-LUNA-
NGAYON ang huling araw ng retreat namin. Parang ang iksi nga lang ng isang linggo. Sobra kaming nag-enjoy sa mga activities na ginawa namin. Mas lalong naging close ay klase namin at nakakilala pa kami ng bagong kaibigan mula sa ibang section.
Ang huling activity namin ngayon ay cooking. Kami naman ang maghahanda ng kakainin namin mamayang lunch bago kami tuluyang umalis.
Inayos ko muna ang buhok ko bago ako lumapit kila Abby na naglilinis ng mga sangkap na gagamitin namin. Sopas ang naka-assign sa grupo namin na lulutuin kaya maning mani lang sa amin iyon.
Sa kabilang group naman sila Baste at Kenji. Adobo ata ang naka-toka na pagkain sa kanila. Sana lang ay hindi nila sirain ang panlasa ko. Habang nagbabalat ako ng carrots ay lumapit sa akin ang isa sa kasama namin.
Ano nga bang pangalan nito ulit? Ah, Louise!
"Pwedeng maki-upo?" Nakangiti sabi nito.
"Sige lang." Sagot naman ni Abby.
"M-May itatanong sana ako kay Luna."
"Ay, hindi ba pwede sa amin?" Biro ni Timmy.
Nahihiyang ngumiti si Louise sa kaniya. "T-Tungkol kasi sa kaibigan ni Luna sana."
"Kaibigan rin kami ah?" Si Timmy. " Ay, bakit teh? May crush ka kay Kenji?"
Natigilan ako sa narinig. Marami naman ang nagkaka-crush kay Kenji... hindi ko maikaka-ila iyon. Pero sure ba? Ang gusto ba nitong si Louise ay ipa-ubaya ko si Kenji sa kaniya?
"Hindi 'no! 'Y-Yung isa... si Sebastian."
"Oh my gosh! Totoo?" Tili ni Timmy.
"Kakasabi lang teh?" Saway ni Abby.
"Bawal mag-inarte?"
Sinaway ko naman silang dalawa. Wala talagang oras na hindi nagbabangayan itong dalawang 'to.
"Magtigil nga kayong dalawa." Binalingan ko naman si Louise. "Sure ka ba? Hindi ka ba ginayuma ng kaibigan namin?"
"Bruha, gwapo kaya 'yon si Baste!" Tanggol ni Timmy.
"Ang bait niya kasi kausap." Ngumiti ito na tila kinikilig. "Tapos sobrang gentleman pa. Alam mo 'yon?"
Tumango ako. "Agree ako sa huli mong sinabi pero sa una?" Umiling iling ako sabay tawa. "Joke lang."
"So, anong itatanong mo tungkol sa kaibigan namin?" Balik ni Abby sa usapan.
"M-May girlfriend kaya siya? Or nililigawan? Kayo lang kasi ang madalas kong nakikita na kasama niya eh."
Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Ang huling babaeng nakita ko na madalas niyang kasama ay si Lesley pero hindi ko na sila masyadong nakikita na mag-usap sa school. Mukha naman wala ring pino-pormahan si Baste dahil kung meron ay sasabihin niya 'yon sa akin.
"Hindi ko sure... parang ngayon wala?" Alanganing sagot ko.
"Ikaw ba Luna?" Tanong nito.
"Anong meron sa akin?"
Medyo nag-aalangan pa itong sabihin ang balak niyang sabihin. "Wala ka namang gusto sa kaniya 'no?"
Natulala ako sa sinabi niya. Si Abby at Timmy naman ay humagalpak ng tawa at may pag-apir pa.
"Sabi na! Hahaha." Tawa ni Abby.
"Gets kita teh. Tanong rin namin 'yan dati." Kumalma si Timmy sa pagtawa. "Pero may Kenji na 'yan. Childhood friend lang 'yang dalawa kaya super close na nila. 'Di ba, Luna?"
"O-Oo... ganon lang talaga kami magturingan."
"Good to hear." Nakahinga naman ito ng maluwag. "Tingin mo magugustuhan niya ako?"
Nagkibit balikat naman ako. "Siguro? Madali lang naman makapalagayan ng loob si Baste eh."
Matapos non ay nagpasalamat na siya at iniwan kami. Tumakas pa nga ang ate mo sa gawain niya.
