KABANATA 16

2 1 0
                                    

-LUNA-

NGAYON na ilalabas ang resulta kung anong section ang nanalo sa jingle making contest noong Lunes. At syempre dahil nga kabilang ako sa SSG kami ang unang naka-alam ng results.

Nagpaalam na ako at umalis sa office namin. Makakapasok na ako ng regular sa mga klase namin dahil ang mga teachers na ang in-charge sa mga susunod na activities namin para ngayong Nutrition Month.

Naghhum pa ako ang kanta habang naglalakad pabalik sa room namin nang marinig ko mula sa labas ang hiyawan nila. Nai-post na siguro sa social media page ng school namin kung sino sino mga nanalo sa contest... at syempre kami ang champion!

"Panalo tayo!" Hiyaw ng classmate namin.

Tuwang tuwa naman si Ma'am Richel nang makapasok ako.

"Congrats, class. Dahil diyan magpapa-pizza ako!"

Nakitalon na rin ako kila Timmy dahil sa anunsyo ni Ma'am. Yes, pizza!

Habang naghihintay kami ng dumating ang order ni Ma'am na pizza ay nagkumpulan kami nila Timmy.

"Movie marathon naman tayo... Sabado naman bukas eh." Suhestyon niya.

"Edi tara sa inyo." Sagot ko naman.

"'Wag don! Nandon sila Tita Cristy."

Sumama ang timpla ng mukha ko. Ayon kasi 'yung tiyahin niyang backhanded ang mga compliments. Kunwari pang okay sa pagiging rainbow ni Timmy pero bukambibig na sayang daw ang gandang lalaki niya.

"Sa atin nalang Luna?" Si Abby.

Tumango naman ako. "Hmm, kilala naman sila ni Ate Lora."

"Ikaw Kenji? Sama ka ah?"

Ngumiti naman ito at tumango.

Matapos non ay nagpunta na kaming tatlo sa major namin. Buti nalang at nakabalik na ako dahil saktong may long quiz pala kami. Hindi nga lang ako masyadong nakapag review pero buti nalang at naalala ko pa ang mga ni-lesson namin nitong mga nakaraang buwan.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Timmy at Abby pagkapasa namin ng papers namin.

"Anong sagot mo sa 49-50?" Kalabit ni Abby sa akin.

"Wala... bonus daw eh."

"Eh? Totoo? Nag-compute pa naman ako?" Gulat na tanong ni Timmy.

"Hindi ka kasi nagbabasa ng instructions, tsk tsk." Umiiling kong sabi.

"Balita ko nanalo section niyo sa jingle making contest ah?" Biglang sabi ni Natasha. "Baka naman may daya 'yan ah?"

"Anong daya eh talaga namang maganda ang performance namin? Baliw ka ba?" Inis na sabat ni Timmy.

"Syempre... kaibigan niyo part ng committee. Sure ba kayo na walang dayaan na nangyari?"

Tumayo ako sa harap niya at pinatong ang kamay ko sa bewang ko.

"Kung may reklamo ka... dumiretso ka sa principals office. Never kaming mandaraya hindi kagaya mo 'no."

"Luna..." Pigil sa akin ni Abby.

Hindi na nakasagot si Natasha. Inirapan niya nalang ako na ginantihan ko rin ng pag-irap. Aba, hindi lang siya ang marunong magpa-ikot ng mata 'no!

"Problema ba 'nung babeng 'yon... tss." Naiinis kong bulong habang inaayos ang gamit ko.

"Ikaw talaga! Kapag ikaw binalikan non tsk." Si Abby.

Napabuga ako ng hangin. "Subukan lang niya... black belter na ako 'no!" Yabang ko.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon