Stacey's Point of View
"Ang ganda naman pala dito."
Kitang kita kay Maloi na sobra nga talaga siyang nagandahan sa pagbabakasyunan namin.
Sa bagay, ako man gandang ganda, e. Isa siyang beach.
Puti 'yung sand. Hindi rin siya masyadong polluted kaya hindi ka maiirita. May makikita ka rin na magkakasamang pamilya dito pero more on group of friends ang nakikita namin.
Ang tutuluyan naman namin, two-story house. Hindi masyadong malaki. Hindi rin naman maliit. Sakto lang kumbaga. Mayroong five rooms sa taas. Since walo kami, napagpasyahan namin na dalawang tao ang matutulog kada kwarto at hindi na lang namin gagamitin 'yung isang
room.Si Aiah at ako ang magkatabi; si Maloi at Shee; si Jho at Colet; at si Gwen at Mikha.
Nag-ayos lang kami ng gamit namin at kumain saglit saka naglibot.
Naglakadlakad kami nang bigla akong hilahin ni Maloi.
"Oh? Problema mo?"
Sa halip na pansinin ay humarap lang sia sa iba at
nagpaalam, "Guys, pasama lang ako kay Staku kita kita na
lang tayo mamaya. Bye!" kaway niya at hinila na ako
palayo sa kanila."Hoy, Maloi. Anong trip mo at kinakaladkad mo ko?
Pwedeng medyo bagalan mo lang at nakakahingal kaya."Paano naman kasi ang bilis bilis ng lakad niya.
Huminto siya at humarap sa akin habang nakangiti ng
malaki. "Sorry. Naexcite lang kasi ako.""Naexcite saan?"
"Naexcite chikahin ka." Tinaasan ko siya ng kilay kaya
napairap siya. "Huwag na patay malisya, Staku. Alam ko na.""Alam ang ano?"
"Na sasagutin mo na si Jho - " Nanlaki ang mata ko at
tinakpan ko ang bibig niya."Huwag ka ngang maingay, Maloi."
Hindi pa rin siya nagpaawat. Kung anu-ano pa rin ang
sinasabi pero hindi ko maintindihan. "Ano?" Tinuro niya
ang kamay kong nakatakip sa bibig niya kaya agad kong
tinanggal 'yun. "Sorry. Kasi naman ang ingay mo. Baka
may makarinig sa 'yo. Gusto ko nga surprise ang pagsagot sa kanya," bulong ko sa kanya.Huminga siya ng malalim at humawak pa sa dibdib niya.
"I thought you want to kill me."
"Sorry. Anyway, paano mo nga pala nalaman? Sinabi ba ni
Aiah? Loka loka talaga 'yun. Sinabihan-""Walang nagsabi sa akin. Narinig ko lang kayong dalawa
sa C.R. Mag-c-C.R. dapat ako pero hindi na natuloy dahil
sa sobrang kilig," ngiti pa niya at pinagdikit ang palad niya."Basta huwag kang maingay, ha?"
Sumaludo siya sa akin at kumindat. "Yes, ma'am."
Nagkwentuhan pa kami saglit ni Maloi hanggang sa naisip
na naming hanapin 'yung iba. Hanggang sa bigla na lang
siyang huminto at tinapik sa balikat 'yung isang babae na
nakasalubong namin."Maloi!" saway ko sa kanya. Paano naman kasi, sinong
matinong tao ang papaluin sa balikat ang taong hindi
naman niya kilala?Kaya lang ay hindi pa rin nagpaawat si Maloi. Hindi niya ako pinansin at tinapik ulit ang babae. "Uy, Jho. Suplado naman nito." Jho? Nababaliw na ba si Maloi? Hindi naman si Jho 'to.
Humarap ang babae na nagpagulat kay Maloi. "Bakit ba
miss?""Ay, ate! Sorry. Akala ko ikaw 'yung kaibigan ko. Medyo
kamukha mo kasi." Kamukha?