Colet's Point of View
Badtrip talaga 'yung lalaking 'yun. Epal.
"Colet, okay ka lang ba, anak?"
Napatingin ako sa mama ko at ngumiti. "Oo naman, Ma.
Okay lang ako.""Parang hindi naman."
"Sus, Ma. Paano mo naman nasabi 'yan? Ayos lang kaya ako."
Tumawa pa ko at hinampas ang dibdib ko para maniwala siya.
"Huwag ka nang magsinungaling," iling sa akin ni Sheena.
"Halatang hindi ka okay. Sinong okay na tao ang magsasalin ng tubig sa basong punong puno na ang laman?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa hawak kong pitsel.
"Ay, shit!" sigaw ko at inilayo ang pitsel.
"At sino rin ang matinong tao na kakain nang kakain habang nakabaligtad pa ang pinggan?" Yumuko ako para tingnan ang pinggan ko. Baligtad nga pero may laman na.
"Ano bang problema?" tanong ng daddy ni Sheena.
"Hay nako, Dad, hindi naman sasagot ng matino 'yang si Colet. Ako na lang ang magsasabi ng problema niya. Umayos siya ng upo at nagpatuloy.
"Kasi po nagseselos 'yan. Type kasi niya si Maloi kaya lang - "
"You mean si Maloi na kaibigan mo?" Tumango naman si Sheena.
"Good choice, Colet. Napakabait na bata niyang si Maloi. Maganda pa at nakakatuwa. Magaling kang pipili."
Itinanggi ko naman ang sinabi ni Sheena. "Hindi po. Nag- ¡imbento lang 'yang si Shee."
"Hindi ako imbento. Alam ko kasi nakikita ko 'yung tingin mo sa kanya. Akala mo hindi ko napapansin 'yun? Saka kanina nang inabutan mo sa bahay si - " Naputol ang sinasabi ni Sheena nang takpan ko ang bibig niya.
Napakadaldal.
Hayop kasing Drake 'yan, e. Napakaangas. Sarap bangasan ng tatlo nang magtino.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas ako para magpahangin. Umupo ako sa may swing. Sandali lang ay sumunod na rin si Sheena at umupo sa katabing swing na inupuan ko.
"Alam mo, Colet. Ang tanga mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Makatanga naman kasi. "I mean ang hina mo makaramdam. Hindi mo maramdaman 'yung feelings mo para kay Maloi. It's obvious. You're jealous."
"Psh. Jealous mo mukha mo."
"Hirap sa 'yo, e. Ayaw mo i-admit sa sarili mong nagseselos ka kay Maloi at Drake. Kitang kita ko kaya 'yun. Kanina lang sa bahay nu'ng sinundo mo ko inabutan mo si Drake doon. Halos mapatay mo na nga siya sa tingin mo. Kaya lang, huwag kang mag-alala kasi nga, wala naman si Maloi doon."
"Angas kaya ng lalaking 'yun."
"Mabait kaya 'yun. Mukha lang mangas kasi hindi naman kayo close. Saka hello? Wala naman siyang ginagawa sa 'yo kanina. Paano mo nasabing mangas?"
Ayun lang. Wala nga siyang ginagawa sa akin kanina.
"Nasabi mo lang na mangas siya kasi nga ayaw mo sa kanya. Ayaw mo sa kanya kasi sila ni Maloi." Naramdaman kong tumingin siya sa akin. Pero ako, tumingala lang at tumingin sa langit. "Kung alam mo lang."
"Ano? May binulong ka ba?" tanong ko sa kanya. Para kasing may sinabi siya. Hindi ko lang narinig.
"Wala. Sabi ko papasok na ko."
*******
Kinabukasan sa school, dumiretsyo na ako sa may classroom. Nilapag ko lang ang bag ko at nag-ikot-ikot.