-LUNA-
NGAYON ay pinagsisisihan ko na ang mga naging desisyon ko nung extrovert mode pa ako kanina. Kanina pa panay ang pag-ilaw ng phone ko dahil sa message ni Rodney tungkol sa pagkikita namin mamaya.
Rodney is a good friend of mine. Naging classmate ko siya nung junior high kami tapos nagkahiwalay na kami ng landas pagtuntong namin sa senior high. Hindi ko naman masasabi na super close kami pero madalas kaming magkabiruhan kaya siguro kinokonsidera ko siya bilang kaibigan.
Nagsuot lang ako ng komportableng damit. Friendly date lang naman 'to... 'di ba? Pagkalabas ko ng kwarto ay nasa sala lang si Abby at nanonood. Parang nitong mga nakaraan hindi sila masyadong nagkikita ni Josh. May nangyari kaya?
"Labas lang ako saglit." Paalam ko.
"'Wag kang papalate ah!"
Sumakay na ako sa tricycle paglakabas ko sa dorm namin. Doon kasi banda 'yung cafe na pagkikitaan namin. Nagchat na rin ako kay Kenji kung saan siya pupunta pero hindi pa siya sumasagot. Inisip ko nalang na baka nasa byahe na siya.
Tumunog ang bell ng buksan ko ang pinto. Pagpasok mo palang ay maamoy mo na ang kape sa loob. Nakangiting kumaway si Rodney sa akin nang makita niyang nakarating na ako.
"Hi." Bati ko at naupo ako sa tapat niya.
"Buti dumating ka." Tipid siyang ngumiti.
"Syempre libre mo eh!" Biro ko.
Pinagagaan ko lang ang mood. Ang totoo kasi ay naiilang ako. Hindi naman kasi kami madalas na lumabas na kami lang dalawa. Madalas ay kasama namin ang mga classmate namin dati.
"May hinihintay ka ba?" Tanong niya.
Kanina pa kasi ako napapatingin sa pinto tuwing bumubukas iyon. Nasan ka na Kenji? Huhu.
"Ah... wala." Kinuha ko ang inumin ko at hinigop iyon.
"Luna..."
"Hmm?"
"Tungkol pala sa pag-aaya ko na lumabas---"
"Ah! Oo nga. May itatanong ka 'di ba?"
Alam ko naman na dahilan niya lang 'yon kanina sa school. Kasi kung importante ang itatanong niya, doon palang ay sinabi niya na 'yon sa akin.
"Ang totoo kasi..." Nag-iwas siya ng tingin. "... matagal na kitang gusto Luna!"
Lupa, kainin mo ko!
Ramdam ko ang mga mata ng ibang costumer na nakatingin sa amin. Bakit naman kasi kailangan pang isigaw? Huhuhu.
"Hindi mo na sana sinigaw hehe." Naiilang kong sabi.
Mukhang nahiya naman siya. "Sorry."
"Okay lang."
"Ahh... tungkol sa sinabi ko..."
Eto na! Eto na! Sana mahimatay ako.
"... okay lang ba kung liliga---"
"Luna."
Si Kenji!
Alam mo 'yung feeling na may anghel sa harap mo? Parang ganon ang nararamdaman ko ngayon. Parang naligtas ako sa bingit ng kamatayan. Siguro babalik na ako sa pagsisimba.
"Sorry, na-late ako." Napansin ko ang butil ng pawis sa noo niya.
"Uh? Kaibigan mo, Luna?" Takang tanong ni Rodney.
"Ah, o---"
"Manliligaw niya ko."
Nanlaki ang mata namin pareho ni Rodney. Tama ba ang narinig ko?! Jusko naman dagdag lang ata sa problema ko 'tong si Kenji eh.
"Kenji, ano bang sinasabi mo?" Bulong ko.
"Eh ano naman?" Kunot noo ni Rodney. "Balak ko rin siyang ligawan. May problema ka ba don?"
Jusko! Kung nandito sila Timmy at Abby tawang tawa na ang mga 'yon sa akin. In fairness ah? Haba naman ng hair ko?
"I don't like to share."
"Hindi pa naman kayo. Sure ka ba na ikaw ang sasagutin niya?"
"I don't take risks that I know I can't win."
"Si Luna pa rin ang magdedesisyon." Nilingon niya ako. "'Di ba?"
"Huh?" Iyon lang ang nasabi ko.
"I'll take her with me." Sabay hila sa akin ni Kenji.
Kinuha naman ni Rodney ang isang kamay ko. Ang itsura tuloy ay parang pinag-aagawan nila ako. Nakakahiya! Huhu. Lord, ito na ba ang parusa mo sa hindi ko pagsimba?!
"Tingin mo naman nakakalamang ka na sa kaka-english mo sa akin?" Inis na tanong ni Rodney. "Ako ang ka-date ni Luna kaya sa akin siya sasama."
"Guys, pwedeng sa labas niyo na 'to gawin?" Mahinang awat ko. Nakangiti lang ako pero hiyang hiya na ako dito. Ayokong mag-trending online!
Huminga muna ako ng malalim sabay bawi sa parehong kamay ko.
"Kalma, ako lang 'to." Biro ko pero wala ni isa sa kanila ang natawa. Sabi ko nga eh, titigil na mag-joke.
Hinarap ko si Rodney.
"Rodney..." Hindi ako makatingin sa mata niya. "Sorry pero kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Sorry talaga."
Kung hihilingin niya na lumuhod ako, gagawin ko eh. Huwag lang sumama ang loob niya sa akin.
"Okay lang. Alam ko naman na hindi mo ko gusto eh." Mapait siyang ngumiti. "Gusto ko lang sumubok para hindi ko pagsisihan sa huli."
Hindi naman na ako nakasagot dahil hinila na ako palabas ni Kenji. Nilingon ko pa si Rodney pero nakayuko nalang ito.
"T-Teka lang." Pinigilan ko siya. "Iiwan nalang ba na'tin si Rodney?"
"What for? Do you like him?"
"Huh? Hindi." Tanggi ko. "Magkaibigan lang kami."
"That's good."
"Akala ko ba tutulungan mo ko?"
"And I did."
Tumaas ang kilay ko. "Ayon na 'yon? Ang iniisip ko ay bibigyan mo ko ng payo kung paano siya irereject ng hindi siya nasasaktan."
"That's impossible. Tsaka why do you need my advice for that?"
"Kasi lalaki ka rin? Kayo kayo lang ang nakaka intindi sa feelings na isa't isa 'di ba?"
"It's different with every person, Luna. We're different."
Sabayay... may point naman siya.
"Eh bakit ayon 'yung sinabi mo? Loko ka ba? Baka mamaya maniwala 'yon tapos ipakalat sa school."
"I don't care."
Wow! Obvious naman?
"May image akong inaalagaan 'no!" Sumimangot ako. "Baka kung ano ano ang sabihin nila sa akin. Tsk."
"But it's true..." Tumingin siya sa malayo. "What I said is true."
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
Binaling niya ang tingin niya sa akin at tinitigan ako. May kakaibang pakiramdam sa loob ko dahil sa tingin niya. O baka naman acid reflux lang 'to?
"I'm interested in you, Luna. I want to get to know you better."
Hindi ako nakasagot. Mic drop ang lintanya niya at speechless naman ang ate mo. Ibig sabihin ba niya ay may gusto siya sa akin? Sure ba 'tong si Kenji sa sinasabi niya o may sapak rin siya sa utak?
"You don't have to answer that. I'll do it anyway."
And I was left speechless.
BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...