Sheena's Point of View
Ang bilis ng oras. Sa makalawa laban na namin sa quiz bee. Buti na lang. Naiistress na kasi ako kakabasa ng mga libro about sa History. Ang sakit sa ulo.
Habang lunch break ay tumambay kaming apat sa likod ng campus. Favorite spot ko 'to sa school palibhasa konti lang 'yung tao. Madalas nga kami lang. Medyo malayo kasi 'to sa mga rooms kaya hindi pinag-aabalahang lakarin ng iba.
Naglatag kami ng blanket at humiga sa damuhan.
Saktong hindi maaraw ngayon kaya mas masarap tumambay dito. Nagtatawanan lang kami at bumubuo ng mga images sa clouds.
"Ang bilis ng time, ano?" Medyo tumagilid ako para tingnan ang nagsalitang si Stacey
"Oo nga. Biruin mo parang last week lang first year pa lang tayo tapos ngayon fourth year na," dagdag ni Aiah.
"Parang kailan lang din nu'ng lumipat tayo sa
Kingdom High at nakipag-away pero ngayon friends na natin sila," sabi ko naman."Parang kailan lang..." Tumingin kami kay Maloi at
hinintay ang kasunod niyang sasabihin. "."Parang kailan lang ano?" tanong ni Aiah.
"Uhm. Parang kailan lang... Parang... Ugh! Wala
akong maisip. Sinabi niyo na kasi." Kahit kailan
talaga 'tong si Maloi.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero parang gusto kong pag-usapan ang non-
existent lovelife naming lahat. Well... except for
Aiah.Dumapa ako at nagpangalumbaba,'
"Stacey, 'di ba noong second year pa ang last boyfriend mo? Anong nangyari? Ayaw mo na ngayon?"
"Kung magkakaboyfriend/ girlfriend ulit ako, gusto ko doon na sa lalaki/babaeng mahal ko."
"Huh. Never ka pa naman nainlove."
"Ano bang type mo? Ni hindi ka nga ata nausuhan
ng crush. May pakiramdam ka ba?" biro ni Aiah.Sinamaan siya ng tingin ni Stacey at saka umirap
"Naman! May crush kaya ako.." Nang marining namin 'yon ay napaupo kami at tumingin sa kanya.
"Sino?!" sabay sabay na tanong naming tatlo.
"Secret," sagot niya at saka dumila. "Tigilan niyo na nga ako. Ayan si Aiah. Siya pag-usapan natin dito."
Pumalakpak si Maloi at agad na ngang nagtanong kay Aiah, "Paano naging kayo ni Mikha?"
Tumaas ng bahagya ang kilay niya saka siya nagkibit balikat, "It just happened."
"Posible ba 'yun?"
"Mahal mo siya?" tanong ko.
Sa pagkakaalam ko hanggang ngayon mahal pa rin ni Aiah ang ex niya. Medyo naguluhan lang ako na bigla na lang naging sila na ni Mikha. Parang noong anniversary lang nila todo yak pa siya.
Hindi sinagot ni Aiah ang tanong ko. Nginitian lang niya kami.
"You're hiding something. Mind to tell us? " usisa ni Stacey.
Sa aming apat, si Stacey 'yung tipo na makakaalam sa isang tinginan lang kung nagsisinungaling, may bumabagabag o may sinisikreto ang isa sa amin.
She's an observer.Sa sinabi naman ni Stacey na 'yun ay natawa ng mahina si Aiah, "Seems like I'm about to break Rule #4."
Nagkatinginan kaming tatlo nila Stacey and Maloi dahil sa sinabi ni Aiah. Anong rule #4? At bakit 4? Ibig sabihin marami pang rule?
"We're just pretending. Fake relationship lang ang meron kami ni Mikha. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisip niya 'to pero mas hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumayag sa naisip niyang 'to."
![](https://img.wattpad.com/cover/369748559-288-k933751.jpg)