso nga sinong tuleg naman ang magtitiis na buhatin ako paakyat baba sa hagdan 'di ba?

Si Baste mauuto ko pa eh.

Sabagay, mas maigi na rin siguro na hindi ako pumasok. Para hindi magkrus ang landas namin ni Kenji. Alam kong gustong gusto niya akong kausapin at hindi pa ako handang harapin siya.

Bumangon ako sa kama ko nang mapansin kong papadilim na. Kanina ay pumasok si Abby sa kwarto ko para ibigay sa akin ang mga modules ko. Si Mama naman ay isang linggong wala dahil umuwi pa siya sa probinsiya namin para imbitahin ang iba naming kamag-anak para sa debut ko.

Medyo okay na rin ang paa ko. Nalalakad ko na pero kailangan kong gumamit ng crutches. Sana lang ay gumaling na ito ng tuluyan bago ang debut ko. Ayoko namang hindi ma-enjoy ang birthday ko 'no!

"San ka punta?" Tanong ni Abby pagkalabas ko ng kwarto.

"Sa may convenience store lang." Paalam ko.

Tumayo naman ito. "Samahan na kita. Kunin ko lang jacket ko."

"Huwag na, Abby." Pigil ko. "Kaya ko naman na."

Tinitigan niya ako na may halong pag-aalala. "Sure ka? Samahan nalang kita diyan pababa."

"Hmm, sige. Baka mahulog pa ako eh." Natatawang sabi ko.

Tama nga na pumayag akong samahan niya ako pababa ng hagdan. Mali mali naman kasi ang balanse ko sa paghakbang. Kung wala itong si Abby malamang plakda na naman ako dito.

"May nangyari ba sa inyo ni Kenji, Luna?" Biglang tanong niya nang makababa na kami.

Hindi ako agad nakasagot. "B-Bakit mo naman natanong?"

"Palagi ka niya kasi kinukumusta sa akin eh." Sagot niya. "Hindi mo raw kasi sinasagot 'yung tawag at messages niya. Hindi naman kayo nag-away ano?"

"H-Hindi 'no." Agad kong tanggi. "Malalaman mo naman agad kung oo eh."

"Totoo?" Paniniguro niya. "Nakaka-awa si Kenji tuwing nagpag-uusapan ka namin. Sabi niya bigla mo nalang raw siyang iniwasan. Ano ba kasing nangyari?"

Natahimik lang ako. Tinitimbang ko kung sasabihin ko ba kay Abby 'yung nakita ko sa hotel namin. Gusto ko ring marinig ang side ni Kenji pero hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kaniya ang bagay na 'yon. Obvious naman kasi ang nangyari. Ano pa bang itatanong ko?

Tinapik nalang ako ni Abby nang mapagtanto niyang hindi pa ako ready na magkwento.

"Lapitan mo lang ako kapag ready ka na."

"Hmm, thank you."

"Tsaka i-text mo ako kapag nasa baba ka na para maalalayan kita ulit paakyat. Okay?" Paalala niya.

"Okay." Nakangiting sabi ko.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa may convenience store. Ito ang unang beses na lumabas ako pagkagaling ko sa ospital. Madalas sila Timmy, Baste, at Andrei na pumunta sa dorm namin after class. Magkukwento lang sila sa akin ng lastest chika sa room at kung anong mga ginawa nila.

Agad akong nagpunta sa may drinks section nitong convenience store pagkapasok ko. Binati pa nga ako nung kahera at kinumusta. Sa loyal ko ba namang costumer nila, ewan ko nalang kung hindi pa nila ako maalala.

Kumuha na rin ako ng mga pastries at chitchirya para kainin namin ni Abby sa dorm. Wala namang pasok bukas kaya pwede kaming magpuyat mamaya.

Matapos kong magbayad ay lumabas na ako. Hmm, parang gusto ko rin ng takoyaki.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon