Stacey's Point of View
Nagising ako sa kwartong hindi naman sa akin.
Nasaan ba ako? Ano bang nangyari? Teka lang.
Kagabi...
"A-ano. Uhm. I love you."
Totoo ba lahat ng 'yun? Hindi ba ako nananaginip?
Biglang nagvibrate 'yung phone ko kaya chineck ko naman kung sino ang nagtext.
Nanglaki ang mata ko nang makita ang 143 messages and 79 missed calls. Karamihan ay galing kila Aiah, Sheena at Maloi. Tinatanong kung nasaan na ko at pinapauwi ako.
Hala. Nakalimutan kong magtext sa kanila kagabi.
Patay na ako sa kanila kapag nagkita kami.
Iniisip ko pa lang kung ano ang sasabihin ko sa kanila nang may tumawag na naman sa akin. Si Aiah.
Hala! Ayan na.
Kaya ko 'to. Breathe in. Breathe out. Go, Stacey.
"He - " Inilayo ko kaagad sa tenga ko ang phone ko nang biglang sumigaw si Aiah.
"Stacey Sevilleja! Thank God sinagot mo rin! Grabe ka! Pinag-alala mo kami! Alam mo bang hindi kami nakatulog nang maayos kagabi kasi hindi namin alam kung nasaan ka?! Nasaan ka ba ngayon?! Sinong kasama mo?! May nangyari bang hindi maganda sa 'yo?! Staku! Hoy! Ano ba?! Sumagot ka kaya! May kausap pa ba ako dito?!"
Nilapit ko na ulit sa tenga ko at phone at nagkamot ng ulo.
"Okay lang ako, Aiah . Wala namang nangyaring masama sa akin. Sorry hindi ko na kayo nainform kahapon. Pero don't worry. I'm fine. Uuwi a rin ako maya maya."
"Buti naman okay ka lang. Grabe ka. Kung saan saan ka kasi nagpupunta naabsent ka tuloy. Teka. Nasaan ka ba kasi ngayon?"
"Absent?"
"Oo. Absent. So feeling mo excused ka? Hindi ha. Absent ka kaya. Sige na, Stacey. Nandito na si sir. Nasigurado ko na naman na safe ka kaya panatag na rin kami dito. Umuwi ka na kung nasaan ka man! Bye!"
Absent? Sir? Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang oras sa phone ko at - shit.
Seryoso?
10:30 na?! Nagmamadali akong nagpunta sa C.R. ng guest room nila Jho para maghilamos.
Grabe naman. Late na pala. Nakakahiya. Wala pa naman ako sa bahay namin tapos late ako nagising.
Bwisit kasi 'yang Jho na 'yan. Hindi ako nakatulog a kakaisip sa mga nangyari.
Nang matapos ay lumabas ako ng room at naglakad ng dahan dahan. Mukhang wala ng mga tao.
Lecheng Jhoanna 'yun. Iniwan ako. Pumasok mag-isa. Hindi man lang ako ginising. Lagot sa akin 'yun mamaya.
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang bumukas 'yung katapat kong pinto.
"Gising ka na pala," boses ni Jho 'to, ha?
Lumingon ako sa kanya at kaagad din namang tumalikod nang makita ko sya. OMG. Bakit ganito si Jho? Bakit ba naka bra lang 'tong si Jho at nakatuwalya lang?
"Bakit andito ka pa?" tanong ko sa kanya habang nakatalikod.
"Hinihintay kita magising."
"B-bakit hindi mo na lang ako ginising?"
"I tried pero wala. Hindi mo ata naririnig kaya hinayaan na lang kita."
"O-okay."
"Bakit ba nakatalikod ka sa akin?" Bakit ba kailangan pa nyang itanong yan? Hindi ba obvious?