Stacey's Point of View
"Kapatid mo yung may matabil na dila na 'yun?!
Are you serious?!" Hindi ko makapaniwalang tanong."Yup! Ate ko siya. Kapatid niya ako. Parehas kami ng parents at nakatira kami sa iisang bubong. Kaya
'wag ka nang matanong d'yan, Ate Stacey.""Are they treating you right? Or damay ka pa rin sa clash na 'yan?"
"Syempre kasama ako sa clash. Dapat nga hindi ako idadamay du'n. Kaya lang unfair naman 'yun para sa iba ko pang mga friends, 'no."
"Aww. Ang bait mong bata ka," I cooed and pinched her cheeks.
Nginitian niya ako na parang proud na proud siya sa sarili niya. "Kapag nasa bahay naman maayos kami ni Ate Jho. Sa school lang kasi nag-exist ang clash. Mabait naman 'yan paminsan minsan.
Sadyang harsh lang talaga at masakit magsalita."Mabait? Huh. Hindi ako naniniwala.
"Sa totoo lang, mga ate, naghihintay lang ako ng matatapang na girls para tapatan sila Ate Jho.
And I guess tapos na ang paghihintay ko.'"Paano mo naman nasabi?"
Tumayo siya at tinuro kami isa-isa, "You. You. You.
And you. I know na nagtatanong-tanong kayo about sa clash because gusto niyo silang labanan.
You want them to treat girls right. Ayaw niyo rin maliitin tayong mga babae. I know na kaya niyong labanan ang mga baliw kong Ate-atehan at moody kong Ate. Don't worry kasi kampi naman ako sa inyo. Kaya hindi ko sasabihin sa kanila 'tong background check na ginagawa niyo. And anytime you need more information, tawagan niyo lang ako.
I got you mga ate."Napanganga na lang kami sa mga sinabi niya. Sabi konga hindi subtle 'tong pagbabackground check na ginagawa namin.
"At dahil mukhang di na kayo makapagsalita d'yan, sige na. Una na ko sa inyo. Nandyan na sundo ko.
Oh. By the way, mauna na rin kayo para makapag-ayos na kayo. Quarter to 6 na. Kakanta pa kayo sa
No Name 'di ba? Sige na. Bye!"Huh? What? Paano niva nalaman na kumakanta kami doon? Anong klase ba 'tong babae na 'to?
Mukhang ang dami niyang alam.Nagkatinginan lang kaming apat pero wala na ni isa ang nagtangkang magsalita. Oh well. Patayo na sana kami para makaalis na rin sa café nang huminto si Dencty at lumingon sa akin.
"Ate Stacey."
"Hmm?"
"Thank you... in behalf of my sister." And she finally went out of the cafe.
Thank you raw? In behalf of her sister? For what?
* **
Nasa may mini stage kami ng No Name at kakantahin na namin ang last song namin para sa gabing ito.
"This is our last song, guys. Kung hindi niyo pa kasi alam, may mga kahati na kami sa time. So hanggang 8:30 lang kami," sabi ni Maloi sa mga patrons ng No Name.
Maririning mo naman ang pag "aww" nila dahil sa nalaman. But sorry, our beloved customers. May mga asungot talagang sumulpot.
Natawa kami sa naging reakson at nagpatuloy sa pagsasalita si Maloi, "Don't worry, guys. At least Tuesday and Thursday pa rin kami. So... okay! Let's stop this chitchat and just sing with me."
And as expected ay nakikanta nga sa amin ang mga customers. Nang matapos kaming magperform at makababa na ng stage ay sinalubong kami ni Manager Ling na nakathumbs up pa. "Walang kupas!
Two thumbs up for you, girls."We know right," flip ng hair ni Maloi.
"You never fail to amaze me, girls."
Napatingin naman kami sa nagsalita na katabi ni Manager. Nang makilala namin kung sino 'yun ay agad naming iniwan si Manager para lumapit sa kanya.