KABANATA 9

4 1 0
                                    

-LUNA-

HINDI ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napa-oo ako sa tanong niya. Naisip kong lapitan si Abby dahil siya lang naman ang may matinong ipapayo sa akin tungkol sa ganito pero ang gaga ay pinagtawanan lang ako.

"Hayaan mo lang kasi, Luna. Anong bang kinakatakot mo? Single naman kayo parehas."

Sinandal ko ang sarili ko sa sofa at tumingala. "Hindi ko alam. Siguro dahil first experience 'to sa akin? Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Abby."

"Mukha namang hindi ka sasaktan ni Kenji 'no. Subukan niya lang." Naupo siya sa tabi ko. "I-enjoy mo lang ang highschool lovestory mo, Luna. Manghihinayang ka sa future kapag pinalampas mo 'to."

"True ba? What if masaktan ako? Hindi ata ako handa sa ganon."

"Wala naman nakakapaghanda sa ganon." Tinuro niya ang sarili niya. "Tingnan mo ko at kung anong nangyari sa amin ni Josh. Hindi ko naman naisip na mangyayari 'yon."

"Iba naman ang sa'yo eh. Pisikal na pananakit. Pa'no ang puso ko?"

Mahina siyang tumawa. "Parehas lang 'yon, parehas masakit. At kapag hindi mo na kaya... iyon na ang time para palayaain mo ang sarili mo, Luna."

"Tsaka, 'wag ka ngang awkward kapag nilalapitan ka no Kenji!" Pinitik niya ang noo ko.

"Ah! Abby naman eh. Nahihiya kasi ako."

"Anong nakakahiya don? Eh gusto ka nga niya... eh ikaw ba?"

"Ako?"

Tumango siya. "Gusto mo rin ba siya?"

Natahimik naman ako. Gusto ko ba siya dahil gusto niya ako o hindi?

"Hindi ko alam..."

"Then figure it out... with Kenji. Sure naman ako na magugustuhan mo rin siya kalaunan."

Ang tagal rin namin ni Abby nag-usap tungkol sa overall essence ng pakikipag relasyon. O 'di ba, instant lecturer si Abby. Thankful naman ako at nariyan si Abby pagdating sa mga ganitong usapin. Hindi ko pwedeng tanungin si Timmy 'no! Ookrayin lang ako non. Lalo naman na si Baste. Hmp.

Maaga na ulit akong nagising kinabukasan. Gandang impluwensiya talaga 'tong si Abby eh. Pagkarating namin sa school ay humiwalay muna ako kay Abby. Iiwan ko kasi muna 'yung dala kong materials para ngayong Nutrition Month. Mamaya ay may meeting kaming SSG para mag-plan ng activities next week.

Uy, si Baste 'yon ah. Nagmadali akong naglakad para maabutan siya sa dulo ng hallway pero napatigil rin ako nang may yumakap sa kaniya na babae. Siya 'yung kausap niya rin kahapon. Bagong jowa niya kaya si girl? Tsk, hindi man lang nagkwento.

Tumalikod na ako para bumalik sa classroom namin.

"Luna!"

Narinig ko ang yapak niya papalapit sa akin. Hindi ko na siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa naabutan na niya ako.

"Luna." Hinawakan niya ang balikat ko.

"Oh, Baste." Nagkunwari akong nagulat na nakita siya. "Good morning."

"Tinatawag kita kanina. Hindi mo narinig? Galit ka ba?"

"Hindi 'no!" Tanggi ko. "May iniisip lang kaya hindi ko napansin..."

"Si Kenji?"

"Nasa classroom siguro."

Pinitik niya ang noo ko. "Aray! Ba't ka namimitik!"

"Ang tinatanong ko kung siya ang iniisip mo, tss."

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi... iniisip ko 'yung para sa nutrition month."

"Ahh... ayos 'yan. Bilisan na na'tin, baka nandon na si Ma'am."

Pagkabalik namin sa room ay nagsabi ang teacher namin na may surprise quiz pala kami. Halos lahat kami ay nagreklamo kung bakit hindi niya kami sinasabihan tungkol sa quiz.

"Surprise nga 'di ba? Kukulit niyo." Sabay tawa ni Ms. Mitch.

