Stacey's POV
Nakadukdok ang mukha ko sa desk habang nagtuturo si ma'am. Hindi ako makapakinig nang maayos kasi inisip ko pa rin kung paano kami makakatulong kay Manager. Kagabi pa ako nag-isip pero walang pumapasok sa isip ko. Hay.
"You may go. Class dismissed."
Napaangat naman ako kaagad ng ulo nang marinig ang sinabi ni ma'am. Break na. Baka sakaling may pumasok na sa isip ko kapag kumain ako.
Patayo na sana kami nang biglang huminto si ma'am. "Oo nga pala, lahat ng may kulang this quarter pumunta sa office ko." Ugh! Kainis naman.
Oo nga pala. Wala akong research paper. Ngayon ko lang naalala.
"Mr. Sarmiento, Ms. Sy at Mr. Hernandez. Kayong tatlo lang ang may kulang sa record ko. See you after class."
What? Ako pa kaya. Paano ako naging kumpleto?
Ah. Itatanong ko na lang kay Shee. Siya naman leader namin noon. Baka alam niya.
Nilapitan ko si Shee na nag-aayos ng gamit niya.
"Sheena. May tatanong lang ako."
Huminto naman siva at humarap sakin, "Ano?""Naaalala mo yung research paper natin? 'Yung kagroup ko kayo na ginawa natin kila Jhoanna?"
"Oo naman. Bakit?"
"Uhh. Kasi 'di ba umalis ako ng time na 'yun kasi hinanap ko si Aiah. Uhm... nilista mo pa rin ba ako sa members? Hindi kasi ako natawag kanina sa mga may kulang."
"Oo, nakalista ka. Natapos mo naman 'yung nakatoka sa 'yo bago ka umalis noon?"
Natapos? Paanong natapos ko 'yun? Ang alam ko nga naka 3 pages lang ako. Paano nangyari 'yun?
Hindi ko na nagawang itanong kay Ayu ang nasa isip ko nang akbayan kami ni Maloi, "Girls, tara na.
Gutom na ako."Habang kumakain kami ay nagplaplano na rin kami kung ano ang gagawin para matulungan si Manager.
"Hindi ganyan. Hindi pwede 'yan," tanggi ni Aiah sa suggestion ni Maloi.
"Ano ba naman 'yan! Kanina pa tayo mag-isip dito.
Okay na nga 'yung naisip ko," reklamo naman ni
Maloi."Hindi nga pwede 'yan! Maghahanap ka ng ganyang trabaho? Secretary? Assistant? Ganu'n?
Ni hindi pa nga tayo gumagraduate ng highschool.
Akala mo naman makakahanap ka ng work na ganyan."Bakit, ikaw ba may naisip? Kanina ka pa tanging tanggi ha."
"At least hindi ako nagsasuggest ng kung anu-ano.
Pinag-isipan ko pang mabuti.""Kahit na! Wala - "
"Umayos nga kayo! Nag-away pa sa halip na mag-isip na lang," saway naman ni Shee sa dalawa.
Sumunod naman sila kaagad at nanahimik ko.
Napabungisngis ako sa naging reaksyon nila at narinig ata nila 'yun kaya sinamaan nila ako ng tingin. "Grabe. Nakakastress na 'to ha. Paano ba?
Kanina pa tayo nag-isip ng gagawin."Nagsuggest pa rin ng nag-suggest si Maloi at nireject
at nireject pa rin 'yun ni Aiah. Si Shee naman
panay pa rin ang saway sa dalawa.Natigil lang kami ng may ma nagsi-upo sa table namin.
"Ano na ang plano?" tanong ni Gwen at nilapag ang tray na dala sa table.
"Wala pa. Hirap mag-isip. May isasuggest ba
kayo?" balikat na tanong naman ni Maloi."Kanina pa nga rin kami nagtatalo talo pero wala
pa rin."Nag-unat naman si Josh na akala mo pagod na
pagod na. "Hay. Ang hirap naman kasi mag-isip ng
magandang trabaho."