KABANATA 15

3 1 0
                                    

-LUNA-

AYON sa balita ay may LPA raw na papalapit sa bansa. Ilang araw tuloy kaming inuulan. Swerte kami kasi malapit lang ang ENHS sa amin. Pero kasi nakakatamad na pumasok kapag ganito ang panahon. Gusto ko nalang matulog buong araw at manood ng anime.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng banyo. Mula sa labas ng kwarto ko ay naririnig ko si Abby na nagluluto ng agahan namin. Nang makapagbihis na ako ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng kwarto ko.

"Morning." Bati ko.

"Good morning." Ngiti niya.

"Good mood ah? Lalaki ba 'yan?"

"Hindi 'no! Tss." Natawa siya.

Naupo naman na ako at sinabayan siyang kumain. Ang bango ng buong unit namin dahil sa niluto niyang longganisa. Sana lang ay hindi kumapit sa uniform namin ang amoy non.

Mayamaya ay umilaw ng phone ko. Sinilip ko iyon at nakita ang isang message mula kay Kenji.

Kenji:
Good morning :) See you at school. Ingat sa ulan.

"Huy, sino 'yan? Todo ngiti ah?"

Binalik ko naman sa normal ang ekspresyon ko. "Wala... 'wag mo na alamin."

"Eh obvious namang si Kenji 'yan. Yiee, kilig?"

"H-Hindi nga!" Nahihiyang sagot ko.

Tumayo na ako para hugasan ang pinagkainan ko. Sumunod rin naman si Abby na maglinis. Nang makita kong okay na kami ay naghanda na kaming suongin ang ulan papuntang school.

"Grrr, ang lamig." Komento ni Abby pagkalabas namin sa unit.

"Oh? Ingat kayo papasok." Bati ni Ate Lora sa amin.

Pagkalabas namin ng gate ay saktong may tumigil sa sasakyan sa harap namin. Aba! Muntik na kaming mabasa ah!

"Tsk! Hindi pa nga nakakalayo mababasa na." Reklamo ko.

"LUNA!"

Tinaas ko ang payong ko para silipin siya. Si Pres pala iyon at nakadungaw sa amin mula sa bintana ng sasakyan nila.

"Pres! Papasok ka na?"

"Sabay na kayo sa amin. May space pa sa likod."

Lumaki ang ngiti ko. "Nice! Hindi na ako tatanggi diyan."

"Hindi ba nakakahiya?" Bulong ni Abby.

"Mas mahiya ka kung basang sisiw tayong darating sa school." Biro ko.

Alam ko namang sinadya nitong si Andrei ma dumaan sa may dorm namin. Eh hindi naman 'yan taga-rito. Gustong gusto talagang maka-ipon ng points kay Abby eh.

"Abby nga pala, Pres. Single 'yan pero not ready to mingle."

Bigla naman akong sinamaan ng tingin ni Abby at pinitik sa kamay.

Mahinang tumawa si Andrei. Talagang pini-flex and dimple niya. "Hmm, hi. I'm Andrei."

Habang nasa daan kami ay chinicheck ko ang schedule ng activities ngayong araw. May food bazaar ang mga Food Tech students ng ENHS sa may gym mamayang morning at lunch break. Mukhang doon pupunta ang mga estudyante mamaya.

Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa school. Saktong pagbaba namin ay ang pagdating rin ni Baste sakay ng motor niya.

"Oy, Baste!" Tawag ko rito.

Kumaway ito sa akin habang inaalis ang waterproof jacket niya. Matapos non ay tinakpan niya ang motor niya at tsaka na lumapit sa amin.

"Ba't hindi ka basa?" Tanong niya.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon