KABANATA 32

3 1 0
                                        

-LUNA-

PINUTAKTI ako ng tanong nila Timmy at Abby nung gabing iyon. Tungkol sa pagpapakilala sa akin ni Kenji sa magulang niya hanggang sa babaeng dumating na nakita rin pala nila.

Pero ni isa sa mga tanong nila ay wala akong sinagot. Hindi ako makasagot.

Umuwi kami ng gabing iyon na hindi na ulit nakita si Kenji. Hindi na kami nakapag-paalam. Naalala ko bigla ang nai-kwento sa akin ni Argus ng magpunta kami sa school nila.

Siya kaya 'yung babaeng tinutukoy ni Argus?

Angel. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. Parang anghel talaga siyang ibinaba sa lupa. Kung siya man ang babaeng tinutukoy ni Argus ay hindi na ako magtataka kung bakit lumipat si Kenji ng school para makalimutan ito.

"'Nak, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mama sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Kanina pa kita kinakausap, hindi ka sumasagot. Masama ba ang pakiramdam mo?"

"H-Hindi, Ma. May iniisip lang."

Tumango naman ito. "Magsabi ka lang ah? O siya, pumili ka na ng menu mo. Kakausapin ko lang ang may-ari."

"Opo."

Wala ako sa sariling wisyo buong araw. Mabuti nalang at hindi naman masyadong pinansin iyon ni Mama. Medyo marami kaming nilakad ngayong araw dahil ngayon rin kami nagpunta sa gagawa ng gown ko para debut ko. Sinukatan lang nila ako at sinabi ko naman kung anong style ng damit ang gusto ko.

Medyo na-excite nga ako sa part na 'yon kaya nawala sa isip ko saglit 'yung nangyari kagabi.

Pagkauwi namin sa bahay ay nakita ko sa sala si Abby at Timmy. Nagulat pa nga ako sa reaksiyon nila ng makita nila ako. Para bang kanina pa sila naghihintay na makabalik kami.

"Oh, 'dito ka ba ulit magdidinner Timmy?" Tanong ni Mama.

"Pwede po, Tita?"

"Aba, oo naman. Magbibihis lang ako tapos ipagluluto ko na kayo."

"Hiramin lang po namin si Luna, Tita." Paalam ni Abby sabay hila sa akin papasok ng kwarto niya.

Nagtaka pa ako dahil narinig kong ni-lock pa ni Timmy ang pinto.

"Bakit? Kinakabahan ako sa inyong dalawa ah." Sambit ko.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumango. Pagkatapos ay pinakita ni Timmy sa akin ang screen ng cellphone niya.

"Anong gagawin ko rito?"

"Tingnan mo kasi." Seryosong sabi niya. Minsan lang 'to mag-seryoso si Timmy kaya medyo kinabahan naman ako.

Binaba ko ang tingin ko sa screen ng phone ni Timmy at natigilan ako sa nakita ko. Kuha iyon sa dating school ni Kenji. Nakita ko rin si Argus na kasama sa picture... at si Kenji na nakatitig sa nakangiting mukha ni Angel.

Parang nanikip ang dibdib ko. So siya nga talaga 'yung babaeng tinutukoy ni Argus.

"N-Nakita ko lang kasi ini-stalk ko 'yung mga dating friends ni Kenji." Saad ni Timmy.

Marami pa akong nakitang pictures... at kung hindi nakatingin si Kenji sa babae ay naka-akbay naman siya rito.

Tinigil ko na ang pagtingin sa mga pictures at binalik na iyon kay Timmy.

"O-Okay lang... hindi pa naman kami."

"Eh pa'no ka?" Si Abby.

"Baliw, anong laban ko 'don?" Tinapik ko sila. "Tsaka expected ko naman na 'yon."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon