61. Fireflies

639 16 1
                                    

Naisipan kong kunin ang cellphone ko ngunit pag bukas ko ng bag nakita ko ang sampung tag iisang libo sa bag ko...si kapitan talaga ang kulet...dahil nilagyan na naman nya ng pera ang bag ko ng di ko alam...Des rinig kong tawag ni joy sakin...san ka ba nanggaling magkagulo sa labas kanina...huh?! Bakit anong nangyare may nahuling dalawang magnanakaw kanina bugbog sarado sa mga tao kwento pa ni joy naisip ko na iyon pla yung narinig kong ingay kanina...asan na yung mga mag nanakaw? andun sa mga tanod kinulong dahil susunduin daw ng mga pulis mamaya...

Asan na nga pla sila patungkol ko sa mga ka grupo namin...bumaba na sila kuya Jun kasama si angelo hahanapin ka daw sabi pa ni joy...alas nuebe na tingin ko sa relos ko kaya naman nag paalam na ako na uuwe na pag baba ko hinanap ko pa si angelo at nakita ko itong nakatayo sa labas ng court napalingon sya sa akin at agad lumapit Des andyan ka pala kanina pa kita hinahanap sabi nya...nasa sk office lang ako sabi ko sa kanya...Des Tara sa bahay yaya nya..ano meron dun tanong ko...andun na sila kuya Jun des sabi nya pa....maaga pa naman sabi ko sa sarili ko kaya pumayag ako..ako na nagsabing sumakay na kami ng tricycle para mas madali kaming makapunta...na agad naman sya sumang ayon..nag lalakad na kami sa daan papunta sa kanila hawak hawak nya pa ang kamay ko...ng nakarating kami sa kanila bumati lang ako sa nga kapatid nya at agad na nag tungo sa cottage malapit sa ilog...nakita ko si kuya Jun si mark si andrew na tumatagay na ng alak na nakatimpla...

Des buti nakarating ka sabi ni mark..niyaya ako ni angelo eh maaga pa naman kaya sumama ako...ano plang meron?...wala lang des chill chill lang celebration ng succes performance natin kanina sabi naman ni andrew...ngumiti lang ako....kawawa yung mga manong kanina noh sabi pa ni mark....bakit anong nangyare?  bugbog sarado sa mga tao kanina mag nanakaw kc..sino ninakawan? tanong ko pa ewan namin basta may sumigaw ng mag nanakaw tapos tinuro yung dalawa nakakaawa lang kasi kinuyog agad sila ng mga tao ang daming tanod pero di sila umawat nung di na mga makatayo yung dalawa saka lang kumilos ang mga tanod...kawawa mga mukha halos di na makalakad sa bugbog...patuloy pa ni mark...

Napansin ko si kuya Jun na tahimik lang...kaya agad kong kinausap...kuya Jun parang ang lalim ng iniisip mo?...wala des iniisip ko lang sana maging ok ang pag tatanghal natin sa sunod na araw...sana nga maging ok nga sabi ko...des dito tayo turo ni angelo sa upuang dala nya kaya naman agad akong umupo....tumabi sya sakin at hinawakan nya pa ang kamay ko...ano na ba ang meron sa inyo ganong ni kuya Jun sa amin...parehas kaming di makasagot dahil hinde dun naman namin alam kung ano na nga ba ang meron sa amin ni Angelo...kayo na ba?! dagdag nya pa...kuya Jun sa totoo lang hinde ko din alam sabi ni angelo...panong di mo alam tanong ni kuya Jun kay angelo...parang hinde kasi ako ang dapat sumagot nyan sabay tingin sa akin....

Nag hagilap ako ng sasabihin dahil pawang lahat sila ay nag hihintay ng sagot ko...huminga ako ng malalim....nasa estado kasi ako ngayon ng pag iisip...unang una hinde ako sanay at di ko alam kung papano  pumasok sa seryosong sitwasyon...aaminin ko gusto ko si Angelo pero iniisip ko baka maging kumplikado dahil malilimitahan ang pakikisama ko sa inyo...kung tatanungin ako mas gusto ko yung ganito lang masaya tayong mag kakasamang nag kakasiyahan..sana naiintindihan nyo ako...lalo na ikaw angelo sa wakas lumabas sa bibig ko...Hinde naman ako nag mamadali des mag hihintay ako pero sana hayaan mo akong gawin yung mga bagay na gusto ko gawin para sayo...seryosong usal ni angelo...

Tinitigan ko sya sa mata at pilit inaarok ang mga sinabe nya...pero ako din ang bumawi ng tingin at naisip ko ng mag paalam...gumagabi na masyado kailangan ko ng umuwe...na hinde naman nila ako pinigilan...hatid na kita sa kanto des sabi pa ni angelo na agad akong inakay mag lakad...andrew mark mauna na ako...kuya Jun...tawag ko ng makita kong malayo ang tingin...para pa syang natauhan ng muli ko syang tinawag...kuya Jun uuwe na ako...lumingon sya sakin na parang may gusto sabihin ngunit tumango lang ito....

Nag lalakad na kami ni angelo ng bigla syang nag salita...des teka may ipapakita ako sayo...hinila nya ako sa masukal na lugar halos matisod pa sa mayabong na damong nadadaanan namin...san mo ba ako dadalhin Angelo?! andito na tayo...pinaupo nya ako sa isang malaking bato sa harap ng isang malaking puno...Ani ba gagawin natin dito? Tanong ko sa kanya...tumabi sya sa kinauupuan kong malaking bato...saglet nalang des...anong meron? Nagtataka pa ding wika ko...hinawakan nya ang kamay ko saka hinalikan tingin ka sa puno des.....

Tinignan ko ang puno na parang ordinaryong puno lang naman tinitigan ko pa ito mag tatanong pa ulet ako sa kanya ng mapansin kong parang may kumislap...mataman ko pang tinitigan at inalam king ano yun...hanggang sa sunod sunod na ang malamlam ng pag kislap sa puno na unti unting binalot ng malamlam na ilaw na parang Christmas lights...napakaraming alitaptap ang bumalot sa puno kaya manghang mangha ako lalo na ng umihip ang hangin munti itong sumasabay sa hangin at bumabalik para dumapo sa puno napakaganda....tinignan ko si Angelo na nakangiti at nakatingin sa akin...

Ang ganda Angelo bakit ngayon mo lang ako dinala dito...hinde sya sumagot bagkus ay ginawaran ako ng malambing na halik sa labi....napayakap ako sa kanya dahil damang dama ko ang pag mamahal na ginagawad nya...nakakagaan ng pakiramdam....mahal na mahal kita des bulong nya ng mag hiwalay ang aming labi...hinaplos ko sya sa pisngi at tinitigan pa syang muli...at saka ko sya niyakap ng mahigpit...kung alam mo lang Angelo kung alam mo lang usal ko sa sarili ko...

MODESTO 2.0Where stories live. Discover now