Jhoanna's Point of View
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang nakita kong eksena kanina... si Stacey na may kayakap na iba.
Masakit. Siguro ganito rin 'yung naramdaman niya nang nakita niya ako noong nakaraang gabi. O baka mas masakit pa?
Teka. Bakit naman siya masasaktan? Wala siyang pakialam sa akin. Masaya naman siya ngayon. Ayos na rin siguro 'to.
Ayos na rin na ako lang 'yung nasasaktan.
Maging masaya lang siya kahit masaktan pa ako ayos na.
Pero madaling sabihin 'yun. Madaling sabihin na magiging ayos lang ako basta ba masaya siya. Mahirap lang talagang gawin.
Paano ko gagawin ang maging masaya kung alam kong hindi naman ako ang nagpapasaya sa kanya? Paano ko gagawin ang maging masaya kung sa bawat tingin ko sa kanya, naaalala ko lang ang taong sobrang mahal ko at gusto kong maging sa akin pero hindi ko naman makuha?
Nasa may tapat lang ako nang tinutuluyan namin at nakaupo nang matanaw ko si Stacey. Napatayo ako nang makita siya at naglakas loob kausapin siya. "Stacey, pwede bang mag-usap tayo?"
"Ano pa bang sasabihin mo?"
"Alam kong galit ka sa nakita mo kagabi. Pero, Stacey -"
"Hindi, Jhoanna. Ayos lang. Ayos lang talaga. Alam ko naman na ang nangyari. Hindi mo nga siguro ginusto 'yung nangyari. She kissed you."
"Alam mo na?"
"Oo. Nakausap ko 'yung babae kanina. Pero wala na rin naman mababago kung malaman ko pa ang totoo o hindi.
Kagabi, tinapos ko na kung ano man ang meron tayo. Kaya kahit na alam kong hindi mo ginawa 'yung akala kong ginawa mo, wala pa rin mangyayari. Kasi nga tapos na.
Wala na. End na ng story natin.""Pero bakit, Stacey? Bakit - "
Ngumiti siya at hindi na ako pinatapos sa pagsasalita.
"Siguro narealize ko lang na wala talaga akong balak sagutin ka - na hindi ko magawang gustuhin ka tulad ng pagkagusto mo sa akin. Ayun. Sige, ha, pasok na ko."
Tinapik niya pa ng mahina ang balikat ko.
Parang may tumapak nang paulit-ulit sa puso ko. Umasa ako na kahit konti pwede...
Umasa ako.
*******
"Jho, tama na. Tara na," pigil sa akin ni Gwen.
"Umuwi na tayo, Jho. Nakakailang bote ka na dyan," saway naman ni Colet at hinila 'yung boteng nasa kamay ko.
"Huwag nga kayong magulo." At kinuha ko ulit ng bote ko kay Colet. Uminom pa ang tao pinipigilan na agad. Tsk.
"Tumigil ka na kakainom, pare. Umuwi na lang tayo," dagdag pa ni Mikha.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa pag-inom.
"Jho, nakikinig ka ba?! Ano ba?!" sigaw na sa akin ni Gwen.
Napangisi lang ako at di siya pinansin. "Tumigil ka na sabi!"
"Huwag sabi kayong magulo, " sagot ko sa kanya.
"Jho naman"
"Hayaan niyo muna ako. Kahit ngayon lang hayaan niyo muna akong maging ganito. Baka kasi kapag nalasing ako mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko... kahit panandalian lang." Nginitian ko sila at uminom.
Hanggang sa napapikit ako sandali at ibinagsak ang inumin ko.
"Tangina, pare. Nakakabobo. Nakakabaliw na. Bakit naman siya ganun? Ayos pa naman kami nu'ng una. Bakit biglang nagkaganun? Nalaman naman na niya 'yung tungkol sa babae... na wala akong ginusto sa nangyari. Ayun naman ang punto ng lahat ng 'to di ba? Pero bakit wala pa rin?
Bakit sa ganito pa rin kami nagtapos?"