Stacey's Point of View
"Tiis tiis muna tayo, girls. Kailangan makumpleto natin ang informations bago tayo lumaban, okay?"
Bilin ko sa kanila nang makabalik na kami ng classroom. Aba, hindi kami pwedeng sumabak sa giyera ng walang plano."Paano kapag hindi na ko nakapagpigil?" tanong ni
Maloi."Basta kapag nadulas ka at nabara mo sila, bawin mo lang ang sasabihin mo. Ibahin mo. Basta huwag mo ipahalata na kaya mo silang labanan."
Dahil wala pa ang teacher ay nagkwentuhan muna kaming apat. Okay na sana eh. Wala na sanang pakialamanan pero may mga dumating na asungot.
"Hello, girls. Ang ganda ng araw ngayon 'di ba?
Napansin niyo?" tanong ni Colet habang hila hila ang upuan niya at umupo sa tapat namin. Bwisit.
Ano na naman kaya ang trip nito?"Kanina maganda pero ngayon hindi na," bulong ni
Aiah na sa kabutihang palad ay hindi niya narinig."At mas gaganda pa 'yun kung hindi ko nakikita ang mga mukha niyo sa harapan ko. Lalo ka na, Leaving."
Ay, epal naman pala nito. Sino ba nagsabing umupo siya sa harapan namin? Siya itong lumapit lapit tapos magrereklamo na nakikita niya raw kami. Nabaliw na.
"Try mong tumalikod, mawawala kami sa harap mo," bulong ni Maloi.
"Ano yun, Leaving?"
Umirap si Maloi habang nakayuko at saka hinarap si
Colet at ngumiti, "Ang sabi ko... 0o nga ang ganda ng araw ngayon.""Buti alam mo," tango niya at saka hinarap ang tatlong kaibigan niya. "Hoy kayong tatlo, tara dito.
Kwentuhan tayo.Uto-uto naman 'yung tatlo. Lumapit nga.
"Yo! May ano?" tanong ng babaeng maputi na mukhang chickboy kay Colet."Wala naman. Makipagkwentuhan lang tayo sa kanila."
Noong una, nagtataka ako kung bakit nila kami kinakausap at kung bakit trip nitong makipagkwetuhan kasi sa pagkakasabi ni Den, bawal daw 'yun. Kaya lang narealize ko na: 1. Sila ang leader ng boys kaya hindi sila mapaparusahan at; 2. makikipag-usap lang sila para bwisitin at sirain ang araw namin.
Bwisit tong mga 'to.
"Hoy kayong apat! Magkwento nga kayo," utos ni Colet na hindi namin sinunod. Ano siya sineswerte?
Close ba kami para magkwento sa kanya? Feeling.Natawa si chickboy at pinalo sa likod si Colet,
"Deadma p're. Mga bingi ata 'yan.""Hoy! Hindi ba talaga kayo nakakarinig?! Bakit ayaw niyong sumagot?!" Ayan na. Siya 'tong magsisimulang mangbwisit pero siya 'tong mapipikon.
Hindi pa siya nakuntento. Lumapit pa si Colet at kinalabit ako. Nang tumingin ako sa kanya ay nagcross arms siya, "Bakit ba hindi kayo sumasagot? Ang bingi bingi niyo naman. Wala kayong kwentang mga kausap. Ano ba naman 'yan."
"Mga wala talagang kwenta," dagdag pa ng supladong may headset.
Hayop 'to! Minsan na nga lang magsalita ang harsh pa! Walanghiya. Impakto. Kapal ng mukha para sabihan kaming walang kwento. Aba, sino ba siya sa akala niya?!
Ibang usapan na 'to!
"Hoy, impaktong nakaheadset! Makapagsalita ka diyan ha! Tapalan kaya natin ng packing tape 'yan bunganga mo! Ayusin mo lang ang mga salitang lumalabas diyan!"
Pero sympre hindi ko talaga nagawang sabihin
'yun. Masakit man sa akin, kailangan talagang magtiis.Hindi pa rin namin sila kinibo kaya ayun at lumayas na din sila sa harapan namin. Mas nakakainis naman kasi talaga ang silent treatment.