KABANATA 26

4 1 0
                                        

-LUNA-

LUMIPAS pa ang dalawang araw at nasa ika-apat na araw na kami ng retreat namin. Excited ang lahat dahil ang activity namin ngayon ay city tour at pagkatapos ay camping.

Agad ko nang tinapos ang pag-aayos ko at tsaka sumabay na kay Abby palabas. Naghihintay na rin kasi ang bus namin dahil ang unang pupuntahan raw namin ay ang Burnham Park.

"Oy, Abby dala mo 'yung camera mo?" Tanong ni Timmy pagkasakay namin sa bus.

"Pa'no ko makakalimutan eh tinadtad mo ako ng chat na dalhin ko 'to?" Ngiwi ni Abby.

"Okay, good. Ikaw Luna?" Nilingon niya ako.

"May pinadala ka sa akin?"

"Wala, gaga. Absent-minded ka na naman. Okay ka lang?"

Napatingin rin si Kenji sa akin na katabi ko.

"O-Okay lang... bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Sabi mo eh." Tango ni Timmy sabay ayos na ng upo.

Ang totoo ay iniisip ko si Baste. Mula noong iniwan niya kami ay hindi na niya ako masyadong kinakausap. Kahit ilang beses akong mag-initiate ng conversation sa kaniya ay tango o kaya isa o dalawang salita lang ang sinasagot niya sa akin.

Tinanong ko rin kung may nagawa o nasabi ba akong hindi niya nagustuhan pero iniiba niya ang usapan kapag sinasabi ko 'yon. Hindi pa naman ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Tsk.

Pagkarating namin sa Burnham Park ay pumila agad kami sa may rental na swan boat. Ang iba namang estudyante na kasama namin ay nag-bike at skating.

"Luna."

Bumalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Kenji. Kanina pa pala nakalahad ang kamay nito para alalayan akong makasakay sa bangka.

"Thank you."

"Are you worried about Sebastian? Nag-away ba kayo?"

Napabuntong hininga naman ako. Pagkatingin ko sa malayo ay nakita ko si Baste na tumatawa habang kausap ang mga classmate namin.

"Do you want me to talk to him?"

Umiling naman ako. "Hindi na..."

Mas maganda kung ako mismo ang kakausap sa kaniya. Matagal ko nang kaibigan si Baste. Kabisado na namin ang ugali ng isa't isa. Pero ngayon parang hindi ko na siya kilala.

Pinilit kong mag-enjoy sa buong tour namin. After namin dito sa Burnham Park ay nagpunta naman kami sa malapit na strawberry farm. Doon ay tinuruan kami kung paano mamitas ng strawberry. Syempre pinatikim rin nila kami ng fresh strawberry nila.

Nang sumapit naman ang lunch ay nagpunta kami sa kainan parang dampa style. Inalala ko pa nga kung paano kami lahat makakakain kung may ibang customer pero nalaman namin na naka-reserve pala iyon para sa amin.

"Wala na pong strawberry custard, Kuya?" Nanlulumong tanong ko sa server.

Alangan itong tumango. "Wala na po eh."

"Hindi na po kayo gagawa?"

Naaawa itong umiling. "Sorry, Miss. Ice-cream gusto mo?"

"Hindi na po... okay lang po." Sagot ko sabay talikod at lakad palayo.

Tsk! Iyon pa naman ang pinila ko. Hmp.

Naupo na ako sa mesa namin at sinumulan kainin ang pagkain ko.

"Bakit nakasimangot ka teh? Ayaw mo? Akin nalang." Puna ni Timmy sa akin.

"Ano ka chix?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Naubusan kasi ako nung custard nila... pumila pa naman ako."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon