87.Paliwanagan

616 18 0
                                    

Ng maka alis si janus agad na kami pumasok sa bahay ni mama...mabuti nalang may naghatid sayo anak grabe ang lakas ng ulan...ngumiti lang ako kay mama at agad pumasok sa aking silid...matapos makapag palit ng pantulog agad akong nahiga sa aking kama...iniisip ang nagyare sa buong maghapon alas diyes na ng gabi ng maisipan kong buksan ang aking bag para asikasuhin ang ilang assignment para bukas wala na akong gagawin...mabilis ko namang natapos ito alas dose na ng mag desisyon ako matulog...pero pabaling baling kang ako sa kama at di dalawin ng antok...kinuha ko ang cellphone ko sa bag para mag basa ng inbox.

Gud pm des kumusta ka na...si kuya jun and nag text naisipan kong sagutin ito...ayos lang naman kuya jun ikaw po? Gising pa din si kuya jun kaya agad naman mag reply...ok lang din ako pero si angelo des medyo hinde ok..sagot nya...bakit kuya jun anong nangyare sa kanya? Sagot ko...eto nilulunod ang sarili sa alak iyak ng iyak ayaw naman sumagot pag tinatanong ko pero ramdam ko ikaw ang dahilan sabi nya pa...nakaramdam ako ng awa lay angelo mataman akong nag isip kung ano gagawin ko pero walang pumapasok sa isip ko...kuya jun nakikinig naman sayo yan ikaw na bahala sa kanya wag mo sanang hayaang sumobra ang pag inom nya ng alak baka makasama po sa kanya...mahaba kong reply...des mukhang ikaw ang kailangang kumausap dito ilang beses ko na kinausap pero ayaw mag papigil...kahit ang mga kuya nya wala magawa...dagdag nya pa...cge kuya bukas kakausapin ko sya....tangi kong sagot at agad na itinabe na ang cellphone ko...

Susko ano na naman ba ito...usal ko sa sarili ko...ano pa ba ang pag uusapan namin? Bakit ba hinde nya ako maintindihan? Bakit kailangan nya gawin sa sarili nya ang bagay na yun dahil sa akin..maging si janus kung umarte parang syota ko din eh sinabe ko na nga sa kanya na tama na yung ganito lang kami..haissst di pa man pinapasakit na ang ulo ko pano pa pag isa sa kanila ang piliin ko?! Eh Ayoko nga...aalisin ko ang sarili ko sa sitwasyong ito..di ako sanay ayoko masaktan ayoko mag seryoso ayoko ng istorbo mga pumapasok sa isip ko na gusto kong gawin at di ko namalayang nakatulog na ako....

Alas nuebe na ng umaga ng mag mulat ako ng mata agad din akong bumangon dahil nagising ako sa ginaw....malakas ang ulan at may kasama pa itong hangin ng sumilip ako aa bintana...kita ko pa ang mga puno na sumasayaw kasabay ng bawat hampas ng hangin...kinuha ko ang towel ko dahil isip ko na maya maya ay titigil na ito...pag labas ko ng silid nakita ko agad si kuya damian na nag susuot ng kapote habang si mama naman ay nasa kusina nag aasikaso ng almusal...kuya san ang punta mo tanong ko kay kuya na nag susuot pa ng bota...may rescue operation ngayon mataas na ang tubig dahil sa pag apaw ng ilog ang dami ng ililikas na nakatira sa tabing ilog sabi pa ni kuya...

Tumango lang ako kay kuya damian at agad na syang nag paalam kay mama...anak mabuti at gising ka na malakas ang bagyo pupuntahan ko sila tita mercy mo para kumustahin...mama papasok po ako wika ko kay mama...desto anak signal number 2 na kanina pa inanunsyo na suspendido ang klase sa lahat ng level...ang kuya gino mo gumawag kanina di daw makakauwe agad dahil naka red alert na ang ospital...medyo nanghinayang ako dahil walang pasok masasayang na naman ang oras ko sa bahay na wala naman akong gagawin...naupo ako sa hapag para kumain...

Nag liligpit na ako ng pinag kainan ng nag paalam si mama na aalis na...alis na ako anal ha ikaw na bahala dito..wika pa ni mama...ok po ma ingat po kayo...kanina pa nakaalis si mama wala ako magawa kaya bagot na bagot ako..malakas pa din ang ulan sa labas...bakit nga hinde usal ko sa sarili ko ng maisipan kong maligo sa ulan...lumabas ako ng bahay at dinama ang bawat patak ng ulan...nakadipa pa akong nakatingala nakapikit na hinahayaang mabasa ng ulan...ang sarap sa pakiramdam...malamig ang tubig kaya naman damang dama ko ang bawat pag patak nito...tuluyan ng nabasa ang buong katawan ko kaya nama  naisipan kong hubarin ang pang itaas ko...ang bawat patak ng ulan ay animong nakakatanggal ng bawat alalahanin ko...nag lakad ako patungo  sa mahabang upuan na nasa aming bakuran at naisipan kong humiga...

Nilalamig na ako na nakahiga at nakapikit ang mata malakas pa din ang ulan...babangon na sana ako ng may maramdaman akong humalik sa labi ko...napabalikwas ako ng upo at agad sinino king Sino ito...Angelo? anong ginagawa mo dito wika ko ng makilala ito...naliligo din sa ulan naka short lang at namumula pa ito halatang nakainom dahil amoy pa ang alak ng halikan nya ako kanina...des pasensya ka na di ka maalis sa isip ko eh at agad yumakap sa akin na yumuyogyog pa ang balikat....angelo ano ba  bakit ka umiiyak...di sya sumagot patuloy lang ang pag iyak nito...naawa ako sa itsura halatang wala pang tulog...nanginginig na din ang katawan  ito dahil siguro sa ginaw...

Tara angelo pasok tayo sa loob...inakay ko pa sya papasok ng bahay sinabihan ko sya na mag banlaw ng maibsan ang ginaw nya na agad naman nya ginawa...pasuray suray pa itong nag lakad kaha naman inalalayan ko na...sabay na tayo des bulong nya pa sa akin...di na ako tumanggi aabay kaming nag banlaw at di na ako nagulat ng mag hubad sya ng shorts at brieft nya ganon din ang ginawa ko...nauna ako matapos at iniwan na sya sa banyo nag suot ako ng brieft at binigay ko ang towel ko sa kanya...hinintay ko syang lumabas ng banyo na nakatapis ng towel at agad niyaya sa silid ko para makapag bihis.

Derecho na syang nakakapaglakad  ng sumunod sa akin...pag pasok ng silid agad akong nag hanap ng pwede ko ipahiram sa kanyang damit jersey shorts at sando ang pinasuot ko sa kanya sobrang set ng uniform nung nakaraang liga na kinuha ko para remembrance at sakto namang kasya sa kanya...tahimik lang syang nag bibihis na halos di makatingin sa akin...kumain ka na ba basag ko sa katahimikan sa pagitan namin...umiling lang sya...tara sa kusina yaya ko sa kanya...agad naman sya tumayo at sumunod sa akin..

Pinaupo ko sya sa hapag at di pa din nag sasalita...ipinag timpla ko ng kape at pinag handa ng pagkain...kain na angelo salamat des ha na sa wakas sambit nya..kain lang angelo wika ko pa at nag simula na syang kumain...halatang gutom na gutom dahil nakailang sandok pa ito ng kanin...pinag mamasdan ko lang sya hanggang sa matapos kumain...ayos ka na ba angelo gusto mo pa? Ayos na des salamat...akma syang tatayo para ligpitin ang pinag kainan nya ng awatin ko sya..ako na angelo upo ka lang dyan...wala na sya nagawa ng isa isa ko ng dinampot ang pinagkainan nya at agad nilagay sa lababo para hugasan...

Habang nag huhugas maramdaman ko ang pag yakap nya sa akin...hinayaan ko lang des sorry sa mga nagawa ko ha...wala yun angelo..pero sana wag mo namang parusahan ang  sarili mo dahil sa akin...bumitaw sya sa akin at nag takang nag tanong...anong ibig mo sabihin? Tanong nya...tinapos ko muna ang pag huhugas ng pinggan at agad humarap sa kanya...maghapon ka daw mag inom kahapon..saka tignan mo itsura mo ngayon may tama ka pa ng alak at halatang wala ka pang tulog...tahimik lang sya na yumuko...ano ang dahilan mo bakit ginagawa mo yan sa sarili mo? tanong ko pa habang nag lalakad ako patungo sa sala...umupo ako sa sofa at napansin ko na hinde sya umalis sa kinatatayuan nya..

Halika nga dito tawag ko sa kanya at saka lang sya kumilos pinaupo ko sya sa tabi ko at agad ako humarap sa kanya...ano angelo ano yang ginagawa mo sa sarili mo? Tumingin sya sa akin na malamlam ang mga mata...dahil sayo des..anong dahil sa akin? diba nag usap na tayo na Ayoko mag karoon ng seryosong ugnayan sa kahit kanino...tama na yung ganito tayo mas ok yung magkaibigan lang tayo...hinde seryoso walang limitasyon...kung gusto mong mag laro basta pwede ako edi pag bibigyan kita....pinag usapan na natin nila kuya jun ito diba? Mahirap ba intindihin yun?..humarap sya sa akin at tumingin sa aking mga mata...des ang hinde ko maintindihan bakit sa akin hinde pwede bakit dun kay janus nakipag mabutihan ka? Huh?!? Nag tatakang reaksyon ko...

Anong nakipag mabutihan? Tanong ko pa...ang unfair mo des...pumayag ako sa set up na gusto mo pero may syota ka na pla pinakilala mo pa sa amin..sa akin harap harapan sa tingin mo maiintindihan kita?nagmamaktol na wika nya
Teka lang ha si janus kaklase ko yun at hinde ko syota yun saan galing yung sinasabe mong syota ko yun?! Tamong ko pa... Bakit hinde ba? Tinanong ko sya ng seryoso noon tinanong ko kung ano ka nya...narinig pa mismo ng grupo sinasabi nya na magkasintahan kayo...ang daya mo des...tumutulo na ang luha nya habang nag sasalita...naawa ako sa itsura...niyakap mo sya at ninimas sa likod nya at agad akong nag wika..Angelo mali ang iniisip mo...at hinde totoo ang  sinasabe nya...sinisigurado ko sayo walang kami...nakatitig lang sya sa akin habang nag sasalita ako...kaya ayusin mo yang sarili mo maling mali ang ginagawa mo..isa pa wag mo akong gagawing dahilan kung bakit ka nag kakaganyan dahil sarili mo lang ang pinapahirapan mo...tumango lang sya ng tahimik...tumayo ako para ikuha sya ng tubig nag salin ako ng tubig sa baso at bumalik sa kanyang pwesto....

Ange.. di ko na naituloy ang pag tawag ko sa kanya sapagkat nakita ko syang nakadapa sa sofa at tingin ko ay tulog na...yumuko ako at sinigurado pang natutulog sya at narinig ko ang mahina nyang pag hilik...maliwanag na ang mukha nito na munti pang nakangiti...namumbalik ang gwapo nitong itsura at di ko napivilang haplosin ang pisngi ang ginawaran pa ng malamyos na halik...hinimas ko pa ang buhok nito at agad ko na syang hinayaan matulog.

MODESTO 2.0Where stories live. Discover now