Chapter 31: Weird

1.3K 37 1
                                    

Gwen's Point of View

"Guys, una na muna kami ni Sheena," paalam ko sa mga kaibigan kong kinakantsyawan si Stacey dahil sa naging sagot niya tungkol kay Jho.

Napatingin naman sa akin si Sheena na nakasalubong pa ang dalawang kilay. Natuwa ako sa reaksyon niyang 'yun kaya pinadaan ko 'yung kamay ko sa mukha niya. 'Yung palad ko ay inilagay ko sa noo niya pababa sa may ilong niya. Parang hinilamos.

Tinabig niya ang kamay ko at pinalo ako. "Aray naman!" reklamo ko sa kanya.

"Kasi naman nilalamutak mo ang mukha ko."

"Cute mo kasi, e," biro ko.

"Ewan ko sa 'yo!" Pagkasabi niya nu'n ay pinisil ko naman ang pingi niya dahilan para mapasabi siya.

Natigil lang ako sa panggigigil kay Sheena nang umubo si Maloi. "Tapos na maglambingan?" tanong pa niya.

Nagkatinginan naman kami ni Sheena dahil sa sinabi ni Maloi. Pero nang magtama ang mga mata namin ay agad rin kaming nag-iwas ng tingin. Huh. Bakit nga ba? Weird.

"Inggit ka lang!" banat ni Colet kay Maloi. Lumapit pa siya dito at umakbay. "Huwag kang mainggit, Maloi. Para saan pa at nandito ako?"

Hindi ko alam kung ang pamumula ni Maloi ay dahil sa nagblush siya o dahil sa umakyat ang dugo sa mukha niya dahil sa inis. Ito naman kasing si Colet lagi na lang pinapainit ang ulo ni Maloi.

Nang medyo nakarecover si Maloi ay siniko niya ang tagiliran ni Colet at tinanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya. "Asa ka pa! Unang una, hindi ako naiinggit. Pangalawa, kung mainggit man ako, wala kang pakialam du'n. At pangatlo, ano naman kung nandyan ka? Hindi kita type!"

"Choosy ka pa. Pasalamat kanga naaawa pa ako sa'yo at pagtyatyagaan pa kita dyan. Huwag kang mag-alala, hindi rin naman kita type!"

"Weh? Hindi nga? Baka mamaya crush mo pala talaga ako hindi mo lang maamin kaya dinadaan mo sa pangbwibwisit para mapansin kita."

"Wow! Wow talaga! Hanep 'yang confidence mo.
Huwag kang assuming, Maloi! Para sa kaalaman mo, ang mga type kong babae, 'yung mga kasing ganda ni Aiah, kasing sexy ni Stacey at kasing talino at lambing ni Sheena. Pagpapantasyahan ko na 'yung tatlo kaysa sa 'yo. Asa ka pa!"

Binatukan ni Mikha si Colet at kusa rin gumalaw ang kamay ko at ginaya siya. Maski si Jho ay ganoon din ang ginawa.

"Aray! Ano bang problema niyo?!" sigaw niya sa amin.

"Siraulo ka! Pinagpapantasyahan mo si Aiah?!
Subukan mo lang... Akin lang si Aiah, pare," banta ni Mikha at inakbayan ang namumula niyang girlfriend.

"Sorry naman. Chill lang, dude. Ito naman hindi na mabiro," sabi pa ni Colet kay Mikha at pagkatapos ay humarap siya sa amin. "Kayong dalawa! Ano namang problema niyo at nambabatok kayo?!"

"Bumatok sila. Gumaya lang ako," chill na sagot ni
Jho. Ayos din makagawa ng alibi 'to. Hoo!

Tiningnan ulit ako ni Colet na parang naghihintay ng sagot. Takte! Bakit nga ba ako nakibatok? Kusa lang naman gumalaw ang kamay ko.

"Tama lang na mabatukan ka! Ambisyoso ka kasi.
Taas pa ng standards mo akala mo naman kagwapuhan ka." Whew! Saved by Maloi.

"Nagsalita ang napakaganda."

"Maganda talaga ako. Magandang maganda.
Kalevel ko ng ganda si Aiah at kasing sexy ko si Stacey. Ang wala lang ako ay ang talino at lambing ni Sheena.

"Teka, teka. Bakit kinukumpara mo ang sarili mo sa mga katangian ng type kong babae?"

"Sinong nagsabing kinukumpara ko sarili ko? Ha!
In your dreams, Colet!"

Teen Clash Where stories live. Discover now