Chapter 59: Christmas Party

1.1K 35 1
                                    

Stacey's Point of View

Nakapalumbaba lang ako sa harap ng laptop at nakatitig sa mga pictires na kinuhan ko noong game.

"Alam mo Ate Stacey, walang mangyayari dyan sa mga litratong 'yan kung tititigan mo lang. Try mo kayang i-edit di ba?"

"Hindi pa ako nagsisimula pero nanlulumo na ko.
Tinatamad ako," sagot ko kay Dencty at hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop.

"Kung nagsimula ka na dyan, sana umaandar ka na. Kung ako nag-eedit dyan baka kanina ko pa ginawa 'yan at napangalahati ko na."

Nagkaroon ng malapad na ngiti sa labi ko at dahan dahan akong tumingin kay Dencty na nakadapa sa kama niya at nagbabasa pa ng libro.

Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay unti unti siyang tumingin sa akin at napakunot ang noo niya saka umupo. "No. Alam ko na 'yang iniisip mo. Hindi ako mag-eedit. Nope. Ayoko."

"Den, please?" Pagpapacute ko pa sa kanya.

"See this?" Itinaas niya ang librong binabasa niya kanina.

"I'm reading. Busy ako."

"Hindi naman importante 'yan. Percy Jackson and the Olympians lang naman 'yang binabasa mo."

Umarte siya na parang nagulat at nanlalaki pa ang mata.

"Percy is important, Ate Staku. Isa siyang demigod. Don't say bad words."

Napasibi na lang ako at humarap ulit sa laptop. Sabi ko nga wala akong mapapala dito kay Dencty.

Makapagsimula na nga lang.

Edit lang ako nang edit nang biglang magring ang phone ko. Sinagot ko 'yun kahit hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Ramusta naman kayo ni Jho dyan?" tanong ni Maloi sa kabilang linya habang tawa ng tawa.

"Ha. Whatever. Wala kami sa atin. Nasa bahay nila ako ngayon."

"Grabe ka naman Staku. Masyado mo atang dinibdib ang panunukso namin sa'yo kanina," tawa na naman ng bruha.

"Whatever, Maloi. Bahala ka dyan. Busy ako," sagot ko sa kanya sabay end ng call.

Kainis kasi. Kanina pa nila ako inaasar. Kasi ang usapan namin ni Jho, siya ang pupunta sa bahay para doon kami mag-ayos ng pictures. Malay ko bang aalis at may kanya kanyang lakad ang tatlo.

Hindi ko tuloy alam na kami lang ni Jho pala ang maiwan sa bahay.

Nang nalaman ng tatlo 'yun, ininis na nila ako.

Kesyo kaming dalawa lang daw ang tao sa bahay, na baka raw mamaya e... basta. Ayun na 'yun.

Kaya para magtigil sila, sinabi ko na lang kay Jho na sa bahay na lang nila kami gumawa kaya ayan.

Nandito ako ngayon.

"Den, ang tagal naman ng ate mo. Akala ko ba bibili lang siya ng pagkain natin. Bakit wala pa rin - "

"Nandito na po. Namiss mo agad ako?"

Napalingon ako sa pinto ng room ni Den at nakita doon si Jho na nakangisi pa habang may buhat buhat na plastic bag.

Tumalikod din agad ako at ibinalik ang tingin sa laptop.

"Miss ka dyan. Akala ko nilayasan mo na ko. Ang dami kaya nitong ineedit ko. Tapos meron pa sa camera mo."

"Reasons," panunukso ni Dencty. Pagtutulungan pa ba ako ng magkapatid na 'to?

Inayos na namin ang mga napamiling pagkain ni Jho at nagmerienda sa kwarto mismo ni Dencty.

Teen Clash Where stories live. Discover now