Natigil ako sa ginagawa ko ng tapikin ako ni Timmy.
Umiling iling ito. "Ekis ako kay girl."
"Eh? Bakit?" Usisa ni Abby.
Lumapit ito at sumenyas na makinig kami kaya umusog kami ni Abby parehas para marinig ang latest chika niya.
"May boyfriend daw 'yon si girl... dalawa. Isa sa school na'tin tapos sa private sa may bayan." Bulong nito.
"Weh? Baka naman fake 'yan?" Sagot ko.
"Ako magsasabi ng fake news? Alam mong expertise ko ang chika teh."
"Mukha namang hindi siya magugustuhan ni Baste." Komento ni Abby.
"Talaga? Bakit naman?" Tanong ko.
Tinuro ni Abby ang gawi nila Baste. Doon kay nakita namin si Louise na nakikipag-usap sa kaniya. Panay ang tawa nito at pasimpleng hampas kay Baste.
"Ayaw ni Baste sa ganyan... 'di ba same case lang siya sa nag-confess sa kaniya last year? Binasted ni kuya mo Baste si girl."
Naalala ko ang sinasabi niya. Taga-ibang section rin 'yon pero parang hindi na namin siya nakikitang pumapasok ngayon. Sabi sabi na nabuntis raw ng boyfriend niya. Ganyan na ganyan rin ang scenario non. Lalapit sa amin para magtanong tungkol kay Baste. Tapos 'yung babae ang magfi-first move.
Ayaw na ayaw ni Baste non dahil gusto raw niya iyong siya ang magkaka-gusto at poporma. Ganyan lang 'yan pero mapili sa babae 'yan.
Pinagpatuloy naman namin ang pagluluto. Matapos naming ihanda ang mga sangkap ay nagsimula na kaming magluto. Minsan ay umiikot ikot rin kami sa ibang table para makitikim sa luto nila.
Sabay sabay kaming lahat kumain dito sa malawak na garden. Aakalain mo ngang may pa feeding program kami sa dami ng pagkain. Sa sobrang dami ay busog na busog na ako.
Habang nagpapahinga ako sa may bench ay nakita ko si Baste na naglalakad papalapit sa akin. Nakasimangot ito nang maupo sa tabi ko.
"Problema mo?" Tanong ko.
"Anong sinabi niyo 'don sa Louise?" Asik nito. "Ayaw akong tantanan, tsk."
Natawa naman ako sa kaniya. "Type ka daw eh. Ayaw mo ba? Ganda pa naman."
Inis itong bumuntong hininga. "Ayaw ko 'yung pinipilit sa akin ang hindi ko gusto."
"Galit ka?"
Lumambot naman ang ekspresyon nito. "Hindi."
Tumango naman ako. Dumukot ako ng kung ano sa bulsa ng jacket ko sabay abot 'non sa kaniya.
"Ano 'to?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Keychain duh? Bulag ka ba?"
"Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ko binigyan nito?"
Tumaas baba ang balikat ko at sumadal sa upuan. "Wala lang... naalala lang kita diyan." Sagot ko habang nakatingin sa binigay kong guitar keychain sa kaniya.
Napangiti naman ito at agad iyon na nilagay sa bulsa niya. "Salamat dito."
"150 'yan... abot mo nalang mamaya."
"Tsk, ano?!" Nagsalubong ang kilay nito.
Humalakhak ako sabay tayo. "Joke lang! Hindi mabiro? Tara na. Mamaya lang aalis na tayo."
"Luna..."
Taka ko siyang nilingon. "Ano na naman?"
Tumayo rin ito pero ang tingin niya ay nasa malayo.
"Kapag may nagtanong ulit sa'yo tungkol sa akin... pakisabing may gusto na akong babae."
"Talaga? Sino?"
Sumama ang tingin nito. "'Wag mo na alamin... aasarin mo lang ako."
Mabilis akong lumapit sa kaniya. Pilit na sinasalubong ang mata niya. "Hindi nga? Kilala ko? Sino nga? Malay mo matulungan pa kita sa kaniya."
"Hindi na kailangan."
"Bakit? Kayo na?"
Mapait itong ngumiti at tumitig sa akin. "May gusto siyang iba eh."

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...