-LUNA-
SIGE pa rin ang asar sa akin nila Timmy at Abby dahil sa wallpaper ko. Eh sila naman ang may pakana 'non! Kaya pala sige ang hiram sa cellphone ko huhu.
Matapos namin magpahinga ay oras na para sa welcome slash acquaintance party namin. Ngayong gabi iyon gaganapin sa garden nitong retreat centre. Habang nakahiga ako ay naririnig ko ang mga classmate ko sa baba na tila kinikilig dahil makakahanap na ata sila ng jowa sa ibang section. Talande!
"Huy, Luna. Hindi ka pa mag-aayos?" Tawag ni Abby sa akin.
Dahil wala naman akong choice ay bumaba na ako para maligo. Pagkatapos ko ay sinuot ko nalang rin ang dress na dala ko. Nag-presinta ulit si Abby na ayusan ako kaya hinayaan ko nalang dahil siya ang expert sa ganoong bagay.
"Uy, Abby... Luna, labas na kami ah?" Paalam ng isa sa classmate namin.
"Landi well!" Asar ko kaya natawa nalang sila.
After akong ayusan ni Abby ay nagpasya na kaming lumabas. Naroon na sa gitna si Ms. Richel kasama ang dalawa pang advisers ng dalawang section na kasama namin.
Napapitlag naman ako nang may magsalita sa may tenga ko.
"You look great."
"Ginulat mo naman ako... thank you." Sagot ko.
Mayamaya ay pina-ikot na kami ng mga teachers sa bawat section para makipagkilala. Acquaintance party nga raw 'di ba? Konting bati at pakilala. Ngayon ko lang narealize na ang dami pala talagang may kilala sa akin. Famous yarn?
"Hi!"
"Hi..." Tipid kong bati pabalik.
"I'm Dino. Nice to meet you, Luna." Sabay lahad nito ng kamay niya.
Nakangiti kong tinanggap iyon. "Kilala mo ko?"
"Of course, lagi kang paikot ikot sa school eh. Kahit sino siguro kilala ka na."
"Ah hahaha. Kumusta naman kami bilang SSG officers?"
"You're all doing well. Sayang lang at huling term niyo na."
"Kaya nga eh... pero sure naman akong mas magaling 'yung mga papalit sa amin."
Hinagod hagod ko ang magkabilang braso ko para pawiin ang lamig. Ang tanga ko sa part na nasa Baguio kami pero ang lakas ng loob kong mag-dress lang sa labas.
Hinanap ng mga mata ko sila Timmy na masayang nakikipag usap sa taga-ibang section. Si Abby naman ay kasama si Pres. Babalik sana ako sa kwarto namin nang may humila sa akin. Iginilid ako ni Baste sabay patong sa balikat ko ng jacket na dala niya.
"Pa'no ka? Hindi ka ba nilalamig?"
"Naka-sweater naman ako."
Napangiti naman ako at bilang pasasalamat ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you~~"
"Tsk." Asik nito sabay mahinang tulak sa akin... nakangisi rin naman ang loko.
Umalis siya sa tabi ko dahil tinawag siya ng iba niyang kakilala. Naupo muna ako sa may bench at pinanood sila na mag-usap usap. Naisipan kong tingnan ang mga pictures na kinuha namin kanina para mai-post ko online.
Natigil ako sa paglipat nang makita ko ang picture ko kasama si Kenji. Ito 'yung nag-stopover kami at pinilit kami ni Timmy na magpose. Lihim akong natawa dahil sa bawat pictures ni Kenji ay laging siyang naka-thumbs up.
"Do I look good?"
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga ni Kenji sa balikat ko. Sobrang lapit niya at maling lingon ko lang ay hindi maganda ang mangyayari.

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...