KABANATA 22

1 1 0
                                    

-LUNA-

PINAKA-AYAW ko talaga ay gumigising ng madaling araw. Halos kaladkarin ko ang sarili ko para lang mag-ayos na ako. Ngayon kasi kami aalis para sa 1-week retreat namin sa Baguio. Buti nalang at nag-empake na ako ng gamit mo noong isang araw pa.

"Luna! Gising ka na?" Rinig kong katok ni Abby sa pinto ng kwarto ko.

"Gising na!" Sagot ko naman.

"Bilisan mo na... nagluto na ako ng agahan."

Mabilis akong kumilos nang marinig ko iyon. Matapos kong magbihis ay sinabay ko na rin ang maleta ko palabas ng kwarto ko.

"Good morning." Bati niya.

"Good morning din. Inaantok pa ako." Humihikad kong sabi. "Ba't nandito ka?" Gulat kong tanong kay Baste na naka-upo sa sala.

"Bawal? Sasabay na ako sa inyo." Tumayo ito at dumiretso sa dining.

"Tsk, sungit. Kumusta si Tita? May kasama ba 'yon?"

"Meron... may kasambahay na kami."

"Okay, good."

Saglit lang rin at natapos na kaming kumain. Hinugasan ko muna ang pinagkainan namin bago ko dinouble check ang mga gamit ko.

"Ano? Okay ka na?" Tanong ni Baste.

"Hmm, mukhang kumpleto na."

Hindi na siya sumagot at kinuha nalang ang maleta ko sa akin tsaka siya lumabas. Tsaka ko napansin na nasa labas na rin pala si Abby. Pinatay ko na lahat ng dapat kong patayin na appliances bago ako sumunod kila Baste.

"Grr, lamig! Buti nagdala akong jacket." Si Abby.

Siniguro kong naka-lock na ang pinto ng unit namin bago kami bumaba at iwan kay Ate Lora ang susi. Mahirap na at baka mawala pa namin 'yon.

"Ingat kayo." Paalala ni Ate Lora. "Ito pa pala... kainin niyo sa byahe. Baste ingatan mo ang mga kaibigan mo ah."

"Opo."

"Wow! Thank you, Ate Lora!" Pasasalamat ko.

"Thank you po!" Si Abby.

Saktong pagkarating namin sa school ay nakasabay namin sila Timmy at Kenji. Mukhang kadarating lang rin nila.

"Retreat ang pupuntahan na'tin teh... hindi fashion show." Saway ni Abby sa kaibigan.

"Sasabihin lang na maganda hindi pa magawa, tsk. Sorry at mas maganda ako sa inyo ngayon." Arte nito.

Naramdaman ko ang paglakad ni Kenji papatabi sa akin.

"Good morning." Bulong niya.

Habang nakatambay kami sa bench ay tinawag kaming class officers para mag-assist sa mga classmates namin. Sila Timmy ang nagccheck ng mga gamit na nilo-load sa bus habang ako naman ang nagccheck ng attendance namin.

"Luna, okay na?" Tanong ni Ma'am Richel.

"Yes po, Ma'am. Complete na po."

Matapos non ay isa isa na kaming pinasakay sa loob ng bus. Mabuti nalang at hindi kami alphabetically arranged kaya kahit sino pwedeng katabi namin.

"Pres! Ba't nandito ka sa bus namin?" Gulat kong tanong. Aba, bigla bigla nalang kasing sumasakay sa bus namin eh iba naman ang section niya.

Nilagay niya ang daliri niya sa bibig niya. "Nagpaalam ako. Si Abby?"

Lumaki ang ngiti ko. "Nandoon sa likod namin. May pagkain ka ba? Kung wala, bumaba ka na."

"Tsk, meron 'no. Thank you."

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon