Chapter Sixty-Three

2.8K 58 57
                                        

G W E N

"Hello? Bebe, asan kana? May patayan nang nangyayari dito tapos late ka?" Bahagya kong inilayo sa tenga ko ang phone ko dahil sa lakas ng boses ni Sheena. Ang sakit sa tenga, pramis.

Nakapikit akong napailing saka bumuntong hininga. "Pabalik na ko sa bahay. Bakit? Ano bang nangyari? At anong patayan?"

Hindi ko alam kung pinagti-tripan na naman ba ako ni Sheena ngayon. 'Yan kasi madalas ang bungad nya everytime na tatawagan ako tapos ako lang ang hindi nila kasama. May saltik din kasi, eh. Nahawa na sya kay Staku.

"Teka lang naman! Isa isa lang mahina ang kalaban." Wika nya sa kabilang linya na alam kong nakabusangot na ang mukha ngayon. Ganyan yan sya, eh.

Napailing ako ulit at malalim na bumuntong hininga. Hinintay ko na lang na sagutin nya ang mga tanong ko dahil tinatamad akong ulitin ang mga yun.

"First, wag ka munang umuwi sa bahay dahil wala kami dyan. Second, nagwala si Ate Loi kanina at tumakas sya sa ospital. Nasaktan pa nga si Staks kasi tina-try nyang pigilan si Ate Loi kaso ayun, nakatakas pa din sya. 3rd, may patayan kasi pinatay ni Ate Loi lahat ng guards dito sa bahay nila Mikhs. Yes, andito kami sa bahay nila Mikhs kaya dito ka na dumiretso. Bilisan mo kasi baka napano na sila dun sa loob. Pinaiwan kasi nila ko dito sa sasakyan, eh. Bat ba kasi ang tagal tagal mo, bebe? Hayst! Lagi ka na lang late sa mga ganap sa sobrang pagka-nonchalant mo." Mahabang sabi nya na ikinangiwi ko na lang.

Napasok na naman pagiging nonchalant ko sa eksena. Tsk!

"Sige. On the way na ko." Sabi ko na lang at binaba na ang tawag. "Kuya, sa mansyon ng mga Lim po tayo." Sabi ko sa driver na tumango lang naman at agad na iniliko ang sasakyan sa direksyon papunta sa bahay nina Mikha.

Medyo malapit lang naman yun dito at sakto din na hindi gaanong traffic kaya makakarating ako kaagad. At habang nasa daan ay nakatanggap ako ng emergency message galing kay Gelo pero Kuya Ace ang tawag ko sa kanya.

'Tranquilizers.' Yan lang ang laman ng message nya sa'kin.

Napakunot lang ang noo ko at hindi ko maintindihan kung bakit sya nagpapadala ng tranquilizer. Para san? Pero bigla ko ding naalala ang sinabi ni Sheena.

'..nagwala si Ate Loi at tumakas sya ng ospital.'

Now, that makes sense kung bakit kailangan ni Gelo ng tranquilizer. Hay nako!

Agad ako tumingin sa labas ng bintana at naghanap ng malapit na botika o clinic na pwedi kong mabilhan ng tranquilizer. Mabuti na lang at meron kaming nadaanan kaya pinahinto ko muna ang sasakyan at dali-daling lumabas at tumakbo papunta dun.

"May tranquilizer po kayo?" Tanong ko sa babaeng nasa counter.

"Meron po and para saan?" Tanong din nito.

"I need one." Sagot ko at muli syang nagtanong kung para saan. "Just give me one, damn it. It's for emergency." Nauubusang pasensyang sagot ko.

Ang dami pang tanong, eh. Kitang nagmamadali yung tao. Tsk!

Mukha naman syang natakot at agad na kumuha ng isa at iniabot sakin. Binigay ko naman ang bayad at hindi na inantay pa ang sukli at patakbong lumabas.

"Tara, Manong. Pakibilisan po." Halos paliparin naman ng driver ang sasakyan at halos inabot lang kami ng limang minuto bago marating ang mansyon ng mga Lim.

At gaya ng sabi ni Shee ay patay nga lahat ng guards sa bahay na to. At pare-pareho ang mga tama. Natanaw ko pa ang van pero hindi na ako nag abalang puntahan pa yun at tumakbo na papunta sa loob.

Masked FeelingsWhere stories live. Discover now