Maloi's Point of View
Uh-oh. I smell "away"
Ilang minuto na kaming nakatayo ni Aiah habang pimagmamasadan si Mikha na nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa isang babae. Babae kaya nya 'to?
Akala ko pa naman hindi na playgirl to si Mikha.
Mukhang mali ako.
Bigla na lang naglakad si Aiah pabalik at papasok sa hall kung saan ginanap yung quiz bee. "Aiah!" sigaw ko sa kanya kasi as usual... iniwan na naman ako!
Dinaanan lang din niya si Mikha at hindi ako pinansin. Mukha namang nagulat si Mikha nu'n kasi hindi niya alam na nakikita siya ni Aiah.
Tinawag ni Mikha si Aiah pero hindi naman siya pinansin nitong isa.
Lumapit sa akin si Mikha kasama 'yung babaeng kausap niya kanina pero bago pa siya magsalita ay sinamaan ko na siya ng tingin at dinuro. "Ikaw!
Ikaw na babae ka! Diretsyuhin mo nga ako. Babae mo ba 'yan?" turo ko sa kasama niyang babae na parang napagexperimentuhan 'yung mukha ng isang frustrated painter.Mukha namang nagulat ang dalawang taksil sa ginawa ko.
Magsasalita na sana siya pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
"How dare you! Are you cheating on Aiah?! Kaya ba kayo LQ kanina?! Grabe naman, Mikha. Kung
'yung mga nagbrebreak nga may sinusunod na 3-month rule bago humanap ng bago tapos ikaw, nag LQ lang kayo may bago ka na agad?""Ano bang-"
"Teka! Baka naman si Aiah ang ginawa mong kabit sa inyo? Pinaglaruan mo ba si Aiah? Niligawan mo ba siya kahit na may girlfriend kana pala?!"
"Maloi -"
"Grabe ka talaga! Middle name mo na ba ang manloko? Mauubusan ka ba ng baba kaya dapat dalawa silang pinagsasabay mo? Masaya ka na ba,
Mikha?!""Pakinggan mo muna - "
"Malabo na ata 'yang mata mo, e! Mas pipilin mo ang babaeng 'yan kaysa kay Aiah? Di hamak naman na mas maganda, mas sexy, mas charming si Aiah sa kanya. At alam ko, kasi halata naman, na mas matalino, mayaman at mabait si Aiah kaysa sa babaeng 'yan! Tingnan mo nga 'yang babae mo! Tingnan mo lang mabuti... napaka...
napaka... ay basta No comment!""Maloi!"
"Bakit, Mikha? Bakit mo ako sinisigawan? Ayaw mo bang nilalait ko ang girlfriend mo? Nasasaktan ka ba para - "
"Maloi Ricalde, tumahimik ka muna pwede ba?!"
Dahil sa gulat at medyo takot na naramdaman ko sa pagsigaw niya ay tumahimik na nga ako.
Seryosong servoso na kasi siya. Para na siyang si Mikha. Nakakatakot.
"Kanina mo pa ako hindi pinapatapos sa sasabihin ko. Pwede bang makinig ka muna?!" Tinikom ko ang bibig ko at tumango.
Magsasalita na sana siya kaya lang biglang umepal
'yung babe. "Mikha, mauna na ako. At saka next time kung sakaling makikita ulit kita, huwag ka sanang magalit o magtampo kung hindi na kita kausapin o pansinin. Sangdamakmak na lait ang inabot ko ngayong araw. Nakakatrauma na," sabi ng babae sabay takbo paalis."Nakita mo ba 'yung ginawa mo?" Naparuko ako at tumango. "Nilait mo siya e hindi ko naman babae
'yun. Kaibigan ko 'yun. Girlfriend siya ng pinsan ko."Girlfriend ng pinsan?! Ay jusko. Patawarin sana ako ni girl sa panglalait ko sa kanya. Dala lang ng bugso ng damdadamin. "Isa pa, Maloi, wala akong babae. At saka bakit ka nga pala ganyan magreact?
Parang hindi mo alam na di totoo 'tong relasyon namin?"