Chapter 61: Skype

1K 24 1
                                    

Gwen's Point of View

Inayos ko ang webcam at kumaway, "Hi bebe."

Kumaway rin siya at nginitian ako, "Gwen!"

"Miss na miss na kita. Tara na. Umuwi ka na dito."
Pagpapacute ko sa kanya.

"Miss na rin kita kahit isang araw pa lang tayo hindi nagkikita," sagot niya at saka sumimangot. Huwag nga lang siyang gumanyan at baka hindi ako makatis at mapunta ako ng di oras sa kanila. Gustong gusto ko na siyang hilahin palabas ng monitor ngayon. "Kamustanga pala dyan?"

"Ayos naman. Noong umalis kayo kahit isang araw lang parang ang dami agad nagbago."

"Grabe naman. OA na niyan," tawa niya sa akin.

"Hindi naman. Medyo lang."

Biglang napatalikod si Shee kaya napahinto kami sa pag-uusap. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Curious lang. Hindi ko kasi sympre makita kung ano ang nangyayari.

Umusad si Sheena kaya nakita ko si Stacey na ibinagsak 'yung sarili niya sa kama.

"Pumasok si Stacey," sabi niya sa akin.

"Hi, Stacey!" bati ko sa kanya kasi paniguradong maririnig naman niya ako.

Napatayo naman siya at lumapit a may webcam saka kumaway. "Hello. Ikaw pala yan, Gwen! I miss you na," sabi niya at tumawa.

"I miss you, too. Uy, Shee, 'wag kang magseselos, ha.
Syempre alam mo naman na barkada tayo nila Stacey kaya natural lang na sabihan ko -"

"Hep! Grabe ka naman. Sympre hindi ako magseselos. Si Staku naman 'yan... pero kung ibang babae 'yan... nako Gwen Apuli, magtago ka na sa pagtataguan mo."

"Sus. Ibang babae? Psh. Anong mapapala ko sa mga 'yun? Ayan ka naman. Walang panama lahat ng babae sa 'yo. Ikaw ра."

"Okay. Ang keso niyo na. Nakakaloka. Bahala nga kayo dyan. Maglambingan muna kayo," sabay hairflip ni Stacey at humiga ulit sa kama.

Nagkwentuhan kami ni Shee sa Skype. Gustong gusto ko na talaga siyang ilabas sa monitor para katabi ko lang siya.

Para naman akong tanga nito. Kakaalis lang nila kahapon pero miss na miss ko na siya ngayon.

Seryoso kaming nag-uusap nang napatingin ako sa likuran ni Sheena kaya nagsalubong 'yung kilay ko.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Nadidistract kasi ako dyan sa nasa likod mo," turo ko pa kay Stacey. "Nababaliw na ba 'yang kaibigan mo?"

Tumalikod siya para tingnan 'yung baliw niyang kaibigan.

Panay gulong kasi niya sa kama tapos itataas niya 'yung phone niya at ibabagsak ulit. Tapos gugulong ulit, titingnan ang cellphone at ibabagsak. Paulit ulit lang.

"Bruha, hindi ka ba naturukan ngayon? Mukha kang baliw dyan. Ano bang problema mo?"

Mukhang nagulat si Stacey na pinansin siya ni Sheena. Umupo siya sa kama at ginulo ang buhok niya. "Baliw na ata talaga ako."

"Bakit ba kasi?" tanong ko pa pero hindi siya agad
nakasagot kaya nagtanong ulit ako, "Nga pala, Stacey. Anong balita kay Jho?"

Bumalik siya sa kama at dumapa at nagpangalumbaba.

"Malay ko du'n. Kayo magkakasama dyan, e," irap niya sa akin. Hala, ano bang ginawa ko at iniirapan ako nito?

"Hindi ka ba tinetext?" tanong ni Sheena.

"Hindi. Bwisit. Bahala nga siya sa buhay niya."
Nagkatinginan kami ni Sheena at napakunot ang noo niya.

"Anong nangyari du'n? Teka nga. Bakit mo kinakamusta si Jho e kayo magkakasama dyan?"

Teen Clash Where stories live. Discover now