After namin magsagot ay chineckan na rin namin ang mga papel namin. Fortunately... (wow, english!) mataas naman sng score ko. Pinasa na namin ang mga papel namin at tsaka kami nagmeeting para sa jingle making contest na sasalihan ng class namin.

"'Di ka sasali, Luna?" Tanong ni Pres.

"Pasasayawin mo talaga ako? Sure ka?"

Ngumiwi siya. "Sabi ko nga 'wag na eh."

Pinanood ko lang sila magplano kung anong gagawin nila... buti vacant namin. Hindi naman ako pwedeng sumali dahil una busy ako sa SSG at pangalawa, hindi ako marunong sumayaw. Masisira ko lang ang performance nila 'no!

Habang naglilista ako ng mga materials na kailangan kong bilhin mamaya ay naramdaman ko ang kamay ni Kenji sa sandalan ng upuan ko.  Sawayin ko ba? Baka naman isipin nito ang arte ko huhu.

"Hoy, Kenji pasimple tayo ah? Baka yakapin mo pa?"

Pinanlidatan ko ng mata si Timmy. Wala na ngang pumansin, bruha talaga 'to!

Bago ko pa siya awayin ay biglang nagsalita ang VP namin.

"Guys may quiz raw mamaya kay Sir Stats."

"Huh?! Quiz na naman?" Si Timmy. "Luna, i-review mo nga kami."

"Bahala ka diyan."

Tumayo ako dala ang notepad ko.

"San ka pupunta?" Tanong ni Kenji.

"Sa lib. Sama ka?"

"Hmm," tango niya.

"Eh? Si Kenji... inaya, tapos kami hindi?" Reklamo ni Timmy.

Nginiwian ko siya. "Susunod ka pa rin naman kahit hindi ko sabihin. Tara na."

Sinubukan ko pang ayain si Baste pero nasa ibang grupo siya sumama. Nagtaka naman ako dahil lagi siyang sumasama tuwing lumalabas kami.

"Luna, ano na?" Tawag ni Abby.

"Si Baste kasi..." Nilingon ko pa si Baste na nakatalikod sa amin.

Hinila ni Abby ang braso ko. "Hayaan mo na. Baka ayaw niya lang lumabas."

Tumango nalang ako at hiyaan si Abby na hilahin ako palabas. Bakit feeling ko nilalayo ni Baste ang sarili niya sa amin? May girlfriend na naman ba ang lokong 'yon? Tsk tsk tsk, pag-ibig nga naman.

At ayun nga, sa library na kami nagreview. Nanghihinayang nga ako dahil si Baste ang magaling sa math sa amin. Buti nalang nandito si Kenji... kalmado pa magturo. Kapag si Baste kasi parang si Mama na tinuturuan akong magbasa noong bata ako eh... parang dragon.

"Ahhh, gets ko na. Jusko napakadali lang pala nito i-solve." Si Timmy. "Thank you, Kenji! Sabihin mo lang kung kailangan kong itali si Luna para hindi na makawala sa'yo."

"Nandito ako oh?" Turo ko sa sarili.

"Ay, nandiyan ka pala? Kanina ka pa kasi absent..."

Kumunot ang noo ko. "Gaga, nandito nga ako. Pa'nong absent?"

"Absent-minded, tss. Sino bang iniisip mo teh? Ayan si Kenji oh?"

"W-Wala 'no!"

"Okay, sabi mo eh." Biglang may naalala naman siya. "Ay, Luna. Mamaya ba talaga tayo aalis? May biglang dinner kasi ang family namin mamaya sa labas."

"Ay, oo. Ako rin Luna." Si Abby. "Pwede ba bukas? Sorry na."

Nginitian ko sila. "Okay lang, kaya ko naman mag-isa. Bukas rin kasi namin kailangan 'yung materials kaya hindi pwedeng mausog."

Bumuntong hininga si Timmy. "Sorry..."

"I can go with you..."

"Huh?" Nilingon ko si Kenji. "H-Huwag na, nakakahiya."

"Isama mo na teh. Date niyo na rin." Tudyo ni Timmy.

Natawa naman si Kenji. "I'll go with you, Luna."

"O-Okay..."

Grabe ang effort ko sa sarili na magpigil na kiligin. Isama mo pa ang pag-ngisi ngisi ni Kenji dahil hindi na ako mapakali.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon