Sheena's Point of View
"Ano ba yan, ang tagal naman," reklamo ni Colet.
Nasa may meeting place na kami at si Stacey na lang hinihintay. Alas tres lang ang usapan pero 3:30 na wala pa rin siya.
"Huwag ka ngans panay reklamo diyan. Matuto kang maghintay." Ayan na naman. Magbabangayan na naman sila ni Maloi.
"Hintay daw. Tss. Pupunta ba talaga 'yang kaibigan mo? Napakababagal talaga. Naiinip na ko!"
"Eh 'di lumayas ka na kung naiinip ka!"
"O, sige lalayas na ko! Alam niyo ba kung saan nakatira sila Jho?"
"Try mo kayang ibigay sa amin ang address para malaman namin, 'di ba? Utak naman! Try mo gamitin. Baka mabulok lang 'yan d'yan!"
"Kapag binigay - "
Ugh! Naririndi na ako. "Shut up!" sigaw ko sa kanila. "Ano ba kayong dalawa? Sigawan nang sigawan. Kung mag-aaway kayo, pwede bang lumayas layas lang kayo sa harapan ko?!"
"Pero, Shee, nasa likod mo kami." Hay! Ito na naman ang reyna ng mga pilosopa.
"Maloi! Hindi ko na lang kaya ililista ang names niyo kapag pinasa ko na 'to. Okay na ba 'yun?!"
Nag-action si Maloi na parang zinizipper ang bibig niya at saka nanahimik. Si Colet naman ay lumapit sa isa namang kagrupo na lalaki at lumayo pero bago pa 'yun ay narinig ko pa ang pagsabi niya na ang gulo ni Maloi. As if naman siya hindi gumulo.
Ito namang si Stacey hanggang ngayon wala pa rin.
Anong oras na? Hindi pa naman lahat pwedeng magpagabi. Kung hindi pa kami aalis ngayon, baka wala kaming magawa nito?Sinubukan ko ulit tawagan si Stacey pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot. Napabuntong hininga na lang ako at inaya nang umalis ang mga kasamahan ko. Itetext ko na lang sa kanya ang address para makasunod siya.
***
Nang makarating kami kila Jhoanna ay agad kaming sinalubong ng kasambahay nila. Dahil kilala nila si
Colet ay agad naman kaming pinapasok.Dinala kami sa living room nila Jhoanna. Naunang pumasok si Colet at isa pa naming kagrupo pero bigla silang huminto sa gitna at mga nanglalaki pa ang mga mata. Parang gulat na hindi ko maintindihan. Habang papalapit ay pinagtatawanan ni Maloi ang reaksyon ng dalawa.
Kaya lang nang tingnan namin kung saan sila nakatingin ay natigil ang pagtawa ni Maloi at nagaya ang reaksyon namin sa reaksyon nila Colet.Totoo ba 'tong nakikita namin? Hindi ba kami niloloko lang ng mata namin? Totoo ba 'to?
Si Jhoanna?
At si Stacey?
Nakahiga parehas sa sahig at nasa ibabaw ni Jhoanna si Stacey?
"S..Stacey?"
***
Stacey's Point of View
Nanunood kami ngayon sa living room. Kasama ko
ang tatlong magkakapatid. Napagkaisahan ng
dalawa si Jho kaya Phineas and Ferb ang
pinapanood namin ngayon. At dahil favorite ko ang
Phineas and Ferb, sempre hindi ako tatanggi."Wait lang. Tulungan ko lang sila manang sa
paghanda ng pagkain," paalam ni Dencty at
nagpuntang kusina.Tawa lang kami nang tawa ni Ate Cass habang
nanunood samantalang si Jho... aba, anong malay
ko. Hindi ko triny tingnan ang reaksyon niya.Naistorbo lang ang panunood namin nang
tumunog ang phone ni Ate Cass. Speaking of phone, wala ng battery ang phone ko at
nakalimutan ko na manghiram ng charger sa kanila.